Death Day #8

199 57 40
                                    

Maaga akong nagising (4am), wala akong magawa kundi tumanaw lang sa bintana ng kwarto ni nanay. Nakatingin lang ako sa ganda ng mga bituin sa langit, naghahangad na sana may dumaang shooting star at humiling na sana matapos na ang lahat ng ito, na sana buhay pa ako, na sana wala na lang yung manhole na pinaglaglagan ko at na sana hindi na muling malungkot ang nanay ko. Napapikit na lang ako, unti-unting tumutulo yung luha ko, habang hinihiling ko na sana nga may dumaang shooting star.

Inaasa ko na lang sa isang paniniwala ang hiling ko, na pinapangarap kong matupad. Wala mang kasiguraduhan , wala mang patunay kung tooto ba 'yon o hindi, umaasa parin ako.

Matagal akong tumitig sa langit at matagal din akong pumikit at umiyak sa ilang oras kong pag-iintay.

Pero bigla na lang nagiba ang ginagalawan kong mundo, naglaho na ang buwan, nawala na ang mga bituin at lumabas na ang araw . Pero patuloy parin akong nakatitig sa langit. Umaasa parin na may lumabas na shooting star.

Pero kahit anong titig ko, kahit anong pilit ko at kahit ilang beses akong humiling. Wala na akong magagawa. Hindi naman ito isang bangungungot, na pwede ko na lamang gisingin ang sarili ko para hindi ko na maranasan ang mga mangyayari pa, dahil nasa reyalidad ako ngayon. Nasa reyalidad ako ng mundo na hindi ko na kayang ibalik pa ang nakaraan.

Patuloy na lang lumabas lahat ng luha ko mula sa mga mata ko, habang inaalala ang mga panahong kasama ko pa si nanay, nakakausap ko pa siya, nayayakap ko at nahahalikan pa. Namiss ko lang bigla ang buhay ko dati, yung pagpasok ko sa school, yung harutan namin sa room, yung katabi ko pa matulog si nanay gabi-gabi at yung bonding moments namin ni nanay habang kumakanta sa may terrace. Inalala ko lahat, lahat ng mga alaala ko kasama ang mga kaibigan ko at ang nanay ko. Kahit bigla na lang nagbago ang lahat ng dahil lang sa katangahan ko.

---

Nang naging kalmado na ako at tumigil na ako sa pag-iyak. Nag-isip kaagad ako kung ano ba talaga ang dapat kong gawin para ma-communicate kita, nay. Sinubukan kong humawak ng ballpen, pero tumatagos lang 'yon sa mga daliri ng kamay ko. Sinubukan kong sigawan ka pero wala ka paring respond sa mga sinasabi ko. Sinubukan ko na lahat pero talagang ayaw umayon ng tadhana na magkausap tayo.

Napaiyak na lang ako, nanluno ako bigla dahil bigo na naman ako. Nabigo na naman ako para makausap kita.

Habang umiiyak ako, naalala ko na may mga taong may third eye. Kasi sabi nga ng iba, may mga tao na may kakayahang makakita ng isang multo. Para man lang may makausap ako at magkaroon na kami ng communication ng aking ina.

Umasa na naman ako na makakausap ko na si nanay, na may makikita ako na taong may third eye. Sabi nga ng iba, Try and try until you succeed.

Lumabas ako ng bahay, umaasa na sana mahanap ko ang dapat kong mahanap, 'yung taong karapatdapat sana ang makita ko. Wala man na kasiguraduhan kung makakakita talaga ako ng taong may kakayahan para matulungan ako, dahil nga sa kawalan ko ng kakayahan para makahanap ng may ganitong kakaibang kakayahan.

Kakalabas ko pa lang ng bahay. Buti na lang, wala namang kakaiba nangyayari. Natatakot parin kasi ako, na makakita ng kapwa ko multo, kaya nga lumabas ako na para lang ding simpleng tao. Kakaiba parin talaga sa pakiramdam na kahit ilang beses ko nang nararamdaman na tumatagos ako sa mga nakakasalubong ko.

Nagsimula na akong maghanap. Hanap ako doon, hanap dito, lakad doon at libot ako ng libot sa loob ng baranggay namin. Kahit na nahihirapan akong tukuyin kung sino ba talaga ang mayroong third eye. Ang naging basihan ko para maghanap ay kapag may isang taong nakipagtitigan sa mga mata ko.

May mga taong napapatitig talaga sa akin, kaya nginingitian ko sila sa pagbabakasakali na malaman nila na mabait naman ako, pero natatakot sila sa ngiti ko kaya lumalayo din sila. Sinubukan ko rin silang lapitan pero bigla na lang silang napapasigaw at tumatakbo. Sinubukan ko na ang lahat ng paraan para makapaghanap ng tao na pwedeng makatulong para makausap ko si nanay, pero wala parin. Sino nga ba ako, e, hindi ko naman sila kontrolado.

Bigla akong napatigil sa paglalakad nang makita ko ang manhole na pinaglaglagan ko. Andoon parin 'yong caution sign na nagpa-attract sa'kin para tingnan ang manhole na 'yan. Doon ko lahat nabuhos, lahat ng lungkot na nadarama ko, lahat ng sakit na nagmula lahat dahil sa katangahan ko at sa manhole na ito.

"Dyos ko! Bakit nyo po ako pinaparusahan ng ganito? Ang hinihiling ko lang naman ay ang makausap ang nanay ko. Na sana marinig niya ako, na sana maramdaman niya ang mga yakap at halik ko sa kanya at na sana matapos na ang lahat ng ito." Sinasabi ko ito habang sinisipa ko 'yung caution sign, kahit na wala akong maramdaman kahit papaano ay nababawasan ang sakit na nasa puso ko.

Minsan sinisi ko na ang D'yos kung bakit hindi n'ya sinasagot ang dasal ko. Pero sabi nga ng iba, dalawa lang daw ang sagot ng D'yos sa mga hinihiling natin.

1.Yes, just wait.
2.No, I will give you better than that.

Napagisip-isip ko rin na baka pinagiintay pa ako ng Dyos sa katuparan ng hinihiling ko o baka naman talagang hindi para sakin ang makausap ang Nanay ko, na may iba pang dapat para sakin.

---

Medyo naging mabuti na iyong nararamdaman ko nang naalala ko yung ngiti ni Nanay, yung hopeful smile n'ya . Kaya mas tumibay ako, mas lumakas ang loob ko at sinabi sa sarili ko na "Hindi ako susuko, pagsubok lang naman ito, mas matibay parin ako."

Pagkauwi ko, napatitig ako kay Nanay habang mahimbing s'yang natutulog. Mas lalo akong nagkakaroon ng lakas ng loob ngayon. Lakas ng loob para magsumikap pa at mag-isip pa ng ibang paraan para makausap na talaga kita.

Hindi ko man nagawa ang gusto kong matapos na, ang bangungukot kong ito, masaya parin ako dahil alam kong may bukas pa. Malay mo may tumulong na sa'kin at malay mo matupad na talaga ang hiling ko. Pero hindi ko parin talaga alam, kung pa'no ko sisimulan ang araw ko bukas.

---A/N---

To coaitleerin,

Thanks po sa votes at sa pagiging reader ko po ng story ko. Salamat.

To all of my readers,

32 days left. Marami pang unexpected na mangyayari.

Continue to read!

Vote•Comment•Support

~AkoSiWeirdo

M A N H O L ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon