{{ 3rd Person's POV }}
"Ma please! Itigil mo na to!" Yan ang sinasabi ni asdfghjkl kay Olivia.
Nandito sila ngayon sa main office ng resort. Medyo malayo layo ito sa dagat at hotel kaya naman walang makakakita kung nasaan sila.
Hindi din kasi nila alam pasikot sikot sa lugar na to.
"Ano bang problema mo? Diba nag usap na tayo tungkol dito na papatayin mo sila!" Sigaw naman ni Olivia sa taong kaharap niya.
"Ma wala silang kasalanan! Ako ang may kasalanan nun lahat! Please pakawalan mo na sila!"
"Wala akong pakeelam! Damay damay kayo! Pasensya sila dahil nagpunta sila sa resort na to. Dahil sa ginawa nila sa anak ko buhay din dapat ang kapalit!"
Nagtataka siguro kayo kung paano napunta si Olivia dito no? Simple lang. After ng kasunduan nila na dito magbakasyon sa resort nila Manuel. Agad tinawagan ng killer si Olivia.
Meron pa din namang mga nagbabakasyon dito noon bago dumating si Olivia. Pero nung dumating na siya, pinasara nya ang resort na ito pati ang mga kalye sa daan.
Mayaman sila Olivia at kayang kaya niya gawin ang lahat ng kanyang gusto.
10 kanto pa ang madadaanan mo bago ka makapunta sa bayan.
"Ako? Hindi mo ba ko anak? Ma andito pa ko di kita iiwan ma." Umiiyak na sabi ni asdfghjkl
"Hindi kita anak! Inampon ka lang ng asawa ko dahil naaawa siya sayo!" Sabi ni Olivia at lumapit naman siya sa umiiyak na tao sa harap niya at bigla siya nitong sinabunutan para makita niya ang mukha nito. Patuloy lang siyang umiiyak. "Sa totoo lang? Hindi kita mahal! Wala akong pakeelam sayo! Dahil hindi naman kita kadugo at mas hindi ka naman nanggaling sakin! Isa ka lang hampas lupa na namamalimos sa daan!" Dagdag pa ni Olivia na mas lalong nagpaiyak sa taong nasa harap nya.
"Pag sinabi kong papatayin mo sila, papatayin mo sila!" Sigaw pa ni Olivia.
"Baliw ka na ma! Hindi ko na kaya lahat ng pinaggagawa mo! Alam mo bang napipilitan lang akong gawin mga gusto mo? Mahal ko mga kaibigan ko at hindi ko hahayaan na may mamatay pa sa kanila gamit ang sarili kong mga kamay!" Nagtaas na din ng boses ang taong nasa harap ni Olivia. Nagsusumbatan na silang dalawa.
Napatingin naman sa kaliwa si asdfghjkl dahil malakas siyang sinampal ni Olivia.
"Ah ganun? Sinusuway mo na ko? Ha? Ang dapat pala sayo matulad ka sa mga kaibigan mong tanga! Dapat sayo mamatay!"
Naglabas naman ng handgun si Olivia at tinutok pa ito kay asdfghjkl kaya naman dahan dahan siyang umaatras ng nakaupo.
"Ma please itigil mo na to." Muling pagmamakaawa niya kay Olivia. Pero umaakto si Olivia na walang naririnig at dahan dahang lumalapit kay asdfgh habang nakangiti ng malademonyo.
"Tutal tapos na naman ang role mo sa resort na ito. Mas mabuti pang matapos na din ang buhay mo." Pagkasabi nun ni Olivia ay bigla nyang pinutok ang baril ng dalawang beses.
Pero hindi ito tumama sa taong nasa harap nya dahil mabilis siyang nakailag.
"Hmmm, mukhang di mo pa oras huh. Okay fine dahil mommy mo ko hahayaan kitang manatili dito. Gusto kong makita mo kung paano ko papahirapan ang mga kaibigan mo!" Sabi ni Olivia at malakas na tumatawa.
"Lumabas ka na bago ko paputukin tong baril na to sa katawan mo. Labas!" Pagkasabi ni Olivia nun ay dali daling lumabas si adfgh sa main office at tumakbo patungo ng hotel.