Chapter 8

220 6 2
                                    

Mas pansin ngayon ng lolo ni Samara at ni Atty. Laz ang mas masiglang mukha ng dalagita, kadalasan lumalabas na rin ito at sumasama sa pamimili, naaaliw na rin ito sa pagbili ng mga librong babasahin. Simula ng mamatay ang kanyang mga magulang pinunan pa rin naman ng kanyang lolo ang mga luho nya, ni kailanman hindi ito humiling sa matanda ng kahit ano, kaya kusa lang itong ibinibili ng anumang pwedeng ikasaya ng karaniwang kabataan.

Mukhang nasanay na rin ang dalagita sa bagong buhay nya sa Maynila, mukhang sanay na rin itong makihalubilo sa mga kapwa nya kabataan sa tingin ng dalawang iyon.

Maagang inihatid ni Atty. Laz si Samara sa school, kaya mga 6am narating na nila ang eskwelahan at pumasok na sya.

Habang naglalakad sya. Biglang may tumawag sa kanya.

“Samara!!!”

Lumingon naman sya, Si Lee pala ang natawag. Lumapit sa kanya ito sumabay sa paglalakad.

“Goodmorning!”

Tumango lamang sya.

“Pati ba naman goodmorning pinagkakait mo pa rin. Wag muna tayo dyan sa room sarado pa kasi.”

Niyaya sya nitong pumunta dun sa may puno sa may gilid ng building nila.

“Upo ka dito oh, malinis to naman yan noh…….” Sabi nito sa kanya, sumunod naman sya at umupo sa may tabi ni Lee.

“Malungkutin ka talaga? Dapat naman pag umaga Masaya ka man lang.. di mo hobby ngumiti noh.” Tuloy na pangungulit pa rin nito sa kanya.

Nilabas ni Samara ang cellphone dahil naramdamn nyang nagvibrate ito, binasa nya ang text ni Atty. Laz sa kanya.

“Wooow., pareho tayong phone oh.” Sabay pakita ng cellphone nya na kaparehas din ng kay Samara.

“Patingin ako ah.” Sabi pa ni Lee… Tiningnan ni Lee ang cellphone nya iniscan,

“Grabe naman Samara, wala ka man lang kapicture picture dito, kahit laro man lang wala rin. Ultimo kanta wala? Ano ka ba!!! Gusto mo lagyan ko ng laro man lang para naman may mapagkatuwaan ka.”

Wala pa ring imik ito..

“Facebook meron ka?”

Umiling lang sya.

“Grabe naman yon!! Gusto mo gawan kita… gagawan kita ah wait lang.” pangungulit pa rin nito.

Tiningnan lang nya ang ginagawa ni Lee, gumagawa ito ngayon ng account nya sa facebook.

*Sam Octaviano

‘Sam na lang ha, kasi nakakatakot pag Samara baka walang mag-add sayo. Sam na lang din tatawag ko sayo ah, ang haba eh napapagod dila ko.”

Itinuloy pa rin ni Lee ang pagfill-up sa account na ginagawa nya para kay Samara.

*Account Saved

*Sam Octaviano is now on facebook..

“Oh ayan may Fb ka na Sam, yung password nyan iginaya ko na lang dun sa akin, lee1020. Wag mo ng kakalimutan yun ah, ako magbebuena mano na friend mo sa FB. Aba bibihira kayang classmate natin ang ngiging friend ako dyan. Swerte mo! Nilagay ko na din yung number ko, dalawa na kami ni Lara na kaklase mong naiphonebook mo. Matuwa ka naman!”

“Thanks.” Sabi lang nya.

“Hahaha, napakatipid mo talaga magsalita! Akin na nga ulit yang phone mo lalagyan ko ng laro to ah, yung temple run, tapos candy crush, tapos lagyan na din natin ng 4 pics 1 word ano pa ba, minion rush, gusto mo pati yung pusang nagsasalita para may makausap ka naman sa inyo.”

Tiningnan lang nya si Lee.

“Di ba no!” sabi ni Lee sa kanya.

“May kapatid ka ba?” tanong uli nito sa kanya

“Wala.”

“Bakit naman, ang hina naman ng parents mo!. Kami dalawa may ate pa ko. Ano pa ba pwede ko itanong sayo, medyo mahirap ka talagang kausap eh, kasi hindi ka nagsasalita.” Dagdag pa ni Lee

Tumungo lang ito.

“Oh baket may nasabi ba kong masama?”

Umiling lang ito.

“Haiiiii.. akala ko meron eh. Oh ayan ok na yung mga games na download ko na, oh yan try mo na. Dapat makamillion ka dyan sa temple run. Tamo yung akin oh nasa 5M mahigit pa yung score ko, eto lang gingawa ko panglibang lang ba… hehe”

*Tweeeeet Tweeeeet

“Candy oh, Open ko pa?”

“Wag na.”

“Hindi, ipagbubukas na kita, nahiya naman ako sayo.”

Pinabayaan na lang nya si Lee na buksan yung inaalok nitong candy.

“Sam oh.”

Kinuha nya naman yung inaabot nito.

“Ngumiti ka naman, hindi pa kita nakikitang ngumiti eh.”

Wala pa rin itong naging reaksyon sa sinasabi ng binata.

“WOOOOOohhh Okay sige! Matibay ka talaga. San ka nagschool dati?” tanong nito uli sa kanya

“Wala, naghohome schooling lang ako dati.”

“OOOh??? Eh kaya ka naman pala ganyan ih. Di ka pala naman sanay sa tao. Masaya ba maghome schooling?”, dagdag pa ni Lee

Oo.”

“Hahahaha, sayo syempre OO, sakin kaya? Ahhhh Ganto, pag talaga hindi kita napangiti this school year wag mo na kong asahang Makita next year. Maghohome schooling ako talaga.”

Napatingin sya sa sinabi ni Lee.

“Oo totoo yon.  …….. Grabe hindi ka talaga ngingiti? Pero sige gagawin ko talaga yon,” Tapos kumuha si Lee ng Kapirasong papel upang isulat ang kanilang kasunduan.

Ako, Si Lee Marion Soberano, ay sumusumpa na

Kapag Hindi ko napangiti ang babaeng si Samara “Creepy” Octaviano

Ay maghohome schooling na lang ako sa susunod na taon.

                                                Pinirmahan sa Buwan ng September  14  2***

                                                Sa ilalim ng puno na hindi ko alam ang lahi

                                                Sa gilid ng Building 1 ng St. Augustus Academy

“O ayan Sam ha, tunay yan. Ilalagay ko to sa wallet ko para di mawala.”, Sabi ni Lee

Biglang tumunog na ang bell,

“Halika ka na Sam. Yung Kasunduan natin ah seryoso ko dyan.”

Infatuated with a supernaturalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon