SOUL 6
[ ANIMA ]
"Yung totoo? Palagi ka nalang bang mambubulabog?!"
Napakamot siya ng kanyang ulo pero nginitian lang din ako.
"Manang naman, bakit pinapasok niyo itong kaluluwa na ito dito?"
Tinawanan lang ako ni manang at pumunta na sa kusina habang ako naiwan dito sa salas nakatayo at si Soul feel at home na nakaupo sa sofa.
"Anong ginagawa mo dito?"
Imbis na sumagot, tinap niya lang ang gilid niya na parang pinapatabi ako sakanya and so I did.
"Tara date tayo"
Agad siyang nakatanggap ng isang malakas na batok dahil sa sinabi niya.
"Are you kidding me?"
"Mukha ba akong nagbibiro?"
Sa itsura niya mukhang hindi nga siya nagbibiro, napakaseryoso ng mukha niya.
"Ayoko nga"
I stood up at akmang aakyat na sana nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. I felt his cold touch again, it's giving me chills but it's kinda comfortable. Teka, sinabi ko bang comfortable? Erase erase! Ang lamig ng kamay niya nakakabwisit!
Binawi ko ang kamay ko at hinarap siya.
"Sige na please"
Nagpaawa effect pa siya na akala mo siya si puss in boots.
"Libre ko lahat"
Nang marinig ko ang word na libre agad akong napatakbo sa kwarto ko "HINTAYIN MO AKO MAG-AAYOS LANG AKO"
Narinig ko pa siyang tumawa bago ko tuluyang naisara ang pinto ng kwarto ko para makapag-ayos na
~*~~**~*~*~**~*~
Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa KFC at kanina pa tahimik si Soul. Nakakapanibago, sanay ako siya ang dumadaldal saming dalawa eh.
Nagulat ako nang bigla niyang tanggalin ang suot niyang hoodie at iniabot iyon sakin. "Suotin mo, kanina ka pa pinagtitinginan ng mga lalaki"
Napatingin ako sa paligid at tama nga siya, ang lalagkit ng tingin sakin ng mga lalaki, naka sleeveless na color black lang kasi ako tapos shorts. Sinuot ko naman yung hoodie.
"Ang sweet"
"KYAAAH"
"Sana may boyfriend din akong ganyan hihi"
Napailing nalang ako sa mga narinig ko pero itong si Soul ngiting-ngiti.
Pagtapos namin kumain, nanuod kami ng sine tapos naglibot-libot lang kami sa mall hanggang sa mapagod kami at naupo sa isang bakanteng bench. Masaya naman pala kasama si Soul, naramdaman kong hindi ako mag-isa. Napakasweet niya at gentleman.
"Tara may pupuntahan pa tayo" hinila niya ang kamay ko at sumakay kami ng jeep, pumara kami sa isang ... park?
Habang hawak padin niya ang kamay ko, naglalakad pa kami ng ilang sandali hanggang sa tumigil kami sa isang malawak na lupain na natatakpan ng damo. Hinila niya ako pahiga ng damo kaya hindi na ako naka-angal pa.
Nakatingin lang ako sakanya pero siya nakatingin sa mga bituin sa langit, ang tagal din pala naming namasyal sa mall.
"Alam kong gwapo ako"
Napaismid ako at iniwas ang tingin sakanya kaya ngayon parehas na kaming pinagmamasdan ang mga bituin sa langit.
"Alam mo ba, namimiss ko na sila"
Muli akong napatingin sakanya. Namimiss? Sino?
"Sila mama, ang tagal nilang balikan ako dito. Ang lungkot na palagi akong mag-isa"
May nangingilid ng luha sa kanyang mata, ugh drama. Ang ayoko sa lahat ay ang drama. Napabuntong hininga siya ng malalim kaya alam kong malaki ang pinagdadaan niyang problema. Hinayaan ko lang siyang magkwento tungkol sa pamilya niya, may kapatid daw siyang 3 years na niyang hindi nakikita, simula pagkasilang daw ng kapatid niya hindi niya ito nasilayan man lang. Iniwan daw siya ng kanyang magulang sa tito Ark niya nung 12 years palang siya, simula daw nun wala na siyang narinig tungkol sa parents niya. Kaya pala grabe nalang siya kung mambulabog sa bahay, wala naman kasing naghahanap sakanya.
Ilang sandali ang katahimikan na nanaig saming dalawa nang bigla siyang magsalita na sana ay hindi nalang niya ginawa. "Anima, I like you"
.
BINABASA MO ANG
SOUL
FantasyHe's a lost soul, lost in a dark world, lost along the way. He's finding the light until he found her, the one who lighted up his dark world, the one who can bring him back to life.