SOUL 9

4 0 0
                                    


SOUL 9


[ ANIMA ]


"Here, Ice cream, pampalamig ng mainit mong ulo" nakangiting inabot sakin ni Drake ang isang cooies and cream ice cream na poker face ko namang tinanggap.


Andito kami sa isang ice cream parlor, kanina pa pinagtitinginan si Drake ng mga babae dito at nung cashier. Sa ngiti pa nga lang naman ni Drake nakakatunaw na, good thing immune na ako sa mga ngiting nakakatunaw, ikaw ba naman palaging guluhin ng isang kaluluwang may nakakatunaw na ngiti, wait, did I just say that? Err.


Anyways, balik tayo kay Drake, he has this brown eyes na kapag tiningnan ka eh maiilang ka, for the other girls ganun ang mararamdaman nila but for me, absolutely not. He also has this height na pang basketball player, nanliit nga ako sakanya eh. Tapos yung buhok niya na medyo spikey effect pa.


"Alam kong pogi ako" nagpogi sign pa si Drake kaya inirapan ko agad siya.


"Mas pogi si Soul" bulong ko sa sarili ko. Kumunot naman ang noo niya.


"Sinong mas pogi?"


"Sabi ko mas pogi ako"


Napailing siya habang tumatawa. "I'd prefer to call you beautiful instead of pogi"


Flirt alert! Flirt alert!


"I'm done, pwede na ba akong umuwi?"


"Nope, ayaw mo ba ako makasama? Parang iritang irita ka sa presence ko"


Naiirita nga, gusto kong sabihin sakanya yan pero masyado naman atang harsh kung sasabihin ko talaga. "Obviously, you're a stranger" I answered, annoyed.


Humalukipkip ako at sumandal sa upuan.


"Nagpakilala na nga ako, kaklase mo pa ako, tapos stranger padin?" nakangiwi niyang tanong kaya tumango ako.


"Dapat nga ikaw ang stanger kasi hindi ko parin alam ang pangalan mo eh" nakangiwi parin niyang sambit.


"Anima, my name is Anima"


"Amin na? anong amin na? May kinuha ba ako sayo?"


Ay tanga.


"It's ANIMA not amin na" inepmhasize ko pa ang Amina para naman magets ng katangahan niya.


"Chill, I was just joking"


Joking niya mukha niya!


"Tapos nadin ako, hatid na kita sainyo"


Tulad ng sinabi niya, hinatid niya nga ako samin. Pagdating ko sa kwarto, may taong nakahiga sa kama ko at bukas ang bintana ko. Tsk.


Inilapag ko muna ang bag ko sa sofa sa loob ng kwarto ko at tinanggal ang sapatos ko. Hindi ba ako napapansin ni Soul? Nakahiga lang siya sa kama ko, yung braso niya nakatakip sa mata niya, yung parang pag nagbibilang ka sa hide and seek. Lumapit ako sakanya at nalaman na tulog pala siya.


Pumasok nalang muna ako sa walk-in closet ko at nagpalit ng damit saka binalikan si Soul na tulog padin. Sumampa ako ng kama at paulit-ulit na tinatapik ang pisngi niya.


"Hoy kaluluwa gising"


Dahan-dahan niyang idinilat ang mata niya, umupo siya at nagpalinga-linga sa paligid bago tumitig sakin.


"Saan ka galing?" tanong niya, shet! Ang husky ng boses.


"Si D-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil kinulong na niya ako agad sa kanyang bisig. Napakahigpit ng kanyang yakap. Parang kumukuha siya ng lakas.


*Dug dug* *dug* *dugdug*


Shhh puso! Wag ka maingay!


Makaraan ang lang sandali kumalas nadin siya sa yakap ngunit hawak padin niya ang magkabila kong braso.


"Okay ka lang?" tanong ko kay Soul kasi namumutla siya tapos parang mas lalo siyang lumamig.


Marahan siyang tumango. "Okay na ako, anjan ka na eh" nakangiting niyang sagot. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko.


"heh! Sige na alis shoo!" tinaboy ko na siya. Lumabas na siya ng bintana kaya nilock ko na yun at nahiga sa kama ko at nagtalukbong ng kumot, amoy Soul.


Bumangon ako at nagpaikot-ikot lang sa room ko pero amoy Soul talaga. Bakit ba puro Soul ako? Aish! Makatulog na nga lang kahit ang aga pa.


SOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon