Chapter 24

160 4 1
                                    

Lee’s POV

“It’s Camping time!!!!!!” sigawan ng mga kaklase namin, tuwang tuwa ang mga hampaslupa sa magandang balita ng teacher namin.

Last year kasi hindi kami napagbigyan kaya sa wakas natugunan po ang aking hiling sa nakatataas kong lolo na may-ari ng eskwelahan. Gusto ko rin syempre ng camping para maranasan naman ni yun ni Sam bago matapos ang high school.

“Baby ko, maexcite ka naman..... matapos kong magmakaawa para sa camping na ‘to tapos hindi ka masaya?” sabi ko kay Sam na medyo nananahimik nanaman sa gitna ng hindi magkamayaw na ingay.

“Lee, malayo ba yun?”

“Uuuhhhm medyo, sa jamboree yun..”

Hinawakan ko ang kamay nya, “Natatakot yan kasi overnight, tapos madilim.”

Tumungo lang sya.

“Baby naman, ano pang silbi ko kung hindi kita sasamahan dun. Syempre ako ang magiging anghel de la gwardya mo sa Camping sa Friday. Wag ka na dyang matakot, minsan ka lang lalabas ng school eh.”

“Oo na sige na, first time ko lang kasi pasensya naman.”

“hahaha, ayos lang yun.”

Medyo naexcite naman ako sa camping, syempre pagkakataon naming magkasama ng over night.... hahaha syempre hindi naman yung katulad ng iniisip ninyo... o ng karamihan....... Gusto ko lang syang mabantayan hanggang pagtulog....

----------

Pagdating ng Friday, maaga ang assembly namin sa school kaya maaga pa lang naron na ako, kasama ko na rin ang pinakamamahal ko para magkatabi kami sa bus.

Kaulad nga po ng ilang corny na school dyan, bawal po magkatabi ang magsyosyota......... Kaya tiis tiis, bus pa lang ayun .... pinaghiwalay na agad kami ni Sam... Buti na lang nagkatabi sila ni Lara

Kaasarrrrr.....

Nung nasa camp site na ang lahat at busy ang lahat sa pag-aayos ng tent... Nilapitan ko si Sam kahit katabi nya yung adviser namin.

“Sam!!!!” bati ko sa kanya sabay apir

Halata sa mukha ni Sam ang gulat habang nakikipagapir ako sa kanya. Inakbayan ko sya sa harap ng adviser namin.

“Tropa!!!! Gusto mong candy.” Sabay abot sa kanya ng candy.

“Kunyari lang ah...” bulong ko sa kanya

“Tropa? Akala ko magnobyo kayong dalawa?"  Sabi ng adviser namin

"Hindi ho ma'am tropa kami nito eh... baka isipin nyo naman. Tapos todo bawal kayo sa kin para lapitan si Sam, eh tropa ko yan.. wag ganun ma'am."

"Oo na sige na anyway,  Mr. Soberano kung ikaw eh natulong don sa mga nagaayos ng tent kesa naman istorbohin mo pa tong si Samara. Dun ka na.”

Nung makalayo layo ako sa kanila nilingon ko uli si Samara at pinahabulan ng Kindat ; )

Iba na yung maingat, walang kwenta kasi yung mga rules ng school eh. Kesyo magsyota bawal magdikit, para naman nilang sinabing walang mga modo ang estudyante nila para gumawa ng mali di ba.

Nung gabi, nagkaron pa ng program and all that, kamayan sa pagkain at mga kung anu anong palaro. Natutuwa akong tingnan si Sam kasi masyado syang masaya ngayon, sanay na rin syang makihalubilo sa iba, GOAL MET NA KO......... Nang biglang may pumasok pang isa sa utak ko, mukhang hindi pa ata goal met, bukod sa napangiti ko na sya, nagkaron na ko ng karapatan na alagaan sya, nayakap ko na sya ng mahigpit................................YUN na lang ata.

Kaso baka magalit.

: |

Nang mag gabi na, nakareceive ako ng text kay Sam na goodnight, bumangon ako sa pagkakahiga para puntahan sya sa tapat ng tent nila, lumabas naman sya agad.

“HI!” sabi ko sa kanya

“Oh nagoodnight na ako di ba, bat di ka pa natulog?”, sabi nya sa kin

“Gusto sana kita katabi kaso hindi pwede.”

“Ganun, bawal kaya... wag ka na makulit Lee. Baka mapagalitan pa tayo. Matulog ka na.”

“Opo ma’am!! Tsk tsk... sayang eh.”

“Sus, sige na matulog ka na. I love you”

“Goodnight baby ko, I love you.” Pahuling sabi ko sa kanya, mukhang hindi na ko makakaiscore talaga.

Umalis na ko paalik ng tent namin.

“Lee!...” Narinig kong tawag uli ni Sam sa akin, paglingon ko.

.

.

Bigla nya kong hinalikan sa labi.

: *

“Sleep na! : ) . . . I love you ulet,”

Para kong........................ Tuod na natulala sa nangyari, ewan ko. Pero nabigla talaga ko sa ginawa nya, parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha..”

Leeeeeeeeeeeeee, kinikilig kaaaaaaa!!!! Ayiiiiiiiiiiieeeeeeeeee...

GOAL MET!!!!!!!!!!!

“I love you sooooo much Sam.. I love you, goodnight baby..”

Patulog na ko pero hindi pa rin mawala yung pagkakadama ng labi ko sa labi nya. Medyo ang slow ko pala, naunahan pa ko ng babae. Pero ayos lang, mataas ang respeto ko kay Sam kaya hanggang yakap lang ako sa kanya..

: )

Anyway,       YEEEEEEEEEEEEY!!!  Happy sleeping sakin.

Infatuated with a supernaturalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon