Chapter 7

218 3 0
                                    

Naririnig ko na ang pagkulo ng tyan ko, ANG TAGAAAAAAAAAAALLLL!!!!!

“Ok class dismissed. You can now take you’re lunch.”

YES!!!! Sinabi na rin ang mahiwagang word..

Kainan na!!!! Tumayo na ko at niyaya na sila Jed sa canteen. Tiningnan ko si Samara, nakaupo pa rin. Natural mamaya pa ang tayo nito, may sa pagong tong babaeng to eh.

Lumabas na kami ng room para pumunta na ng canteen.

“Aaaaayy.. Lonely si Sean!!” Sabi ni Jed

“Oh baket naman arteng arte ka ngayon Pre?” tanong ko

“Eh wala ngayon si Lara kasi, di ba may laban yun ngayon sa quiz bee.” Sagot naman ni Jed

“Ahhhhhhhh Oo nga noh.”

Naalala ko bigla si Samara, Edi wala yung kasama ngayon. Tsk tsk… bayain na nga sanay naman yun na walang kasama. Loner for life naman kasi sya. Masaya sya dun.

Umorder na kami nila Jed at naghanap ng vacant seat. Nung nakain na kami nakita na naming pumasok ng canteen si Samara dala-dala yung lunch box nya. Tapos umupo sya magsolo dun sa isa pang vacant table, tapos nagsimula na ding kumain.

Sabi na… sanay yang walang kasama dito.

Nagumpisa na kaming kumain, nang biglang dumating yung barkada nila Blaise. Lumapit sa table ni Samara.

“Ahhhh, Samara. Pwede bang humanap ka na lang ng ibang table? Kasi, mas marami kaming kakain kesa sayo. You know naman, Greatest good for the greatest number… sige na lipat ka na lang.” Tapos nilagay ila yung food nila sa table, tumayo naman si Samara habang sinasarahan yung lunch box nya kahit di pa sya tapos kumain.

Nakita ko syang lumilinga-linga sa canteen, kaso wala ng vacant. Umalis na lang sya sa canteen kasi wala syang mauupuan.

Nung matapos kaming kumain, nagpaalam yung dalawa. Si Sean magsspecial quiz pa sa isang subject namin, si Jed pupuntahan naman yung girlfriend, kaya mag-isa lang akong bumalik ng room.

Pagbalik ko naman ng room, nakita ko si Samara sa loob, Nakain.

 “Psst… Samara bawal kaya magstay sa room para maglunch, lagot ka!.”, sabi ko sa kanya

Tapos sinaraduhan nya na ulit yung lunch box nya. Mukhang hindi pa sya tapos kumain.

“W-wait sige tapusin mo na yang food mo.. babantayan ko na lang kung sino papasok, para walang makakita sayo.. Sige na take your time, ubusin mo na yang food mo ha at baka magutom ka pa, tapos kasalanan ko pa.” Sabi ko sa kanya.

Nakita ko nanamang inopen nya ulit yung lunch box na kanina pa hilong hilo dahil sa kakabukas at kakasara, Nagstay muna ako sa labas ng room. Para maging isang LOOK OUT ng Creepiest student in the Philippines.

After 7267124767467163 hours,

Napakatagal naman nyang kumain inuugat na ako sa labad, tsaka may mga magpapasukan na sa loob. Sinilip ko si Creepy.

Aba magaling!!!!!! Ayun sya at nagbabasa na ng libro. Nilapitan ko agad sya..

“Hoy magaling na babae kanina pa ko sa labas, di mo man lang sinasabing tapos ka na kumain dyan, matapos kitang bantayan!” inis na sabi ko sa kanya.

“Tapos na ko, Lee.” Sabi nya

Ay leche!!!

“Ay malamang, alam ko! Wala na dyan yung mahiwaga mong lunch box eh.

Haiiiii papuputukin nanaman nitong taong to ang fuse ko eh, saksakan talaga ng wirdo to, walang kasing wirdo!

Nung nagkaklase na ulit kami, nasa gitna nanaman ako ng pagkaboring naglabas ako ng candy, pampatanggal antok lang. Inabutan ko rin si Creepy..

“Oh candy!”

Nilagay nya lang sa yun sa bulsa nya..

“Kinakain yan hindi iniipon!!” sabi ko. “Kada bibigyan kita ng candy, lagi mo na lang ibinubulsa. Akin na nga ulet!”

Ibinigay nya naman ulit yung candy na binigay ko. Tsaka ko binuksan sa kanya.

“Oh yan bukas na. Kunin mo na yung laman oh!”

Kinuha naman nya.

“Ibulsa mo ulit ha!!!”

Sa wakas kinain din naman nya.

“Sosyal ka eh, candy lang hindi mo pa mabuksan kailangan ipagbubukas ka pa.”

*Tweeet Tweeet

Talk to my hand…

-_-

May kausap ba ko?

“Alam mo pag ikaw ang kausap ko nagmumukha akong hibang, naku Samara kung de baterya ko, matagal na kong nalobat sayo!!! Drain pa!”

Napakamot na lang ako sa ulo kasi wala talaga kong napala ni isang salita galing sa kanya.

“Magpaspeech therapy ka nga minsan ha!!!”

Haaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyy

“At ngiti-ngiti din pag may time!!!” sabi ko sa kanya, Kaso wala blangko pa rin ang mukha nya ng tumingin sa akin.

Kinulbit ko ulit sya.

“May problema ka ba?”

Umiling lang sya.

“Adik ka ba?”

Umiling lang ulit sya.

“Bahala ka nga sa buhay mo kakasawa ka.”

-__________________-

Ewan ko ba naman sa taong to, ultimo salita bibilhin pa ata sa tindahan. Sa lahat naman ng nakilala ko sya lang naman ang ganito. Tinatanong ko kung may problema, wala naman. Eh ANo???? Trip lang?

My Gaaaaad Ka SAMARA!!! Mauupos ako sa sayo!

Infatuated with a supernaturalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon