Chapter 19: Hell In A Cell

74 6 0
                                    

{{Shaina's POV}}

CPR. Yan ang patuloy na ginagawa namin kay Joyce at Alex. Hindi namin sila pwede iwan ng dun ng basta basta.

Naniniwala ako na pwede pa sila mabuhay. Ilang minuto pa lang ang nakalipas bago sila malunod.

Kaya for sure hindi pa sila pwedeng mamatay.

Sinabi ko yan sa mga lalaki. Nung una, eh ayaw pa nilang gawin.

Pero binigyan ko sila ng lakas ng loob. At sinabi ko na pwede pang mabuhay si Alex at Joyce. Hindi pa sila ganun katagal nalunod.

Ako at si Ezra na ang gumaw nun. Alam namin kung paano dahil parehas kaming member ng red cross dati.

Kailangan lang namang ipush ang center ng chest then mouth to mouth para bumalik sa dati ang paghinga nilang dalawa.

Paulet ulet lang namin ginagawa yan. Sinabi nga samin ni Jerico na itigil na namin eh. Pero hindi kami sumuko ni Ezra patuloy lang namin ginawa ang CPR hanggang sa---

"JOYCE!" Masayang sigaw ni Shane at lumapit pa siya kay joyce.

Si Joyce naman ay patuloy na umuubo at naluwa nya na ang tubig na nainom nya kanina.

Yinakap naman namin lahat siya samantala si Alex...

"Ayaw na talaga shan." Rinig kong sabi ni ezra at patuloy na yumuko.

Lumapit naman ako kay Alex at chineck ko kung pwede pa kaso biglang nagsalita si Dryden.

"May asthma si Alex shan. Nakita natin kung paano siua hirap na hirap na huminga nung nasa tubig siya."

Asthma? Pag may asthma ang tao, at pag nalunod siya, imposibleng mabuhay pa siya. Dahil kung hirap na siyang huminga habang buhay pa siya, paano pa kaya kung nalulunod na siya at pinipilit nya makahinga.

"Guys, sorry pero hindi namin nasave si Alex." Sabi ko sa kanila at nakatingin lang sila sakin.

Kanina ko pa pinipigilan tumulo ang mga luha ko dahil natagalan ang pag ccpr namin sa kanilang dalawa, dahil kanina kahit ako mismo ay nawawalan na ng pag asa.

Pero salamat naman kay God, dahil kahit paano nabuhay pa si Joyce.

Nakita ko naman na nag siiyakan na naman sila. Ano ba naman tong mga to?

Alam ko ang nararamdaman nila ngayon. Masakit. Isa na naman ang nawala. Pero paano kami makakaforward kung patuloy silang iiyak. Come on! Walang magagawa ang pag iyak lalo na sa sitwasyon namin ngayon.

"Guys! Eto na naman ba tayo? Iiyak na naman kayo? May magagawa pag iyak nyo? Mabubuhay ba si Alex pag iniyakan nyo siya? Please naman wag nyo ipakita na mahina kayo!" Tumayo naman si Jerico at sinabi nya samin yan.

"Oo nga guys! Tignan nyo ko? Masakit man sakin pero hindi ako umiyak. Kahit pinsan ko to hindi ako umiyak. Kasi? Ayokong ipakita na mahina ako. Kapag may namamatay lagi na lang may umiiyak alam kong natural yun pero wag naman sana maging OA diba? Magpasalamat tayo kay God dahil kahit papano eh nabuhay pa si Joyce!" Mahabang litanya samin ni Dryden.

Tama naman siya eh.

"Sa ngayon guys, pinaglalaruan ni Olivia ang mga buhay natin. Hawak nya tayong lahat sa leeg. Kung tulong tulong tayo, mapapabagsak natin siya. Pwera na lang kung may kakampi sya dito." Wika ko sa kanila at sa huling sinabi ko Pinapatamaan ko si Julie Ann.

Final DestinationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon