Chapter 3

258 6 1
                                    

NARRATOR’s POV

Nakatingin sila lahat sa kanya….

Naguusap-usap tungkol sa kanya……

Alam nya ang nangyayari at alam nyang ayaw syang maging kaibigan ng mga ito…….

Gusto ko na lang nya sanang manatili sa bahay……. Yung walang tao…….. yung sya lang……

Hindi sanay sa ganitong sistema si Samara, hindi sya sanay sa isang eskwelahan……. Kung hindi lang sa  pagkakasakit ng kanyang lolo ay hindi sya para pumasok sa isang eskwelahan, nasanay lang syang pinag-aaral sa loob ng kanilang bahay sa tulong ng kanilang kaibigang magaling na abogado na syang nagtuturo sa kanya …… Sya lang at walang ibang tao……..

“Ok class see you tomorrow, you can take your break.”, sabi nung teacher

Nagtatayuan ang mga kaklase nya, pero nanatili lang syang nakaupo. May dala naman syang mga pagkain, para wag ng lumabas.

“Hoy recess na! Ayaw mo magrecess??? Hahahaha fasting ka?” sabi ni Lee sa kanya.

Umiling lang sya…

“OK!! Dyan ka na nga!! Bantayan mo gamit ko ah!!” sabi ulit nito sa kanya

Tahimik nyang kinain ang dala at nang matapos ay nagpasyang tunguhin ang malapit na banyo upang maghugas ng kamay.

Pagpasok nya narinig nya nag mga estudyanteng naguusap sa loob ng magkabilang cubicle.

“Grabe nakakatakot talaga sya,..”

“Hahaha oo nga eh, baka witch sya o kaya under ng occult activity. I won’t get along with her baka mapano pa ko.”

“Yeah right, bakit kasi nagpapasok sila ng ganun dito, buong school year ba nilang tatakutin tayo? Goooosh, pag ganun I’ll better transfer na lang to other school.”

Dinig na dinig ni Samara ang usapang iyon…… Sya mismo ang taong tinutukoy ng mga babeng nagsasalita.

Paglabas ng dalawa, nagulat sila ng Makita nila si Samara at kumaripas ng takbo palabas ng banyo.

Hindi maintindihan ni Samara kung bakit ba ganun sya pakitunguhan ng mga taong iyon na mahiya mo’y isa syang halimaw.

Gusto na nyang umiyak dahil sa nararamdamang redyeksyon sa mga taong sa paligid.

Sa labas ng banyong iyon, hindi pa rin makapasok ang mga estudyante sa loob dahil sa ipinagkalat ng dalawang babae na lumabas na naroon daw sa loob ang nakakatakot nilang kaklase.

“Ano to?? Anong meron at bakit kayo nasa labas lahat??” Tanong ni Lara sa mga kaklase nya.

“Nandyan sa loob yung creepy girl!! Wag ka munang pumasok Lara!!” pigil ng kaklase nya ng akma na syang papasok sa loob ng banyo

“CREEPY????? Abnormal ba kayong lahat!! Tao yon, hindi halimaw!!! Magsilayas na nga kayo, isusumbong ko kayong lahat sa principal eh!!” sabi ni Lara sa mga nagkakagulonbg estudyante

Pumasok si Lara sa banyo ng walang halong takot. Hindi ganun kakitid ang utak nya para pag-isipan ng masama ang bagong kaklase. Pagpasok nya ay naron nga si Samara habang sinasarado ang gripo.

“Hi!” bati nya kay Samara. “Are you ok? Wag mo na lang sila pansinin.. Abnormal yung mga kaklase nating yon pagpasensyahan mo na lang, ganun talaga pag kalahati lang ang mga utak, hindi makapag-isip ng tama.” Sabay ngiti nya dito.

Infatuated with a supernaturalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon