SOUL 3

5 0 0
                                    

A/N 


Marhaba habibis! please read my other stories at suportahan niyo po ang story kong "TROUBLE"! Shukran!


SOUL 3


[ ANIMA ]


After ng debate namin eh sakto nag bell na.


"Good job guys, you may now take your recess, but before that, the new student please introduce yourself" – Mr. Kirt


"I'm Soul po" pagpapakilala ni Soul


Napangiti ng malawak si Mr. Kirt.


"Halika sumunod kayo parehas sa faculty" nakangiting aniya kaya sumunod kami sakanya.


Pagpasok namin sa faculty, agaw pansin si Soul dahil new student at dahil daw gwapo. Huminto kami sa tapat ng table ni Mr. Kirt at si Mr. Kirt naman ay may kinuha na kung ano sa drawer niya.


"Amina, ano pangalan niyang kasama mo? Iho, new student ka diba? Ano pangalan mo?" tanong ni Mrs. Santos ang Filipino teacher namin. Ang cute ni Mrs. Santos kasi nakanguso pa siya kay Soul, kahit nasa mid 40's na si Mrs. Santos eh dalaga padin siya umasta kahit na may asawa at mga anak na.


"Soul po" nakangiting sagot naman ng katabi ko


"Ang cute nga eh, Amina and Soul" singit naman ni Ms. Olive


"Oh okay now I get it" tatango tango pang sabi naman ni Mrs. Santos


Muli kaming napaharap kay Mr. Kirt at may hawak na siyang folder


"I want you two to make a story about a woman, who fell in love with a lost soul" – Mr. Kirt


"Po? Kelan po pasahan?" –ako


"At the end of the school year pa naman don't worry" – Mr. Kirt


Nagpaalam na kami pagtapos niyang iabot ang isang folder at lumabas na ng faculty. Babalik muna ako ng classroom para kunin ang pera ko, nakalimutan ko yung wallet ko pala nasa bag ko eh di pa naman ako nagbabaon.


"saan ka na pupunta?" –Soul


"Classroom" tipid kong sagot.


Pagkarating sa room, kukunin ko palang sana ang wallet ko sa bag ko kaso bigla akong hinila ni soul papaupo sa upuan ko.


"Bakit?" –ako


Hindi niya sagot bagkus ay may kinuha siya sa bag niya at isa iyon, Tupperware?


"Share tayo di ko mauubos ito eh" nakangiting aniya sabay alis ng takip ng Tupperware.


Fettuccine! Favorite ko ito eh. Mas trip ko ang white sauce kesa sa spaghetti. Dalawang fork ang baon niya, hmm, pinaghandaan ah. Inabot niya sakin yung isa at tinanggap ko naman iyon. Pagkain na ang lumalapit sakin tatanggihan ko pa ba?


"Sino nagluto nito?" tanong ko sakanya at tinuro naman niya ang sarili niya.


Tiningnan ko siya ng masama kasi baka may lason ito pero tinawanan niya lang ako


"Walang lason yan wag ka mag-alala" – Soul


Wala daw lason. Sige na nga. Tumikim muna ako at aba, masarap infairness. Nginitian niya ako at sabay na kaming kumain, naubos nga namin at simot pa.


"Ang sarap noh?" –Soul


"Okay lang" - ako


Ayokong sabihin na masarap baka lumaki ulo niya.


~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*


Sa wakas uwian na. Inayos ko na ang gamit ko at lalabas na sana ng room kaso hinila ni Soul yung hawakan sa backpack ko kaya nahila niya ako pabalik.


Sasamaan ko palang sana siya ng tingin pero bigla niyang kinurot yung ilong ko


"Masakit ano ba" inis kong ani at pinalo ang malamig niyang kamay.


"Samahan mo muna ako, mall tayo, palagi lang akong kulong sa kwarto kaya di ako nakakapasyal at sa ibang bansa kasi ako lumaki kaya di ako sanay dito sa pilipinas" pag-aya niya.


Nakakatamad kaya mag mall. Inirapan ko lang siya at naglakad na palabas ng room pero hanggang sa labas ng school nakasunod siya sakin at kinukulit akong mag mall.


"Sige na nga! Bwisit! Ang kulit mo"


Wala eh, para manahimik na siya.


"Yun oh, tara mall na tayo, don't worry libre ko" masayang wika niya at hinila ako pasakay ng jeep. 

SOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon