Jerico's POV
So This is it! Itong araw na to ang pinaka nakakaiyak sa Mga High school students. Ang Graduation.
Syempre, Sino ba namang hindi maiiyak diba, e magkakahiwa hiwalay na kaming magkakaibigan.
After this day, It will be the new beginning of our lives. Pero kahit naman magkalayo layo na kami, hindi pa din kami mawawalan ng communication. Meron namang social media eh.
Nandito kami ngayon sa hotel ng daddy ko. Andito nga rin yung mga kaibigan ko eh kaya lang seperate room. Yung mga babae nasa 3rd floor at kami namang mga lalaki nasa 5th floor.
Ang kasama ko dito sa room ko si Manuel. Parehas kaming inaayusan ng beautician.
Syempre hindi make up no! Lalaki kaya kami, konting powder lang tapos yung buhok naman namin yung inaayos.
"Pre? After ng graduation pwede bang dun muna ko tumuloy sa inyo? Wala kasing tao sa bahay. Yung parents ko kasi nasa California kasi yung kapatid ko nagkasakit eh." Sabi sakin ni Manuel habang inaayos nya ang kanyang soot na uniform.
"Oo okay lang sakin pre!" Sabi ko naman sa kanya at tinap ko ang shoulder nya.
*Tok tok tok*
Sino na naman kayang kumakatok sa room ko? Isip isip ko pero binuksan ko naman agad ang pinto. Wala namang tao pero may box dito sa baba ng pinto.
Dali dali ko namang kinuha iyon at dinala sa lamesa.
"Manuel! Tignan mo may nagbigay ng box satin. Ano kaya laman nito?" Tawag ko kay Manuel. Hinawakan ko naman ang box at inalog ko ito.
"Mukhang mabigat laman nito ah?" Sabi ko habang inaalog ung box
"Ano ba yan? Buksan mo na nga!" Sabi sakin ni manuel. Agad ko naman siyang sinunod at binuksan ko na nga ang box.
Laking gulat naman namin dahil merong 25 na pocket knife at isang baril.
"Para san naman to?" Tanong ko pero may nakita kaming note na nakalagay sa loob kaya kinuha namin yun at binasa.
Magagamit nyo to sa pag alis nyo. Tandaan nyo laging may dalawang mata na nakabantay sa inyo at pinagmamasdan ang bawat galaw nyo. Lagi nyong bantayan ang bawat isa dahil iisa isahin nya kayo.Kaya mas mabuti ng mag ingat kayo.
Yan ang nakasulat sa maliit na papel. What the? Ano to prank ba to? Magbibigay ng note pero wala man lang pangalan. Pero aaminin ko kinilabutan ako dun.
"Ano yan? Ang gara! Siguro prank na naman satin yan tss mga walang magawa" sabi ni manuel at bumalik sa sala upang mag ayos.
Tinakpan ko na lang ang box at tinago ko ito sa ilalim ng kama ko.
Hindi na tuloy mawala sa aking isipan yung nakasulat dun sa note.
Kinukutuban ako eh. Parang pag nagbakasyon kami merong hindi magandang mangyayari..Shane's POV
Nandito kami ngayon sa hotel nila jerico. Grabe ang laki nga eh. Kasama ko naman yung ibang girls ng Ubte dito.
Lumabas na kami ng room ko at nakasalubong naman namin ang mga boys. Mukhang ready na nga sila eh.
Paglabas namin ng Hotel may naghihintay na samin na van kaya naman sumakay na kami dun.
Nasabi na samin nila Shan yung tungkol sa outing sa resort nila Manuel. Buti nga pinayagan ako ni mommy eh.
*Fast Forward*