Tumatakbo ako para lumayo sa bahay na kinalakihan ko, na naakala kong tunay kong tahanan. Hindi ko nga alam kung bakit gulong-gulo ang isip ko. Para bang ang bigat ng dala-dala ko lalo na kapag naaalala ko na hindi mo naman pala ako tunay na anak.
Ano ba ang dapat kong gawin?
Dapat ba akong magalit o malungkot? Di ko alam.Itutuloy ko pa ba?
Itutuloy ko pa ba na magkaroon ng lakas ng loob para makausap kita?
Di ko rin alam.Nalulungkot ako kasi nagtago ka ng sikreto, sikreto na napakasakit para sa anak na katulad ko. Naguguluhan talaga ako kung maniniwala ba ako sa isang babaeng nagpakilala na dati mong kaibigan, pero ang sakit parimg isipin na sa ibang tao ko pa nalaman, hindi mo man lang kasi inisip ang pakanan ko, hindi pa kasi nagmula sa'yo.
---
Bigla akong napahinto sa pagluha at pagtakbo, nakakita ako ng isang bench at napansing wala namang tao kaya umupo ako. Paulit-ulit parin akong nag-bubuntong hininga kapag naalala ko ang nangyari kahapon. Nang biglang may umupo sa tabi ko, isang babaeng napatitig sa'kin ng matagal.
"Hi!" Pagbati niya sa'kin at kinagulat ko'yun kasi kala ko lalayo din s'ya sakin katulad ng iba pero hindi, umupo pa siya sa tabi ko.
"Hello!" Sagot ko sa pagbati n'ya.
"Teka! Hindi ka ba natatakot sa'kin?" Pahabol kong tanong sa kan'ya.
"Hindi!" Sagot n'ya sa'kin at sabay ngiti.
Nginitian ko rin s'ya.
Naalala ko tuloy si Ella, magkaparehas sila. Nakapag-gagaan ng loob yung ngiti nilang dalawa.
"Hindi pa nga pala ako nagpapakilala sa'yo. Ako nga pala si Aika. Nice meeting you." Sabi niya sa'kin habang nakangiti at inabot ang kamay niya para makipag-shake hands.
Inabot ko rin yung kamay ko at nag-shake hands kaming dalawa.
"Nice meeting you, too Aika. Ako si Louis."
"Kilala kita... Ikaw si Louis Alcantara na kilala sa Summer Ville na isang magaling na writer. Oo nga pala, parehas tayong nag-aaral sa SVA. Panigurado, nagtataka ka kasi hindi mo pa ako nakikita. Kasi Section A ako, Section C kaya ganun."
"Stalker ba kita?" Sagot ko sa kanya habang nakakunit ang noo ko.
"Hindi ako stalker, sabihin na nating isang fan."
"Fan kita? Imposible, hindi ako famous sa school ano?"
"Oo noong buhay ka pa, pero noong nahulog ka sa manhole, sumikat ka! Hahaha-pfft- Hahaha..."

BINABASA MO ANG
M A N H O L E
FanfictionNalaman ko na lang na nahulog pala ako sa manhole kaninang umaga. Kaya pala wala man lang kumausap sakin sa school, kaya pala madaming tao kanina malapit sa manhole at kaya pala hindi ako marinig ni nanay. Kasi patay na pala ako. MANHOLE: 40 Death D...