Hey guys! Nasa multimedia ang larong gagawin nila for this chapter. So tignan nyo na lang :)
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
{{3rd Person's POV}}
Sabay na bumaba si Shaina at Jerico upang pumunta sa dining area. Nakita nilang nagkukwentuhan ang kanilang mga kaibigan.
"Hay salamat dumating din!" Wika ni Manuel at pumalakpak pa. Dahilan para pumalakpak din ang iba.
NagBfinger lang si Jerico kay Manuel at umupo na silang dalawa ni Shaina.
"Umamin nga kayong dalawa!" Sigaw naman ni Nikka
"Kayo na ba?" Pagtatanong pa nito.
Nag isip naman si Jerico at inakbayan si Shaina.
"Soon." Tipid na sagot ni Jerico
"Ayieeeeee! Soon pero umaakbay na!" Malakas na sigaw ni Patrick habang umaakto na kunyari ay kinikilig siya.
"Ulul! Tigilan nyo nga kami! At ikaw naman jerico hindi pa nga kita sinasagot eh umaakbay ka na agad! Alisin mo nga kamay mo sa balikat ko!" Mataray na sabi ni Shaina kay Jerico.
Inalis nya naman ang pagkakaakbay nya pero nagsalita ulit si Argel.
"Quits na tayo pre!" Tumatawang sabi ni Argel
"Gago!" Pagmumura ni Jerico at nagtawanan naman ang lahat.
"Oh nikka? Bakit? Problema mo dyan?" Pagtatanong naman ni Vanessa kay Nikka dahil nakita nya na hindi man lang nya ginagalaw ang pagkain nya.
"Oo nga kumain ka na lalamig yan!" Dagdag naman ni Janna
"Nagseselos yan! Hahahaha!" Malakas na sabi ni Oliver.
"La? Anong nagseselos? Utut mo!" Kita naman kay nikka na namumula siya.
"Hahahaha! Nagseselos naman pala eh!" Nabuo ang kanilang tanghalian ng masasayang halakhakan at asaran. Iniisip nila na sana ganito na lang. Yung tipong masaya. Walang problema at walang namamatay.
Kaso hangga't nabubuhay pa si Olivia hindi nila maeenjoy ng sobrang saya ang buhay nila. Dahil lahat sila ay hawak sa leeg ni Olivia. Araw-araw, oras-oras pwedeng katapusan na ng kanilang buhay.
**
Pagkatapos nilang kumain, niligpit na nila ang pinagkainan nila. At pumunta na sila sa sala. Kahit naman nakakulong sila sa lugar na ito, malaya pa din nilang nagagawa ang mga bagay na gusto nilang gawin. At Andito lahat ng kailangan nila. Pagkain, Inumin.
Balak sana nilang manood ng movie ngayon pero isang tunog na naman ang nagmula sa speaker.
Alam naman nila na kapag may tumutunog sa speaker ng malakas, ibig sabihin kakausapin na naman sila ni Olivia. Nasanay na sila pero tinatakpan pa din nila ang kanilang tenga dahil sa sobrang lakas nito.
Nang matapos ang tunog, pumunta na agad sila sa lobby kung nasan yung screen.
"Mukhang maganda ang mga gising nyo ah? Hahaha!" Bungad agad ni Olivia sa screen at nakaupo ito sa kanyang swivel chair at pinapaikot nya pa ito.
"What now Olivia? What do you want?" Matapang na tanong ni Krystile.
"Ano may ipapalaro ka na naman samin?" Tanong naman ni Samantha
Hininto ni Olivia ang pagpapaikot nya sa kanyang swivel chair at humarap na siya sa screen. "Hmmm yes." Tipid na sagot nito.
"Oh come on! Give us a fucking break!" Sigaw naman ni Ezra.