Chapter 17

182 3 1
                                    

Nakaexcuse ako ngayon sa classes gawa ng patayang practice namin sa varsity. Buong maghapon lang akong nasa gym simula pa 6am…. SUICIDE TO EH…..

5pm na.. kaso walang habas pa rin si coach sa pagpapractice sa amin.

‘Coach, pagod ka na po??” tanong ko sa coach naming

“Hindi bakit.” Sabi nito

“Ako kasi pagod na.”

“Lee hindi pwedeng mapagod, malapit na ang conference.”

“Ehhh, coach kung itutuloy pa natin to mukhang hindi na rin kami aabutin ng conference eh..”

‘Oh sya sya magsilayas na kayo, ikaw talaga Soberano ha! Babawi ka sa susunod na practice natin.”

“Walang kaso yan coach.. bbye..” Nagpaalam na ko sa team at sa coach ko, dali dali ko ng kinuha yung bag ko at umalis na sa court.

Dumaan ako sa class room naming kaso wala ng mga tao bigla ko namang nakasalubong sila Bong,

“Oi Lee musta practice?” bati nito sa kin

“Pake mo ba.”

“Mukhang pagod ahhh…”

“tarantado ka talaga eh no, sinabi ko bang kausapin mo ko?!!”

Nagtatawanan pang lumayo sa akin si Bong at yung mga hampaslupa nyang kasama, Mga gago yun ah kung dilang ako pagod, may tama nanaman sakin yun.

Lumabas na ko sa gate ng school para magintay ng taxi, pagtingin ko sa kaliwa nadun yung SUV nila Sam at si Manong driver nasa labas ng sasakyan, nilapitan ko kasi pustahan na dun si Sam.

Papalapit pa lang ako,

“Sir Lee, nakita mo ba si Samara sa loob?”

‘Ho? Hindi po eh,, bakit ho wala pa ba?”

“Wala pa eh, Di ko naman nakita yung kaibigan nyang si Lara na lumabas.”

“Wala po ngayon si Lara hindi po pumasok ang alam ko…. Teka po titingnan ko lang sa loob.” Sabi ko

Dali dali akong pumasok sa school uli, nakita ko sila Bong kanina…

AY SYETE!!!!!........

Nakasalubong ko bigla yung hayop na pagmumukha nila Bong..

‘HOY, nakita mo ba si Samara sa Loob?” tanong ko dito.. tapos tatawa yung mga nasa likod nya

“T$#@#$ nasan si SAMARA!!!!!” pasigaw na sabi ko…

“Hindi ko nga alam, mukha ba kong lost and found!!??’ sabi nya

“OO MATAGAL NA!!!!, NASAN NGA SABI SI SAMARA???”

“Hindi nga naming alam!!!”

Pinaliparan ko na agad sya ng isang suntok,

‘ANO!!!! SAGOT NASAN SI SAMARA!!!!”

“Wala nga!!!”

Kinuha ko yung kwelyo nya, “BONG NAAALALA MO BA KUNG SINO KAHARAP MO NGAYON???” tanong ko sa kanya… “KAYO?? KILALA NYO BA KONG TALAGAAAAAA!!!!!!!!” sigaw ko sa kanila!

“Nasa Lab……… Sa laboratory…….. ikinulong namin…. Pero si Bong ang nag-utos..”

“MGA HAYOP!!!!!!! TANDAAN NYO TONG ARAW NATO HA!!!!!! LALO KA NA BONG IHANDA MO NA MAGULANG MO!!!!!!!!! “ Sabay dagok sa mga kasama nya at mabilis na nagpulasan yung apat

Infatuated with a supernaturalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon