Chapter 12: Finding Her.

69 3 0
                                    

{{2nd Person's POV}}

Hindi pa rin nagsisink in sa utak ko na wala na si ella. And worst ako ang tumapos sa buhay nya.

Nandito ako ngayon sa kama ko, and its already 4:25am. Hindi pa din ako makatulog dahil sa nangyari kanina.

Feeling ko ang sama sama ko ng tao dahil nakapatay ako ng inosente. Nung nangyari yung insidente na namatay yung anak ni Olivia. At kami ang sinisisi nya sa pagkamatay nito, Hindi kasama si Ella,Mico, Angelo at Oliver dun. Wala sila nung mga panahon na yun.

Kaya lang nalaman ni Ella dahil sinabi namin sa kanya dahil sobrang worried siya samin nun.

Dahil sa kagaguhan namin noon, may nadamay pang tatlong inosente ngayon.

Alam ko masakit sa isang nanay ang mawalan ng anak pero, humingi na kami ng tawad at bago namatay yung anak nya, pinatawad nya na kami.

So bakit nya pa kailangan maghiganti? Baliw na ba siya?

Sa siyam na taon naming magkakasama, kilalang kilala ko ang ugali ng isa niya pang anak. Si ******* mabait yan. Sobra. Pero takot siya sa mama niya. Kaya lahat ng sinasabi ng mama nya sinusunod nya. At siguro ngayon,

Alam kong guiltyng guilty na siya sa lahat ng pinag gagawa niya. Di niya ugali ang pumatay. Mas maganda siguro kung ilihim ko muna na siya ang killer.

Kahit alam kong walang kasiguraduhan, pwede pa siyang magbago. Tutulungan ko siya.

Hindi habang buhay kailangan nya sundin ang nanay nya. Minsan kailangan niya din kumawala sa mahigpit na pagkakakulong sa kanya.

Lahat ng tao may chance. Kaya may chance pa siyang magbago at tutulungan ko siya.

{{Shane's POV}}

Maaga akong nagising ngayong araw, pagkatingin ko sa oras 6am pa lang kaya naman naginat ako saglit at lumabas na ng room ko.

Pupunta muna ako sa kwarto ni Ella para isoli itong lapis na hiniram ko kahapon.

Wala kasi akong magawa kagabi kaya nagdrawing na lang ako. Nakalocked naman ung pinto ko kaya sigurado akong walang makakapasok.

Pagkatungtong ng mga paa ko sa harap ng kwarto ni ella, kumatok muna ako dahil baka tulog pa siya.

Ilang beses akong kumakatok, pero wala pa ding sumasagot sa loob, kaya naman pinihit ko na ang doorknob.

Nagtaka naman ako kung bakit bukas ito, eh lahat naman kami ay nakalocked ang pinto.

Pumasok naman ako at sabay sabing "Good morning ell--"

Natigil ko ang aking sasabihin dahil nakita ko na walang tao sa kwarto na ito. Wala si ella. Pumunta ako sa banyo pero wala din siya.

Naisip ko naman na baka maaga siya nagising at baka nasa baba lang siya. Kaya naman lumabas na ko ng kwarto niya at sinara ang pinto.

Iniwan ko na lang ang lapis sa ibabaw ng drawer nya.

Pagkalabas ko ng kwarto niya dumiretso na ko sa elevator para makapunta na sa 1st floor.

Pagtungtong naman ng elavator sa first floor at pagkabukas ng pinto. Tumungo naman ako sa kitchen.

Nadaanan ko ang sala pero wala si ella dun. Dumaan din ako sa lobby pero wala pa din siya. Ah baka sa kitchen. Isip ko naman at nagtungo na nga ako sa kitchen.

Final DestinationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon