Chapter 14: Moving On

79 4 1
                                    

{{Janna's POV}}

Nandito kami ngayon sa kwarto ni Patrick. Ang room kasi niya ang may pinakamalaki at pinakamagandang view na nakikita sa kanyang bintana.

Di kasi namin lubos maisip na ganito ang kahahantungan ng masayang bakasyon namin. Magiging isang malagim na bangungot.

Kung ano man ang nangyari dati, pinagsisihan na namin yun. Kailangan ba talagang buhay din ang kapalit ng isang taong binawian ng buhay na hindi naman kami mismo ang may gawa?

Oo, may nagawa kaming masama sa anak ni Olivia pero sa simula't sapul pinagsisihan na namin yun.

Hanggang ngayon latang lata pa din kami. Masakit para samin na makita ng harap harapan pinapatay ang kaibigan namin

Wala kaming magawa sa oras na yun. Hindi man lang namin siya nailigtas.

"Guys mas mabuti pang wag na tayo mag iyakan. Tanggapin na lang natin ang mga nangyari. Hindi lang sila ang mga papatayin ni Olivia dito." Pambabasag naman ni Jerico sa katahimikan na bumabalot sa loob ng kwartong ito.

"Hindi ganun kadaling tanggapin yun Jec!" Pagsasalita naman ni Justine

"Tine ano ba? Sa buhay maraming pagsubok na dumadating. Hindi mo pwedeng ikulong ang sarili mo sa kakamukmok dyan! Kapag nadapa ka kailangan mo pa ding bumangon. At sa sitwasyon natin ngayon, hindi mo pwedeng ipakita na mahina ka. Dahil kung sino man yang killer na yan,gagamitin nya yung basehan para mapatay ka." Paliwanag naman ni Samantha sa kanila.

"Tama si Samantha guys. Di nyo dapat ipakita na mahina kayo." Pag sang ayon ko naman.

Alam kong masakit pa din kay Justine ang mga nangyayari. Ella is her best friend. Kaya naman mahirap talaga tanggapin.

Pero sabi nga ni Samantha, kailangan mong lumaban para manatili kang buhay sa lugar na ito. Wag ipakita na mahina ka.

Kasi once na makita ng killer ang weakness mo, yun ang unang una niyang gagamitin para mapatumba ka.

Pagkatapos ng aming pagmumukmok sa kwarto ni Patrick, bumalik na kami sa kanya kanyang room.

Bubuksan ko pa lang ang doorknob ng pinto ko ng biglang may humatak sakin at bigla naman niyang tinakban ang aking bibig ng kanyang kamay.

Nakatalikod ako sa kanya pero pinilit ko pa ding magpupumiglas ngunit malakas siya.

"Shhhhh" rinig kong sabi nya mula sa likod ko.

Inapakan ko naman ang paa niya at kinagat ang kamay niya para makawala ako sa pagkakahawak niya. Tumakbo ako ng di ko siya nililingon.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Janna wait!" Parang kilala ko yung boses na yun tsk.

Huminto ako sa pagtakbo at lumingon sa likod.

Final DestinationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon