Death Day #9

184 56 60
                                    

Kagabi, tumingin ako sa orasan at napansing mag-aalasonse na. Naalala ko lang bigla na sabi ng iba, kapag daw pumatak ang 11:11pm o 23:11, kailangan mo lang daw pumikit, sambitin ang hiling mo at magkakatotoo daw ito. Dahil sa pagnanais kong makausap ko na talaga ang aking ina, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at ginawa ko ang sabi-sabi tungkol sa 23:11 na iyan. Wala mang ulit kasiguraduhan, sinubukan ko parin na maniwala.

"Sana matupad na 'yung hiling ko na makausap ko ang nanay ko at sana hindi na lang ako nahulog sa manhole."

---

Nagising ako ngayon nang may pagsisi kahapon, halos wala naman kasing nagiging bunga ang lahat ng ginagawa ko. Sinubukan ko naman ang lahat ng paraan para makausap si Nanay, pero ayaw ng D'yos na tuparin ang hinihiling ko at ayaw din umayon ng tadhana na makakita ako ng makakatulong sa'kin. Pero sabi nga ng iba, tayo daw ang gumagawa ng tadhana natin.

Kaya nga umaasa ako na makokontrol ko ang tadhana ko, ang tadhana ko na mawala sa mundong ito. Na sana nga mapigilan ko ang pagdating ng 40th Day ko.

Mahirap man para sa'king isipin ang bawat hangganan ng isang bagay, kailangan ko parin 'yong tanggapin kasi 'yun ang reyalidad ng mundo na lahat tayo mawawala, na lahat tayo mawawalan din ng excistence sa mundong ito at kahit na anong oras ay pwedeng kang mawala, magiging katulad nyo din ako na magugulat na lamang na patay ka na pala, alam kong mararanasan niyo rin ang mga nararanasan ko ngayon.

Nakatingin na naman ako sa labas, nakahawak sa bintana at nakatanaw sa ganda ng langit. Sinusubukan ulit umasa na may dumaang shooting star. Katulad parin kahapon, nakapikit ako habang hinihiling ang pagdaan ng kahit isa lang na shooting star, pero kahit ilang beses pa akong pumikit at umiyak. Wala naman talaga akong magagawa.

Napatingin na lang ako kay Nanay, lumapit ako sa kanya, yinakap ko s'ya at sabay halik sa noo n'ya. Kahit na alam ko na walang kwenta ang ginawa ko dahil hindi naman iyon naramdaman ni Nanay. Pero ginawa ko parin kasi mahal na mahal kita, nay at alam kong hindi kong ko masusuklian ang pagmamahal at hirap na inalay mo para sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at papasok ako sa loob ng kwarto ko dati. Ngayon lang ulit ako pumasok dito kasi madalas akong natutulog sa kwarto ni Nanay.

Pumasok ako sa loob, may mga papel na nakakalat sa lapag, may mga papel din na nakadikit sa pader ng kwarto ko. Pero hindi ko 'yun pinansin kasi yun din naman yung mga papel na sinulatan ko dati noong buhay pa ako. Nandoon parin yung mga istoryang ginawa ko, yung mga sinulat ko na pinanlaban sa school namin, pero bigla na lang akong napaluhod at napaiyak nang makita ko na ang likuran ng mga papel na ito ay napupuno ng mensaheng sinulat ni Nanay para sa akin.

Anak, kung nasaan ka man, tandaan mo na mahal na mahal kita. Tandaan mo na hindi kita malilimutan.

Namimiss na kita!

I LOVE YOU, ANAK!

At mas lalong bumuhos ang luha ko nang bigla kong nakita ang mensahe na ito na nakasulat ang paborito naming kanta, Sa Ugoy ng Duyan.

Sana'y di magmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan

Bigla akong napakanta pagkatapos ko itong mabasa at naalala ang alaala ko na kasama ko si nanay sa pagkanta. Habang ako'y umiiyak pinaulit-ulit ko iyong kantahin.

"Sana'y di magmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan"

Mas gumaan yung loob ko, mas nagkaroon ako ng lakas ng loob at determinasyon na subukan ulit na maghanap ng makakatulong sa'kin. Kaya lumabas na ako ng bahay. Naglalakad habang nagugulat na lamang ulit kapag lumulusot sa katawan ang mga nakakasalubong ko.

Naglalakad ako at bigla akong napatigil nang biglang bumuhos ang malalaking patak ng ulan. May narinig din akong malakas na kulog kaya ako naman si takot kaya sumukob muna ako sa isang waiting shed. Nalungkot ako bigla kasi wala na masyadong tao.

Med'yo nawawalan na ako ng pag-asa, kasi pati ang panahon hindi sumasangayon sa akin na makahanap ng taong makakaintindi sa sitwas'yon ko at makakatulong na makausap si Nanay.

Kahapon, hindi ako makahanap kasi madaming tumatakbo at natatakot sa'kin at ngayon naman, umulan ng malakas kaya wala masyadong tao akong nalapitan. Pero sino nga ba ako, hindi ko naman sila masisi, e, hindi ko naman sila kontrolado.

Umasa na naman ako sa wala ngayong araw. Oo, masakit pero sabi nga ng iba, pain demands to be felt.

Iniisip ko na lang ngayon na lahat tayo may tinatagong sakit sa loob natin, na lahat tayo may problema, hindi man katindi ng sakit na nadarama ng isang tao, pantay- pantay parin naman tayo.

Kaya eto ako ngayon, hinihintay na lang na tumila ang malakas ulan at umaasa na bukas, makakahanap na talaga ako. Sabi nga ng iba, pagkatapos ng malakas na ulan ay ang isang napakagandang bahaghari.

---A/N---

To cheogo15,

Salamat sa votes and comments. Continue to support.

To all of my readers,

Happy 1.01k Reads sa manhole at #852 na ang manhole in Fanfiction. Godspeed! Haha...

Salamat po sa lahat.

May makikilala ba talaga si Louis na isang taong may third eye na makakatulong talaga sa kan'ya? Ano nga ba ang magiging reaksyon ng nanay n'ya kapag nalaman na gusto ni Louis na makausap siya? Ano kaya?

Continue to read!

Vote•Comment•Support

~AkoSiWeirdo

M A N H O L ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon