A/N
MARHABA HABIBIS!! Please read my other short stories at suportahan po at basahin niyo sana ang isa ko pang on going story na "TROUBLE" Shukran!
SOUL 4
[ ANIMA ]
"Ang dami kong tickets oh! Dali tara iclaim na natin yung makukuha ko sa mga tickets na ito" –Soul
Hinila niya ako dun sa may kuhanan ng prize, yung papapalitan mo yung tickets ng ibang bagay like candy or stuff toy kung madami kang tickets at grabe si Soul, ang dami niyang napalanunan na tickets, puno nga backpack niya pati backpack ko eh. Paano ba naman kasi, simula pagkadating namin dito sa mall eh hinila niya na ako sa parang World of Fun pero imbis na world of Fun ang pangalan eh Dreams ang pangalan.
Tapos ayun, naglaro na siya ng naglaro, parang ngayon lang ulit siya nakalaro, nagugutom na nga ako eh. Tapos yung sa the claw na laro ang astig niya, lahat ng the claw dito nakuhunan niya ng stuff toy, siya na talaga. Isang plastic tuloy puro stuff toy na galing sa the claw ang laman.
Pinaglalaro niya din ako pero most of the time pinapanuod ko lang siya.
"Ate papalit na po" – Soul
Tae talande ni ateng tagapalit ng ticket! Kinilig ba naman kay Soul habang itong si Soul eh walang pake tapos si ate nagpapansin pa.
"Ang dami mo namang nakuha sir" maarteng saad nung ateng taga palit ng tickets at inabot kami ng sampung minute dahil lang sa ang dami ngang tickets ni Soul tapos si ate pa halatang binabagalan ang kilos. Damn, ang sarap sabunutan ni ate.
"Sir, ito po yung mga pwede niyong makuha sa tickets hihi"
Konti nalang talaga, konting konti nalang.
Nagulat ako nung ipinadulas ni Soul ang kamay niya sa may bewang ko at inilapit niya ako sakanya.
"Anong gusto mo?" tanong ni Soul sakin at nakita ko naman ang mukha ni ate na parang nadismaya. Ha! Ayan kasi.
Tiningnan ko ang mga malalaking stufftoy at ang naka-agaw sa atensyon ko ay yung stufftoy na Stitch na malaki.
"Ang cute ni Stitch" ani ko sabay turo dun kay Stitch
"Si Stitch nalang po ate, tapos yung matitira po eh yun nalang babaeng stitch na maliit" nakangiting sabi ni Soul dun kay ate kaya si ate kinilig at hinawi pa niya ang buhok niya tapos saka niya kinuha ang malaking stitch at yung stitch na babae, Angel ata pangalan nung stitch na babae eh, basta yung kulay pink na crush ni Stitch.
Pagka-abot ni ate nung mga stufftoy, ngumiti pa siya ng malapad kay Soul.

BINABASA MO ANG
SOUL
FantasiHe's a lost soul, lost in a dark world, lost along the way. He's finding the light until he found her, the one who lighted up his dark world, the one who can bring him back to life.