Kakagising ko palang at naalimpungatan. Kaya heto ako ngayon nagmamasid at nagbabantay habang mahimbing na natutulog si Nanay.
Hanggang dito nalang ba talaga ako? Hanggang tingin nalang ba ako at kausap sa hangin?
Hindi ko parin talaga masisi ang kalagayan ko ngayon dahil nga hanggang doon lang ako. Hanggang dito na lang na nakatulala at iniisip ang pananatili ko sa mundong 'to.
Bakit pa ba kasi kailangan ng 40 Death Days kung sa impiyerno din naman o sa langit naman ang bagsak naming mga multo. Para lang ba mas masaktan kami sa mga nakikita naming umiiyak at nalulungkot sa harapan namin. Hindi ko talaga maintindihan. Bakit kasi andaming sikreto at misteryo ng mundo.
Parang kahapon lang naglalakad ako sa kalsada para pumasok sa school, magmamano kay nanay kapag nakauwi galing school at sa hindi inaasahang pagkakataon nahulog sa manhole.
Akalain mo isang linggo na pala akong patay, pero imbis na matuwa at mag-celebrate, mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko sa tuwing naalala ang bilis ng pagtakbo ng nalalabi kong oras. Kinakatakutan ko mang dumating ang katapusan ng existence ko sa mundong ito, naniniwala ako na magiging maayos naman si nanay sa pag-alis ko.
Sana nga.
Bigla ko lang naalala.
,
Natutuwa ako kay Nanay, akalain mo ang lakas ng loob niya at natagalan nya ng mag-isa lang sya sa isang linggo. May bakas man ng lungkot sa kan'yang mga mata. Alam kong kaya n'ya at kakayanin ko rin para sa kan'ya. Mas lalo pa ngayon na ito na yung last day na makikita nya pa ang mukha ko, mahahawakan ang kamay ko at masisilayan ang katawan ko. Libing ko na kasi mamaya. Tsk.Kakagising palang nga ni Nanay ngayon, medyo late na nga sya nakagising. Pero mabuti narin yun at nakapagpahinga sya sa sunod-sunod na tatlong araw na panunulicit nya.
Inayos muna ni Nanay ang sarili nya at humarap muna sa salamin. Halata sa mukha ang lungkot pero unti-unting ngumingiti habang tinitingnan ang sariling repleksyon sa salamin. Ganon ba talaga?
Emotionally : It hurts 😒
Mentally : It hurts 😒
Spiritually : It hurts😒
Physically : You SMILE! 😃That is a sad fact on how people is facing there PROBLEMS. They always SMILE.
Pero kahit ganoon, we always keep ourselves HAPPY as much as possible.
---
Kakatapos lang ni Nanay na maligo pero naging busy na naman si Nanay, inaasikaso ang maglilinis ng bahay namin kapag nagstart na ang libing at yung mga lalaking magbubuhat ng kabaong ko mamaya kapag ilalagay na sa nitso.
Bigla ko na lang napansin kay Nanay na...
UNA, naka-black na polo sya; syempre libing.
PANGALAWA, naka-jeans; na nagpapamukhang bagets si Nanay pero parang hindi naman. Hehe...
AT PANGATLO, naka-braid ang buhok nya; na paborito nyang ginagawa sa buhok nya. Enebe! Negmemekeng pebebe! Haha...!
Ilang minuto pa ay magsisimula na ang libing ko. Kinakabahan ako kasi hindi ko na naman alam kung anong nangyayari dun, ang alam ko lang tatabunan yung kabaong sa nitso mo tapos tapus na, as in yun lang ang alam ko. At saka sana walang mangyaring masama.

BINABASA MO ANG
M A N H O L E
FanfictionNalaman ko na lang na nahulog pala ako sa manhole kaninang umaga. Kaya pala wala man lang kumausap sakin sa school, kaya pala madaming tao kanina malapit sa manhole at kaya pala hindi ako marinig ni nanay. Kasi patay na pala ako. MANHOLE: 40 Death D...