Death Day #10

162 55 38
                                        

Umaasa talaga ako na pagkatapos ng malakas na ulan ay isang napakagandang bahaghari, na pagkatapos talaga ng lahat ng pagsubok na nararanasan ko ngayon at mararanasan ko palang ay magbubunga para matupad na ang hiling ko.

Sana nga.

Hindi na ako naghintay kagabi na pumatak ang 23:11, hindi narin ako umasa na may dadadaan pang shooting star at ngayong umaga, hindi ko narin plinano ang paghahanap ng taong makakatulong sa akin. Sabi nga ng ating nanay sa atin, huwag mong hanapin at makikita mo.

Umasa na naman ako na ang tadhana na lang ang gagawa ng paraan para makita ko na ang hinahanap ko. Wala na namang kasiguraduhan, pero sana nga gumana, na kapag hindi ako naghanap, sana ay mahanap ko na nga.

Wala akong magawa ngayon sa bahay kasi tulog pa naman si nanay kaya ngayon, nakatulala lang ako.

Sa ilang minuto kong pag-upo dito, bigla na lang akong nagulat nang marinig ang isang malakas na tunog sa may labas ng bahay. Kaya agad ko iyong tiningnan kung saan ba nanggaling ang tunog na iyon. Pero wala namang tao kaya pumasok na ko sa loob at bumalik sa pagkakaupo.

"Ahhhhhhh... Sino ka?!" Sigaw ko nang bigla akong nagulat.

Napansin ko na lang habang ako'y nakaupo, may katabi na pala akong babae. Naka-belong puti siya at mapapansin na may mga tulo ng dugo sa belo niya. Hindi naman siguro gaanong matanda. Natakot lang ako kasi hindi ko naman siya kilala.

"Ikaw ba 'yan? Ikaw na ba 'yan...?" Sabi ng babae habang tinitingnan ang mukha ko.

"Hindi naman po tayo magkakilala kaya ano po ba ang rason kung bakit po kayo nandito?" Pagtatanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo ko.

"Huwag kang magagalit sa sasabihin ko sa'yo. Nagtitiwala ka ba sa akin?"

"Teka, hindi pa po kayo nagpapakilala kung sino po kayo?"

"Ako yung isa sa mga kaibigan nang nanay mo noon. Nagtitiwala ka ba sa'kin?"

"Paano niyo ako mapapaniwala na totoong kaibigan po ninyo ang nanay ko?"

"Isa ako sa mga nag-alaga sa'yo noong baby ka pa. Nagtitiwala ka na ba?"

"Hindi pa masyado kasi po hindi ko po kayo mamukaan, pero ang mas importante ay kung ano po 'yung dapat kong malaman?"

"Alam mo Louis... pumunta talaga ako dito para malaman mo ang sikreto na ayaw sabihin ng nanay mo sa'yo."

"Ano po ang ibig ninyong sabihin?"

"Alam kong masakit pero kailangan mo kasing malaman at kahit dumating na ang oras na sasabihin na ng nanay mo, hindi na masyadong masakit."

Napabuntong-hininga siya.

"Hindi ka kasi tunay na anak ng nanay mo. Napulot ka lang namin sa kalsada na umiiyak ng malakas habang naglalakad kami papauwi. Yung kwento sa'yo ng nanay mo tungkol sa tatay mong namatay, hindi iyon totoo..."

Tinakpan ko ng dalawa kong kamay ang tenga ko para hindi ko na mapakinggan ang lahat ng pinagsasabi ng babaeng ito. Biglang nanglaki ang mga mata ko at para bang nanluno ang katawan ko.

"Hindi totoo 'yan, totoo akong anak!" Tumakbo ako papalayo sa babaeng nakausap ko at hindi ako tumitigil sa pag-iyak.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin, medyo nalilito narin ako kung bakit kaya hindi na lang sinabi sa'kin ni Nanay ang totoo, ang katotohanan na hindi nya ako tunay na anak. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o hindi, sa ginawa ni nanay. E, di sana nahanap ko man lang kung sino ang tunay kong pamilya at sana naitanong ko kung bakit kaya nila ako tinapon.

Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta ngayon, basta ang alam ko tumatakbo lang ako, humagulgol at kinakausap ang sarili ko.

Itutuloy ko pa ba ang paghahanap ng taong makakatulong sa'kin para makausap ang nanay ko, ang nanay ko na nagtago ng sikreto? Mamahalin ko ba s'ya? Hindi ko rin alam.

---A/ N ---

Sorry po sa part na'to at kakaonti ang events. I hope you enjoy reading!

Mamahalin n'ya pa kaya ang nanay n'ya. Ano kaya? Kakausapin nya pa ba?

Continue to read!

Vote•Comment•Support

~AkoSiWeirdo

M A N H O L ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon