Chapter 3

106K 2K 285
                                        


Chapter 3

Hide and Seek

                         Nang matauhan ay itinulak ko si Sebastian. Napaluha ako. Nagsisisi ako at tinugon ko ang mga halik niya. Kahit naman nagtaksil sa’kin si Zachary ay hindi ko kayang gawin din sa’kanya to. Binabagabag ako ng aking konsensya. Pakiramdam ko ay wala na akong pinagkaiba kay Celina dahil nakipaghalikan ako sa iba. Pinaglandas ko ang aking daliri sa aking leeg kung saan hinalikan ni Sebastian. Alam kong nagmarka ito doon. Sa pamamaran pa lamang ng halik niya ay hindi na imposible ‘yon.

                         Bumuntong hininga ito at hinalikan ako sa aking noo. "Take a rest."

                         Tuluyan nang kumawala ang paghikbing kanina ko pa pinipigilan nang mawala sa paningin ko si Sebastian. I’m sorry Zach. Forgive me because I commit crime with your brother. Dala ng pag-iyak ay kinatulugan koi to. Kinabukasan ay nagising ako namugto ang aking mata. Inilibot ko ang paningin sa hindi pamilyar na silid. Bumukas ang pintuan nito at iniluwa si Zachary.

                          "Hi honey." Pilit ang mga ngiti niya t nag-aalangang lumapit sa’kin. Sinubukan niya akong halikan, ngunit tumagilid ako dahilan para hindi dumapi ang labi niya sa aking pisngi. He heaved a sigh then bowed his head. "I know you're mad at me, at maiintindihan ko kung bakit ka umiiwas sa’kin ngayon. Pero Bella, hindi ko sinasadya."

                         "Where am I? Paano ako napunta dito?" The last thing I remember was, I went to the bar, get wasted then suddenly Sebastian came up. We'd dance, a romantic dance, we kissed and after that-.

                          "Oh my God!" Napahagulhol ako nang maalala ang huling nangyari.

                          "Honey? Why are you crying? Please stop. I’m sorry, I'm sorry." Umiling ako sakanya.

                          "I-I’m sorry Zach." Hindi ako mapakali. Alam kong mali ang ginawa ko. Nagpadala ako sa sakit na nararamdaman ko kaya ko nagawa ang bagay na ‘yon.

                           "Honey, ‘wag mong sabihin ‘yan. I should be the one saying that." He hugged me while caressing my back. Lumakas ang aking pag-iyak dahil sa simpleng ginagawa niya.

                            Ganito siya sa’kin sa tuwing nag-aaway kami. He’s going to hug me at magiging maayos na ang lahat. Ngunit iba ang sitwasyon ngayon. Nakagawa ako ng isang pagkakamali dahil lamang sa sakit na naramdaman ko. Nagawa ko ang bagay na ‘yon dahil sag alit. Galit na gusto kong ilabas, dahil kung hindi, ay baka sumabog na lamang ako at mabaliw.

                           "Zach, you don't understand."-Umiling ito at hinigpitan ang yakap sa’kin. "Pero Zach, kahapon n-nakagawa ako ng bagay na hindi mo magugustuhan."

                           "Wala na sa’kin kung ano man ang sinasabi mong nagawa mong pagkakamali. I love you honey and I'm sorry for what happened yesterday. H-hindi ko alam kung bakit ko nagawa ang bagay na ‘yon." He held my face, then kissed me on my nose.

                              I stared at his eyes, may nagbabadyang luha dito. "It doesn't matter to me too. Hindi na yon mahalaga. Celina just seduced you, right?" Naniniwala ako na walang kasalanan si Zach. Kagagawan ni Celina ang lahat ng ito.

                              Kung hindi niya lamang inakit si Zach, ay marahil walang mangyayari sakanila. She's a slut, hindi na ako magtataka doon, dahil kung kani-kaninong lalake sa eskwleahan siya sumasama. Alam kong nagkaroon din sila ng relasyon ng pinsan kong si Kurt. Tama si Serene. Sana hindi na lang ako sakanya nakipag-usap pa.

My Possessive Professor (TS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon