Chapter 20: We need more time

98 4 2
                                    

Salamat sa mga nagbabasa. Sana patuloy lang kayo sa pagbabasa sa story na to. Hahaha kahit mga kaibigan ko lang nagbabasa nito hahahaha! Lablab ko kayo alam nyo yan :) dedicated to @gabbymontez14. Ikaw yung unang tao na nagpapadedicate saken. Obviously, hsm fan? Haha parehas po tayo. So ayun enjoy reading :)

¤¤¤¤¤¤¤¤

{{Allen's POV}}

Kasalukuyan akong naglalakad dito sa labas. Nag iikot lang. Gusto ko kasi makabisado itong resort para kung sakali alam ko kung saan ang pasikot sikot dito.

Kakatapos ko lang magbreakfast kanina. Tumingin ako sa wrist watch ko. Mag se-7am pa lang naman eh.

Ako yung unang nagising dito kaya Nauna na ko sa kanila kumain kasi paggising ko wala pang tao sa dining kaya naman lumabas muna ako.

Lakad. Lingon. Lakad. Sandali akong napadako sa may tabing dagat kaya naman nag stay ako sandali.

Hay. Grabe. Ang ganda ng tanawin dito. Iniisip ko yung mga panahong wala pa kami sa lugar na to. Yyng wala kaming pinoproblema kundi projects at assignment lang. Sobrang masaya kami. Walang nag aaway. Lahat nag eenjoy sa kanya kanya naming buhay At higit sa lahat kumpleto pa kami.

Ngayon kasi unti unti na kaming nauubos eh. Deserve namin mahirapan pero hindi naman namin deserve mamatay isa isa.

Pag nakikita kong namamatay mga kaibigan ko parang pinapatay na din ako eh. Turing ko kasi lahat sa kanila is parang tunay na kapatid na eh.

Mico,Khrizzmina,Ella,Angelo,Alex? Sana masaya kayo kung saan man kayo naroroon. Inisip ko na lang na nauna na lang kayo makalabas sa lugar na to.

Para kaming preso. Nakakulong kami sa isang lugar na gustong gusto na naming umalis.

Akala ko mag eenjoy kami dito eh. Pero isang demonyo ang nag eenjoy dito habang pinapanood na unti unti kaming nauubos.

Nabored na ko dito kaya naman umalis na ko sa tabing dagat at muli uling naglakad.

Nagpunta naman ako sa may basement ng hotel. Tinitignan ko kung marami bang pasikot sikot dito. Pumunta ako sa pinakadulo ng basement at merong pinto dito.

Meron namang nakalagay sa pinto na "Do Not Enter." Nagtaka naman ako. Dahil nga makulit ako papasok sana ako pero pagkatulak ko sa pinto, nakakadena ito ay may padlock. Medyo nakauwang ang pinto kaya naman sumilip ako.

Nakita ko na puro libro at merong bookshelf sa gilid. Library? Ang weird naman kung magkakaroon ng library sa basement.

Pinipilit ko buksan pero ayaw talaga eh. Siguro kung si Manuel kasama ko mabubuksan nya to.

Eh kaso ako lang mag isa eh. Kaya naman di ko na binuksan at naglakad lakad muli ako sa basement. Ang laki ng basement sobra.

Mukhang wala namang kakaiba dito eh kaya lumabas naman ako ng basement.

Naglakad lakad pa ko. Ngayon ko lang napansin to ah? Meron palang bar dito. At merong mga store. Wala namang nagtitinda pero bukas.

Pumasok ako sa bar at Wow. Malaki din ang bar na to dahil may dance floor sa gitna. Minsan nga yayain ko sila dito. Pumasok pa ko sa pinakaloob ng bar at nakita ko na madaming inumin. Merong mga beer,juice. Non alcohol and alcoholic drinks.

Kumuha naman ako ng mga beers. Dadalin ko to sa hotel. Kahit naman sa pangalawang pagkakataon maranasan ulit naming uminom.

Lumabas na ko agad sa bar at bumalik na sa hotel.

Final DestinationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon