Chapter 16

176 6 1
                                    

“In love yan!!”, agang agang bati sakin ng ate ko

:P “Pake mo!!”, sabi ko sa kanya.

“Ngiti abot kisame eh!!, so who’s the lucky girl?” tanong nya sa kin

“Secret….. bbye na masira pa porma ko sayo!! Sige ate!”,

Umalis na ko sa bahay namin at dali daling pumasok ng school. Pagdating ko sa room, swerte na walang teacher kaya nagkakagulo pa yung mga hampaslupa sa loob. Nasa may pinto ko biglang may yumakap sa kin…

“LEEEEEEEE!” sabi nya sa akin.

“Erin??”

O_O

“Lee, namiss kita…” sabi nya sa akin.

“Ha???.... “

Bumitaw naman agad sya… yung mga peste ko namang kaklase walang tigil ng kaka-Ayyyyyyyyyyiiiiiieeeeeeeeeeee. Gago tong mga to! Mamaya kayo sa kin talaga, putol ang mga litid nyo.

Nilingon ko agad si Sam…. Wala sya sa upuan nya.

Nakupo….

“Excuse me po.” Sabi ng isang pamilyar na boses

Paglingon ko

O_O

“Saaam???”

Nakatungo syang dumaan sa tapat namin ni Erin.

“Lee, namiss kita sobra. Pasensya ka na hindi na kita nadadalaw ah, yaan mo lilipat na ulit ako dito next year.”

“AhMM ehhh… Erin.. ahh pwedeng bumitaw ka????, Mainit!!” sabi ko kay Erin

“Ang taray mo,  kainis ka hindi ka na rin nagrereply… :( “, patuloy pa rin ni Erin.

Tinitingnan ko lang si Sam, nakaupo lang naman sya naglalaro sa cellphone.

“Erin, mamaya na lang tayo mag-usap hehe… ano bang ginagawa mo rito.”

Sinukbit nanaman nya yung kamay nya sa braso ko.

“Yung form 137 kukunin ko, tapos next year naman babalik na ulit ako dito eh. Galit ka pa ba sa akin??”, sabi nya

“Mamaya mo na ko kausapin ha, gagawa pa kong assignment!”

Bumitaw na sya uli sa akin at lumabas na.

“Naaaaakssss, yan naman po talaga eh.” Sabi ni Jed

“If ever you’re in my arms again this time I love you much better… ayieeeeeeeee”, loko naman ni Sean sa akin.

“Tigilan na sabi eh!!!.” Pagalit na sabi ko dun sa dalawa

“Ok OK chillax…… binibiro lang naman oh.”

Pumunta na ko agad sa upuan ko.

“Sam..”

Tumingin naman sya sa akin..

Nginitian ko lang sya…. Kaso ibinalik nya lang ulit ang pansin nya sa nilalaro. . . . . . Inisod ko yung upuan ko papalapit sa kanya ..

“Sam ayun pa oh, magsusugar crush ka na.” Pangengealam ko sa nilalaro nya

“Kaya ko na to.” Sabi nya tapos Inilayo nya lang sa kin yung phone nya at tuloy pa rin sa paglalaro.

“Saam???”

Infatuated with a supernaturalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon