Death Day #4

247 72 47
                                        

Halos maghahatinggabi na pero hindi parin natutulog si nanay. Walang tigil siya sa pag-iyak sa harap ng aking kabaong.

Gusto kong yakapin si nanay at kausapin, pero ano nga ba ako? Patay na ko. Para sa ibang tao, hindi na ako nag-eexist.

Nakatulala siya at nakatitig sa harap ng aking kabaong at jar na naglalaman ng abo ng mga kamag-anak ni nanay.

Hindi pa rin n'ya matanggap na nangyayari ito ngayon. Sino nga bang hindi? Mag-isa na lang si nanay. Patay na si tatay. Patay na ako. Sumakabilang buhay na rin ang mga kamag-anak namin.

Hindi ko matiis na pinapanood na lang ng ganoon si nanay.

"Paano kung ika-40th day na? Baka mas lalo kong mahirapang umalis."

Halos mag-aalasais ng umaga nang umalis si nanay kahit wala pa siyang tulog. Kahit walang sense yung gagawin ko, napagdesisyunan ko munang dumito muna at bantayan ang aking burol. Kung minamalas ka nga naman, kasama ko pa si Aling Cynthia.

Oo, patay na ko at wala ng buhay pero hindi ko talaga matiis yung presensya niya. Lalo na't patay na ko at kitang-kita ko yung mga pinaggagawa nila nang malaya, nakikita ko na yung mga tunay nilang mga pag-uugali.

Naiinis ako sa kamalditahan niya at kaplastikang ipinapakita niya sa nanay ko.

---

Mag-iisang oras na rin akong nagtitiis na pakisamahan etong si Aling Cynthia. Ayoko talaga sa presensya niya. Kaya lumabas muna ako para hanapin si nanay. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan kahit alam kong patay na ako at walang pakiramdam.

Una, unang beses akong lalabas as a multo.

Pangalawa, baka meron pa akong makitang katulad kong multo at may nakakatakot na itsura. Buti na lang, maayos-ayos yung akin.

Pangatlo, nagbabakasakali kasi ako na may makakakita sa akin na taong may third eye. Kasi sabi nga ng iba, may mga tao na may kakayahang makakita ng isang multo. Para man lang may makausap ako at magkaroon na kami ng communication ng aking ina. Sana nga.

Kakalabas ko pa lang ng bahay. Buti na lang, wala namang kakaiba nangyayari. Para lang din akong simpleng tao pero kakaiba talaga sa pakiramdam na tumatagos ako sa mga nakakasalubong ko.

"Pssst." Parang bata yung boses nang sumitsit. Lumingon ako para makasigurado.

'Pag lingon ko, hindi ko maiwasang magulat. Katulad ko siya. "Hala! Sino ka? Anong pangalan mo?"

Isang batang babae at nakaputi siya. Ang nakaagaw ng atensyon ko ay yung damit niyang abot hanggang sa kanyang tuhod na puno ng dugo. At yung mukha niya, maayos naman except sa malaking bukol sa ulo nya.

"Ako si Ella, 9 years old palang, medyo siguro nagtataka ka kung bakit ganito yung damit at malaking bukol sa mukha ko no?" Nakangiti niyang sabi pero halata sa mata niya ang lungkot at takot.

Tumango ako at nagtanong na halos pabulong, "Anong nangyari?"

"Ginahasa ako ng tatay ko. Napakababoy n'ya at binaboy niya ako. Pagkatapos niya akong babuyin, binantaan niya pa ako na 'wag ko daw isusumbong ang ginawa niya." Huminga siya nang malalim at nakita kong may tumulong luha sa mata niya.

M A N H O L ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon