Death Day #12

176 41 30
                                    

Nagising ako nang may hindi maipaliwanag na nararamdaman, naghahalo-halo parin sa isip ko kung bakit hindi ko pa 'yon nalaman noong buhay pa ako at bakit pa ngayong patay na'ko. Hindi ko rin maiwasang sisihin ang tadhana pero sino ba ako? Isa lang naman akong patay na laging umaasa sa wala. Isang patay na may sakit parin na nadarama sa mga pangyayaring hindi akalaing mangyayari. Isang patay na hindi parin alam kung ano ang gagawin para matanggap ang pagiging hind tunay na anak.

Ngayon, wala naman akong magawa at wala akong makausap sa bahay dahil hindi ko naman kasama si Aika. May pasok kasi sila, kaya ako lang naman si nakatulala.

Bigla ko lang naalala ang araw kung saan ang laki ng pagpapasalamat sa akin ni nanay.

Mother's Day at linggo ang araw ngayon, madaling araw palang ay nagsimba na kami. Maagang kaming naglakad habang magkahawak ang kamay at patuloy sa pag-ngingisian.

"Nanay, Happy Mother's Day!" Sinabi ko sa kanya sabay kiss sa pisngi.

"Salamat anak!"Kiniss n'yaako sa noo ko at sabay ngiti.

"Alam mo anak?" Pahabol na sabi ni nanay.

"Ano po iyon?"

"Akala ko darating yung araw na hindi mo na ako lalambingin, di mo na ako i-kikiss at yayakipin. Pero tingnan mo nga naman ang swerte ko sa'yo at kahit binata ka na ayan, patuloy parin na nilalambing ako. Salamat anak!"

"Nay, hindi po kayo dapat magpasalamat, ako po dapat. Hindi ko po kayo ikakahiya, bakit naman, ang dami n'yo na pong nagagawang sakripisyo para sa akin. Kaya kahit simpleng halik at yakap lang ay malaking bagay na po iyon para mapasalamatan ko po kayo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

M A N H O L ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon