Chapter 4

225 4 0
                                    

Nang makauwi si Samara, Masaya syang sinalubong ng kanyang Lolo Joaquin. Si Lolo Joaquin na lang ang meron sya mula ng mamatay sa salvage ang kanyang mga magulang, kasama si Samara sa karumal dumal na pangyayaring iyon kaya isang malaking trauma ang tumatak sa pagkatao nya mula ng mangyari yon.

Ang dating masayahing batang si Sam, nagmistulang buhay na patay mula ng mapaslang ang kanyang mga magulang. Si Don Joaquin na ang nagpalaki sa kanya sa tulong na rin ng mabait na abogado ng pamilya nilang si Atty. Laz. Ito na rin ang nagturo sa kanya simula ng mangyari iyon, sa kadahilanan na ding ayaw na rin ni Samara na magtuloy sa mga eskwelahan sa Cebu dahil lagi din syang pinagkakaisahan, pinagtatawanan, kinukutya ng mga kaklase nya.

Isang malaking desisyon sa kanila ang paglipat sa Maynila lalong lalo na ang pagpasok nya sa eskwelahan. Nagkasakit ang Lolo nya at inabisuhang magpatuloyng gamutan sa mga eksperto sa Maynila, Pumayag na si Samara dahil alam nyang lolo lang nya ang meron sya, hindi nya na kakayanin kung ito pa ay mawawala rin sa kanya.

“kamusta apo?” Tanong ng matanda sa kanya “Naging maganda ba ang araw mo sa eskwelahan?”

“Maayos po Lo.” Kahit sa loob loob nya ay hindi at hindi kaiba sa mga naranasan nya sa ibang eskwelahan pinagkakatuwaan pa rin saya at nilalayuan.

“Mabuti naman kung ganon. May mga naging kaibigan ka ba?” dagdag pa nito

“Opo……. ISA.” Sagot nya rito, naalala nya bigla ang kaklae nyang si Lara

“Isa??? Naku, wag mo ng problemahin kung isa lang yan kung ilan man yan ang mahalaga meron. nadami naman yun”

“Nadami?” tanong nya.

“OO apo pag nabasa ng ulan.” Loko ng matanda sa kanya

“Si Lolo naman, gremlin lang naman ang nadami pag nababasa. Sige po aakyat na ko sa kwarto, bababana lang ako mamayang hapunan.”

Nasanay na si Don Joaquin at si atty. Laz sa naging ugali ng batang iyon, naiintindihan nila kung gaano kabigat ang epekto ng nangyari na sumira sa Masaya nyang Pamilya.. Naron na rin ang takot nab aka maulit ang nangyari , lalong lalo na at hindi pa rin nabibigyang hustisya ang pagkamatay ng kanyang mga magulang.

Infatuated with a supernaturalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon