3rd Person's POV
12pm *Cafeteria*
Lunch time na, buti na lang at may kanya kanyang oras sa cafeteria ang bawat year level kaya naman hindi masyadong masikip.
Naglalakad sa cafeteria ang mga babae ng Ubte upang maghanap ng table para sa kanilang pwesto. Except kay Shane, Shan at Khrizz.
Si Shane at Khrizz kasi ay pumunta sa library dahil may hahanapin daw silang libro. Si Shan naman nagpunta sa HeadQuarter ng school dahil may meeting pa sya.
Ang mga babae ng UBTE ay hindi naman mean kaya hindi sila yung tipo ng mga tao na nagpapaalis sa mga tables.
Kahit naman kilala sila sa campus, e hindi naman sila ganun kasama para paalisin yung ibang estudyante.
After a couple of minutes nakahanap na sila ng kanilang pwesto sakto namang malaki ang table kaya kasyang kasya sila dun kasama ang mga lalaki.
Busy sila sa pakikipagkwentuhan sa bawat isa, habang ang mga lalaki naman ay matiyagang nakapila sa canteen upang umorder ng kanilang kakainin.
"Badtrip naman oh! Bakit kasi sumama pa ko dito eh ang init grabe!" Sabi ni Jerico habang kinakamot ang kanyang ulo.
"Ano ba yan jec! Ang arte mo hahaha parang di ka lalaki ah! Yaan mo na parang di naman natin to ginagawa lagi eh" Sabi naman Mico kay jerico at tinap pa sa shoulder nya.
"Omayghad! Diba yan yung Magaling na dancer? Diba ayan si jerico?"
"Shet andito yung crush ko ang pogi nya talaga"
"Mga bakla papicture tayo! Papicture tayo sa kanila dali!"
"Eh nakakahiya kaya! Pero sige tara gagraduate na sila diba"
Ayan ang mga maririnig sa pila ng canteen. Bigla namang may mga babaeng lumapit kela Jerico, Argel, Patrick at Ezra tsaka sila nagpapicture.
Wala namang nagawa ang apat dahil unang una di sila makagalaw dahil may harang yung pila pangalawa malapit na sila sa cashier at pangatlo kapag umalis sila tiyak na lagot sila sa mga kaibigan nilang babae.
"Grabe kayo tol ang titindi nyo!" Sigaw ni Allen sa kanila.
"Hahaha nako ewan ko ba kung bakit sila yung pinagkakaguluhan. E nandito naman ako" Sabat naman ni Manuel
"Gago ka ang yabang mo talaga hahaha! Pasalamat ka malaki laki yang katawan mo, kundi nasapak na kita!" Sigaw naman ni Dryden sa kanya.
"Haha oo nga! Ang yabang netong bejo na to!" Pang sang ayon naman ni Argel kay Dryden.
"Hoy kayo hindi porkit mga hearthrob kayo dito sa school e pwede nyo na kong ganyanin ha? Baka nakakalimutan nyo anak ako ng principal dito." Sagot naman ni Manuel sa kanila.
"Haha bakit? Kasalanan ba namin kung pogi kami? At ano namang konek ng anak ka ng principal sa pagiging pogi namin?" Sabi naman ni ezra habang tumatawa.
Kaya naman nagtawanan na lang ang mga sira ulong lalaki na to, hanggang sa nakarating na sila sa Cashier. Umorder na sila at nagbayad.
Sa kabilang dako naman.......
Nag uusap ang mga babae kung ano ang plano nila ngayong bakasyon. Last year kasi e sandali lang ang kanilang bakasyon sa batangas dahil nagkaron ng emergency kaya naman bumalik agad sila dito sa Manila.
"Oh ano girls? Any plans?" Tanong ni Vanessa sa kanila
"Hmm, Bakit hindi tayo magbakasyon sa resort nila Manuel diba White Sand dun?" Suggest naman ni Samantha