SOUL 1

24 0 0
                                    

A/N 


ANOTHER ON-GOING STORY ORAAYT! Sana po ma-enjoy niyo ito! Please read my short stories, just check my profile and ang isa ko pa pong on-going story, ang "TROUBLE". Thank you!



SOUL 1


[ ANIMA ]


Andito ako ngayon sa kwarto ko, mag-isa lang ako, sabagay palagi naman pala akong mag-isa kasi si Tita Meiya palaging nasa business trip. Wala na sila mama at papa dahil habang naglalakad daw sila sa kalye eh napagtripan sila kaya ayun, wala na sila. May kapatid akong maliit pa, si Anila, 6 years old palang siya pero palagi siya na kila lolo at lola sa mother side tapos si Tita Meiya naman ang nag-alaga sakin, mayaman kasi si Tita Meiya dahil medyo bata pa siya, 24 palang ata siya pero mayaman dahil nga sa mga business niya which is business rin namin na si Tita Meiya na ang nagpatakbo at yung dalawa pang kapatid ni mama sadyang kay Tita Meiya lang ako napunta kasi siya yung solo lang. Mabait si Tita Meiya at maalaga, yun nga lang palaging wala, naiintindihan ko rin naman dahil malaking business ang hinahandal nila lalo na't ang hinahandle nila ay isang food industry.


Kung saan-saan lang nagpupunta si Tita Meiya, sawa na nga daw siya sa Paris, minsan isinasama ako ni Tita Meiya pero kadalasan ay hindi dahil kahit naman kasama niya ako sa ibang bansa eh wala naman akong kasama mamasyal.


Ang boring at dahil bored ako lalabas nalang muna ako, tiningnan ko kung anong oras na at 10 pm na pala. Alam kong delikado pero hayaan mo na malapit lang naman yung pupuntahan ko, diyan lang sa park sa may kanto.


Nagpalit ako ng jeans at sweater tapos nagsuot na ako ng sapatos bago tuluyang bumaba ng kwarto ko at lumabas ng bahay, pinagsabihan pa nga ako ni manong guard pero sabi ko kaya ko na sarili ko tutal safe naman dito sa subdivision namin. I mean, it's not actually my real home dahil ang real home ko ay yung bahay namin nila mama noon na sa kabilang subdivision pa, lumipat lang ako dito kay Tita nung 11 ako, nung namatay sila mama. 16 na ako ngayon kaya nasanay narin ako sa subdivision na ito kahit nakakamiss ang dating subdivision kung saan marami kaming memories nila mama.


Tumakbo na ako papuntang park at naupo sa swing dun. Tahimik lang ang paligid, ang lamig ng hangin. Ang creepy nga ng park na ito kasi walang ibang tao dito kahit umaga, haunted daw ito pero di naman ako duwag.


Napatingin ako sa puno nang may marinig akong kaluskos na nanggagaling mula doon. Medyo kinakabahan ako pero hindi ko lang ipinahalata iyon at tumayo ako.


"Sinong nandyan?" kalmadong tanong ko habang nagpalinga linga sa paligid upang makita kung may tao ba pero wala naman akong nakikita. Muli ulit akong nakarinig ng kaluskos sa may puno sa likod ko kaya dun ako napaharap.


"Wag mo nga akong pagtripan" irita kong ani. Imbes na matakot pa lalo eh naiirita na ako dahil istorbo siya sa pagmumuni muni ko. Wala paring sumasagot kaya humiga ako sa damuhan at ipinatong ang braso ko sa may mata ko. Malamok pero wala akong pake, maya-maya may naramdaman akong naupo sa tabi ngunit hindi ko padin itinatanggal ang braso na nakatakip sa mata ko.


Naramdaman kong humiga siya sa tabi ko tapos parang nakatitig siya sakin kaya mabilis ko siyang tingnan at ang gwapo niya! Maputi, matangos ang ilong mahaba ang pilik mata at higit sa lahat, gwapo. Nakatingin siya sakin at nakangiti din. Agad akong napatayo at siya naman dahan-dahang tumayo. Pinagmasdan ko pa siya ulit at ang tangkad niya, siguro hanggang baba niya lang ako tapos yung buhok niya medyo magulo.

SOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon