Halos ilang minuto pa lang akong nakakatulog kagabi nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses. Sina Aling Cynthia. Bumangon agad ako para tignan at makasigurado kung si Nanay ba talaga 'yun.
Nang makalabas ako sa kwarto, si nanay nga. Kahit na medyo nanlalabo pa ang paningin ko ay makikita mo sa kanyang mukha na pagod na pagod siya. Ang pinagtataka ko, wala naman siyang trabaho ngayon at pinagkakaabalahan.
"Mareng Cynthia, kayo muna ang bahala dito, ah." Pagpapaalam ni nanay.
"Sige, mare, kami ng bahala." Plastikan nga naman. Tsk.
Pinagbilinan muna ni nanay ang Aling Cynthia and friends na bantayan muna ang burol ko magdamag bago siya pumunta sa higaan. Napagisip-isip ko na ngayong magkasama si Ella at si nanay, napapagkumpara ko na magkaparehas ang sakit na kanilang nadarama at mga ugali. Ang pinagkaiba nga lang, bata pa si Ella pero nararanasan niya na ang pait, hirap, at sakit sa mundo.
---
Pagkagising ko ay narinig ko na kausap ni Nanay si Aling Cynthia. Panigurado aalis na naman sya. Ginising ko na si Ella.
"Ella, gising na! Umaga na."
"Ahhh, opo Kuya Louis! Good Morning po!" Habang nag-iinat. Eto talagang batang 'to.
"Good morning din, Ella. Bangon na. Susundan natin si nanay kung saan s'ya pupunta." Nagtatakang napakamot ako sa ulo. "Kasi kagabi, halos hating-gabi na noong umuwi s'ya sa bahay."
"Ahhh, ganun po ba? Sige po." Halos hindi parin naalis ang saya at galak sa mukha ni Ella. Siguro ang totoo, malungkot talaga siya.
Last Day niya na ngayong araw. Sinusubukan niya sigurong tumawa na lang para mas gumaan ang dinadala at loob niya.
"O sige, tara na! Ayun na nga si Nanay, oh." Sinabi ko pa sa kanya nang may masayang tono na sana kahit papaano ay magpapagaan ko ang loob niya.
"Opo!" At agad din naman s'yang sumunod sa akin.
Nagsimula na kaming maglakad nang magkahawak ang kamay namin ni Ella para sundan si nanay. Napansin kong merong dala-dalang isang malaking shoulder bag si nanay na hindi ko malaman kung para saan. Nagkwentuhan na lang kaming dalawa ni Ella. Medyo nagiging close na rin kami. Feeling ko nga totoo ko na siyang kinababatang kapatid.
Napansin namin na huminto si nanay sa may kanto na pinagkitaan ko kay Ella kaya bigla akong napatanong sa kanya.
"Ella, bakit ka nga pala nakatambay dito kahapon?" Wala naman sigurong masama kung magtatanong ako.
"Ahhh, kasi kuya, ano ehhh, napagod ako sa paglalakad. 'Di ba sabi ko sayo, pagala-gala lang ako." Sagot niya sa akin nang may pag-aalinlangan. Nakakapagtaka naman yung sagot niya. Parang hindi siya sigurado.

BINABASA MO ANG
M A N H O L E
FanfictionNalaman ko na lang na nahulog pala ako sa manhole kaninang umaga. Kaya pala wala man lang kumausap sakin sa school, kaya pala madaming tao kanina malapit sa manhole at kaya pala hindi ako marinig ni nanay. Kasi patay na pala ako. MANHOLE: 40 Death D...