Binantayan ko muna si nanay. Susulitin ko ang mga natitirang araw ko bago ang ika-40 na araw sa pamamagitan ng pagbabantay. Alam kong wala 'tong saysay dahil kung may magnanakaw na papasok o mananakit kay nanay ay wala pa rin akong magagawa.
Gusto kong bumawi sa pag-aalaga niya kahit patay na ko. Sana kahit papaano maramdaman niya ang presensya ng anak niya kahit alam kong imposible 'yon.
Tumabi ako kay nanay. Nakayakap at nakabigkis ang mga hita ko sa kanyang katawan. Naalala ko noon, lagi akong ganito kapag katabi ko siya sa pagtulog. Lagi ko siyang hinahalikan sa noo. Nangangarap na lang ako na sana nga ay maulit pa. Maulit pa ang mga araw na kasama ko pa ang mahal kong ina pero alam kong hindi na mangyayari 'yon.
"Kring! Kring! Kring!"
Agad akong napatayo mula sa aking pagkakahiga sa lakas ng tunog ng ringtone ni Nanay. Tumingin ako sa may orasan. 4 am. Bakit kaya may tumatawag, e, madaling araw pa lang?
Biglang napatayo si Nanay at dali-daliang tumayo para sagutin ang tawag sa kanya.
Halos isang minutong nag-uusap si nanay at yung nasa kabilang linya. Pero bigla na lang nabitawan ni nanay yung hawak niyang telepono.
Agad naman akong lumapit kay nanay. Bigla na lamang siyang napaluhod sa sahig at walang tigil sa pag-iyak.
"Diyos ko! Diyos ko!" Patuloy ang kanyang pag-iyak at pag-sigaw. Wala akong magawa kung 'di ang yakapin siya para man lang mabawas-bawasan ang kanyang nadarama.
Kaya mo 'yan, nanay. Kahit iniisip mong mag-isa ka, nandito pa ko. Kahit na patay na ako.
Nalaman kong isang pulis pala ang kausap niya. Ang sabi, yung van daw na sinasakyan nina Tita Linda, yung tita kong tumawag kahapon, ay nabangga daw ng isang truck na naglalaman ng flammable liquid. Hindi lang pala doon natatapos dahil pagkatapos nang banggaan ay sumabog ang flammable fluid na laman nung truck.
Kasabay nito, ang pagsabog nung van nina Tita Linda. 'Pagkatapos ng insidente, sabi ng mga pulis, wala na raw nakita ng tao sa loob nung van. Yupi na ang van na parang nasardinas sina Tita Linda at naging abo na lang sila nang sumabog.
Masakit para kay nanay 'yun kasi kasama lahat ng kamag-anak namin. Kasama yung nanay at tatay niya, pati na ang mga kapatid niya at mga pamangkin. Napakabigat ng nararamdaman.
Nakatulala lang siya ngayon sa sahig habang unti-unting tumutulo ang kanyang luha. Wala na siyang kasama sa buhay. Kailangan nyang magpakatatag ng loob at manalig na kaya niya kahit na mag-isa.
Alasais na ng umaga (6 am), patuloy pa rin si nanay sa pag-iyak. Nang nahimas-masan na siya'y bigla siyang nagmadali para magbihis. Pagkatapos ay tinawag niya si Aling Cynthia, kumare ni nanay, para magbantay muna sa mga makikiramay sa burol.
Umalis si nanay. Ewan ko kung saan siya pupunta. Naiwan akong kasama ang madaldal na si Aling Cynthia. Nakakainis, eh, plastik kay nanay! Pagdating sa akin napakabait at kapag nakatalikod na, napakamaldita.
Tutal multo naman na ko, pagtripan ko kaya?
---
Halong ilang oras na ding hindi pa umuuwi si nanay. Maya-maya pa, bumukas ang pinto at nandoon si nanay na pagod-pagod ang kanyang mukha. Napansin kong may hawak siyang isang jar na hindi naman ganoon kalaki. Makikita mo sa kanyang mukha ang bigat at sakit.
"Cynthia, salamat nga pala sa pagbantay ha. Atsaka pasensya na din, ngayon lang ako nakabalik." Sabi ni Nanay habang nilalagay niya yung hawak niya sa taas ng kabaong ko.
"Hindi okay lang, nga pala ano 'yan?" Hay naku, umiiral na naman ang kaplastikan ni Aling Cynthia. Nakakairita.
"Ahhh, ito? 'Di ba sabi ko sayo kanina, pupuntahan ko yung aksidente kaninang madaling araw. Nandito yung abo ng mga kamag-anak ko. Wala na daw kasing makita talaga sa loob ng van kahit isang katawan man lang o buto." Paliwanag niya. "Puro kamalasan na yung nararanasan ko. Pinaparusahan siguro ako ng Diyos pero lagi naman akong nanalig sa kanya."
"Ahhh," Tumango-tango si Aling Cynthia. Paniguradong itsi-tsismis na naman niya ang mga nakalap niyang balita. Tsk.
Sige, ipagpatuloy mo lang yan, sana ikaw naman ang sunod na parusahan. Multuhin kaya kita?
"Sige na Ruby, aalis na ako. Condolence nga pala." Sabi ni Aling Cynthia. Narinig kong mahinang tumawa siya na hindi naman narinig ni nanay.
Sige, umalis ka na, makipagtsismisan ka na. Ipamalita mo na. Tsismosa!
At pagkatapos nu'n, umiiyak naman si nanay. Mas matindi pa ang kanyang paghagulgol kaysa sa nakaraang pag-iyak niya sa akin. Nawawalan na ng pag-asa si nanay lalo na yung malaking gastos sa kabaong ko. Umaasa pa naman si nanay na matutulungan siya ng kanyang mga kamag-anak pero wala eh.
Sabi nga nila, kapag time mo na, time mo na talaga. At wala ka na daw magagawa. Natapos lang ang araw ng ganoon, puno na lang ng trahedya ang nangyayari. Wala na kasi siyang tiwala sa sarili niya na kaya niyang mag-isa.
Minsan napapaisip ko, bakit kaya kailangan pang mamatay ng isang tao? Bakit kaya kailangan mawala ang lahat ng tao kung may life after death naman? Pero, totoo kaya 'yon? Anong mangyayari sa 'kin 'pagtapos na ang mga natitirang araw ko?
Napapaisip ako kung saan kaya napupunta ang mga kaluluwa ng mga namamatay. Kung may langit ba, purgatoryo o impyerno? Hindi ko naman sinasabi na hindi ako naniniwala pero talagang hindi talaga mawala sa isip kung saan kaya ako tutungo sa pagkatapos ng ilang araw ng aking pananatili.
------A/N------
To all of my readers,
Everything happens for a reason, you just need to have faith to handle it on.
(FYI this qoutation ay pinaghirapan ko po. You are not allowed to COPY PASTE this.)Btw. Please po kapag ayaw nyo po maranasan ang saklap at hirap na mangyayari sa Nanay ni Louis, huwag niyo na po ituloy ang pagbabasa. Pero sana po magustuhan nyo po ang next parts of this story.
Enjoy reading my story!
Vote•Comment•Support
~AkoSiWeirdo

BINABASA MO ANG
M A N H O L E
FanfictionNalaman ko na lang na nahulog pala ako sa manhole kaninang umaga. Kaya pala wala man lang kumausap sakin sa school, kaya pala madaming tao kanina malapit sa manhole at kaya pala hindi ako marinig ni nanay. Kasi patay na pala ako. MANHOLE: 40 Death D...