Chapter 25

196 5 3
                                    

Narrator’s POV

Masayang masaya si Don Joaquin sa malaking pagababago ng takbo ng buhay ng kanyang apo, laking pasalamat nya lalo kay Lee kung bakit unti unting bumabalik ang mga ngiti ng dalaga mula ng mawala ang mga magulang nito.

“Lolo tingnan mo po itong mga pictures namin sa school oh, lahat ng activities na yan kasali ako.” Masayang kwento ni Sam sa lolo nya

“Ang galing naman ng apo ko. Ipagpatuloy mo lang yan iha.”

Matagal ng napapansin ng dalaga ang pamumutla ng lolo nya, matagal na rin syang nababahala sa maaring kondisyon nito.

“Lo, nakabalik po ba kayo para magpacheck up?” tanong nya sa matanda.

‘Naku apo, wag mo ng intindihin ang mga bagay na yun.”, sagot nito sa kanya

“Lo, hindi naman po kasi ako mapalagay na ganyan kayo, parang ang tamlay mo po.”

“Apo, bayaan mo minsan ay sasaglit ako sa doktor para wag ka ng mag-alala.”

“Ayoko naman po kasing mahina kayo sa graduation ko, ihahatid nyo pa po ako di ba. Kayo po ni Tito Laz.”

“Oo apo, wag ka mag-alala.”

“Lo, si tito Laz? Bakit po bihira ko po sya makita?”

“Baka may trabaho lang iyon sa opisina.”

“Ok po. Itetext ko na lang po sya dun sa araw na binigay samin for the graduation, naku kailangan nya ding magready, di ba Lo.”

“Oo naman syempre ija.”

---------

Masayang masaya si Samara na makarating hanggang sa graduation nila, bata pa sya nung huling makatungtong sa stage. Masaya rin sya na makapasok sa honor list sa klase nila. Masaya syang makita si Lee, na naroon buo ang suporta sa kanya.

: )

Nang matapos ang graduation nila, hinila sya bigla ni Lee, ipinakilala ito sa kanyang mga magulang. Masayang masaya sya kasi doon nya lang uli naramdaman ang saya na magkaroon ng masayang pamilya.

It feels like its her day.

Nonstop hapiness that every girl wishes.

It’s almost because of Lee Marion Soberano, her one true love.

-------

Lee’s POV

Nakahiga lang ako sa kama, nakatitig sa kisame, inaalala kung gaano na katagal ang pinagsamahan namin ni Sam,

Ano na nga ba si Lee Marion Soberano ngayon?

Simula sa lalaking hindi marunong sumunod sa simpleng rules and regulations sa school, hanggang sa magkaroon ng goal, hanggang sa tubuan na ng puso... .............................. PUSONG MAGMAHAL, MAG-ALAGA at MAGPAHALAGA.

Malaki na nga bagay na binago sakin ni SAMARA, ang dating babaeng kinatatakutan ko ng literal, pinagkakatuwaan hanggang sa magawa kong mapangiti at mahalin. Marahil isa na nga ko sa maswerteng nilalang dahil sa pagkakaroon ng katulad nya sa buhay ko.

From a CREEPY GIRL that turns to my SWEETEST GRANTED WISH

I’m holding on a piece of paper she made for me.

To: Lee Soberano

“Para sa lalaking nagbalik ng ngiti at kulay sa mundo ko, para sa taong masaya tuwing makikita akong masaya, para sa taong laging nariyan para akin, para sa taong hindi nakakalimutang bigyan ako ng candy para sa taong hindi nagsawang kausapin ako kahit wala syang natatanggap na sagot, para sa taong nagmistulang hero ng buhay ko, para sa taong handang mabasa ng ulan makita lang ako, para sa taong handang marinig ang masasakit na salitang pwede nyang marinig, para sa taong aakyatin ang bakod makita ka lang, para sa taong babagtasin ang madilim na daan mapangiti ka lang.

Walang madaling araw, walang malaks na ulan, walang malayong lugar para sa kanya.......

Sa lahat lahat ng ginawa mo at patuloy mo pang ginagawa para sa akin LEE. Hindi ko na nga alam kung paano pa bibigyan ng kahulugan ang salitang SALAMAT lalo na ang salitang MAHAL KITA, pero kung may mas hihigit pa sa mga salitang yon....... IYON ANG IBIBIGAY KO.

Nawalan man ako ng magulang, ibinigay ka naman nila sa akin. Dumating ka sa buhay ko na parang anghel, anghel na laging magbabantay at gagamot sa lahat ng sugat ko. Salamat Baby. Kung kaya ko lang mabuhay ng walang hanggan para makita kita, maalagaan at mahalin.......gagawin ko.

Hindi ko masasabi kung anong pwedeng mangyari sa mga buhay natin, pero isa lang ang lagi mong tatandaan.......................

MAHAL NA MAHAL NA MAHAL  NA MAHAL KITA LEE MARION SOBERANO.”

Ayokong matapos ang laman ng sulat na ito, at patuloy ko pa ring binabasa hanggang ngayon na para bang ngayon ko lang nabasa.

Totoo na isa si SAMARA sa may pinakamasasakit na kwento bilang isang nilalang, bilang isang bata. Pero ipinangako ko sa sarili ko na ako na ang magpupuno ng lahat ng naging kulang sa buhay nya.

Ngayon, itinuloy ko na ang pag-aaral ko ng Criminology katulad nga ng ipinangako ko sa kanya na aalagaan ko ang sarili ko para sa aming dalawa.

“Candy?”

Lumingon lang sya akin at kinuha ang iniabot ko.

“Salamat.... “

“I love you Samara.......... Sobra...... Sobra sobra.....”

“Mahal din kita Lee, Sobra...... Sobra......”

---------------------------------------------------------------------

All Rights Reserved.

"Infatuated with a Supernatural"© 2013

By: futuristic_lover

Infatuated with a supernaturalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon