Chapter 6: What the Hell?

95 3 0
                                    

{3rd Person's POV}

Kinabukasan, maaga nagising si Shaina, Shane, Ella at Justine.
Nakita nila na tulog pa ang lahat kaya naman napagdesisyunan nilang apat na magluto ng kanilang kakainin ngayong umaga.

Nagtungo silang apat sa may kitchen at binuksan naman ni Justine ang Ref ngunit wala naman siyang nakitang pagkain.

Binuksan naman nila Shane at Shaina ang Cabinet at may nakita silang Cornbeef at iba pang delata na pagkain.

"Nako, kulang to satin. Madami tayo eh. Madami pa namang malakas kumain satin." Sabi ni Shane

"Oo nga kukulangin yan." Dagdag naman ni Ella.

"O sige ganito na lang. Punta na lang kami ni Justine sa may supermarket bibili lang kami para madagdagan yang mga kakainin natin." Sabi ni Shaina

"Bukas na ba yun?" 7am pa lang eh" tanong naman ni Justine.

"Edi kung di bukas, dun na lang sa palengke may malapit naman na palengke dito eh. Ano pa bang gusto nyo? Sabi ni Shaina habang tinatali ang kanyang buhok.

"Pancake, Bacon, Egg, Sandwich." Sabi ni ella habang nag piplease hand sign.

"Oo na sige! Tara na Justine bili na tayo." Sabi ni Shaina kay Justine. At lumabas na sila ng condo ni Allen.

Pagkalabas nila, sasakay sana sila sa elevator kaya lang out of order kaya naman naghagdan na lang sila dahil wala din naman silang choice. Pang5th floor kasi yung condo ni Allen kaya naman pagod na pagod sila kakababa sa hagdan

Nang makarating sila sa 2nd floor, may napansin si Justine na parang pula sa doorknob ng pinto ng isang
kwarto. Mukhang luma na ito kaya wala ng gumagamit ng kwarto na to.

Hindi nya na muna ito tinignan ng mabuti at dumiretso na sila sa hagdan para makabili na sila ng pagkain.

***

Sakto naman ang pagdating nila sa supermarket dahil kakabukas pa lang nito at dali dali na silang pumasok at bumili ng kanilang kailangan bilhin.

Kumuha na si Justine ng pushcar.
Si Shaina ang kumuha habang si Justine naman ang nagtutulak.

"Shan, nakita mo ba si ate khrizz kanina? Parang di ko sya napansin kanina nung pagbangon ko." Pag oopen naman ni Justine sa katahimikan. Kanina pa kasi walang umiimik sa kanilang dalawa.

"Hindi ko nga rin sya nakita kanina eh. Baka naman lumabas lang kanina." Sagot naman ni Shaina

"Kung lumabas siya kanina, edi sana nakita natin siya. Pero wala naman tayong nakitang ate khrizz." Sabi ni Justine habang tinutulak yung push car.

"Hmm, siguro nagtampisaw lang yun sa pool kanina. Lika na tapusin na natin tong pamimili at nang makabalik na tayo."

Makalipas ang 30minutes natapos na silang mamili at nagbayad na sila sa cashier. Hindi naman na nila kailangan sumakay dahil walking distance lang dito ang condo ni Allen.

Kaya naman pag alis nila sa supermarket ay agad na silang bumalik sa Condo.

Nakita naman nila na ayos na ulit yung elevator, pero meron ding technician sa 2nd floor hanggang 5th floor.

"Ah, kuya ano pong nangyari dyan? Tanong naman ni Justine ng makasalubong nya ang Technician.

"Ah, may nagsira kasi ng cctv camera kagabi. Kala nga ng iba mga magnanakaw eh pero wala naman daw niisa sa mga yunit ang pinasukan." Sabi nung technician.

Final DestinationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon