Chapter 1

462 6 4
                                    

Bang!

Bang!

Bang!

Bang!

Bang!

“Just close your eyes and cover your ears….. and don’t cry”, sabi ng lalaking nakaupo sa driver’s seat.

Niyakap nya ang walang kamuwang muwang na bata at tinakpan ang mga mata.

Nagtakip ito ng tainga at pinipigilang huwag marinig ang mga putok ng baril……..

Dinig na dinig nya pa rin ang bawat putok na pinapakawalan ng mga armadong lalaki sa labas.

Nanginginig ang katawan

Takot na takot

Bang!!

Bang!!

Bang!!

 “Waaagggg!! Tamaa na po…….. Dyos ko, Tamaaaa na po!”, sigaw ng isang babae

 “WAAAAAG PO ANG PAMILYA KO!.” Sigaw naman ng lalaking mahigpit ang pagkakayap sa bata.

Panay panay ang sigawan at umaalingawngaw na mga iyakan sa loob ng maliit na espasyo ng sasakyan, sinasabayan ng mga putok habang kasabay ang buhos ng malakas na ulan.

Pinanatili nyang nakatakip ang kanyang mga mata., itinagong pilit ang sarili nya sa likod ng upuan ng malamig na sasakyan.

Hanggang sa napansin nyang humihina ang mga sigaw at pagsamo

Hanggang sa WALA NA………………….

.

Wala ng naiyak?………. Wala ng nasigaw?……….. Wala ng ulan?…………

Binuksan nya ang kanyang mga mata……

Maraming maraming dugo at umaagos sa dalawang katawang nakahandusay sa harap nya…

Naghihingalo …….

Habangmay mga malulungkot na matang

Nakatitig sa kanya ……..

Naramdaman nya ang pagtulo ng luha nya……………….. Masakit ………………….. Sobrang sakit………..

.

.

.

Naramdaman nyang may lumiligid sa labas ng sasakyang iyon.

Papalapit

Papalapit ng papalapit…..

Hinawakan ng isang lalaking nakaitim ang bukasan ng kotse……..

Takot na takot sya.

.

.

Pumikit sya at nag-akmang patay, pigil na pigil ang iyak, takot at sakit ng damdamin.

“PATAY NA!!!!” sigaw ng isang nakakatakot na boses ng lalaki.

Pinigilan nyang magmulat hanggang sa hindi nya na maramdaman ang lahat…..

Ang lahat na nagmistulang isang masaklap na panaginip…….

MALAGIM NA PANAGINIP!!.

“Grabe naman yon!! Nakakatakot naman yang pinapanood mo eh, ilipat mo na nga!! Puro patayan eh…” saway ko sa kapatid kong nakatakip pa ang mata habang nanonood ng slasher movie.

“Aba’y malamang SUSPENSE yan eh!”, sabi nya sa akin

“Ayoko na nga!!”

“napakaduwag nitong taong to eh, kalalaking tao!”, pang-aasar sa kin ng ate ko.

“eh ayokong ganyan patayan, nakakaawa yung bata.”

Umalis na ko sa pagkakaupo sa sofa, iniisip ko pa rin yung napanood ko kasi nakakaawa talaga yung bida. Ewan ko ba kung bakit pa ko nakisali sa ate ko sa panonood ng movie na ganun, eh hindi ko naman talaga ugaling pagaksayahan ng oras ang mga palabas na ganun.

Mga walang awa!....

Haiiiiz.

Naalala ko tuloy. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Infatuated with a supernaturalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon