SOUL 5

3 0 0
                                    

A/N 


Marhaba! Please read my other short stories and ang isa ko pa pong on going story "Trouble" Shukran!


SOUL 5


[ AMINA ]


"What the fu-"


"Shh"


"Soul?" bulong ko


Nandito ako sa kwarto ko natutulog nang may marinig akong kaluskos sa bintana na siyang dahilan ng pagkagising ko, sisigaw na sana ako pero biglang tinakpan ni Soul ang bunganga ko. Peste! Siya lang pala yun.


"Teka nga, bakit ka andito? Alam mo ba kung anong oras na?" inis kong sabi sakanya at tumayo ako sa kama ko upang kuhanin ang hoodie ko, nakasleeveless lang kasi ako tapos binuksan ko narin ang ilaw.


"Hmm, Oo. 2 am palang ng madaling araw" nakangiting sagot niya at umupo sa kama ko habang nakatingin sakin.


"Alam mo naman pala eh, bakit nandito ka pa? At paano ka nakadaan sa bintana ko eh nakalock yan?" 


"Expert ako sa mga ganyan eh" sagot niya at nag wink pa siya. Aba aba!


Pinalo ko ang ulo niya at napa-aray naman siya at hinimas ang ulo niya. Buti nalang at Sabado bukas kaya walang pasok, sinira niya tulog ko.


"Ano bang kailangan mo ha?" –ako


Nakatayo lang ako sa harapan niya nag-iintay ng sagot. Kairita siya bwisit. At ang weirdo niya, paano siya nakapasok sa kwarto ko? Nakalock yung bintana ko at yung daan sa terrace ko ay nakasarado din.


"Hindi ako makatulog eh" cool pa na sagot niya kaya napagulo ako sa buhok ko at pinagpapapalo siya


"Kung hindi ka makatulog wag kang mandamay bwisit!"


"A-aray, ano ba tama na"


Panay iwas siya sa palo ko at bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.


"Time out, masakit ah" nakanguso niyang ani. Aba! Nakuha pa niyang magpacute.


"Pasaway ka din eh" inis kong saad. Nag mumog at naghilamos muna ako sa banyo bago kinuha ang laptop ko at sumampa sa kama ko habang siya naman ay nasa may edge ng kama nakaupo at nakatingin lang siya sakin.


"Bakit hindi ka natatakot sakin? Kasi bigla nalang akong sumusulpot tapos sumama ka sakin sa mall" –Soul


Napabaling ang atensyon ko sakanya dahil sa tanong niya, bakit ng aba? Ewan, bigla nalang akong naging comfortable sakanya kahit kadalasan ay nakakainis siya at ang kulit niya pero bakit nga ba? Pwede siyang rapist or magnanakaw pero heto ako hinahayaan lang siyang maupo sa kama ko. Siguro dahil sinagip niya ako sa mga gangster nung sa may park kaya mabilis ko siyang napagkatiwalaan at dahil na rin pumasok siya sa school na pinapasukan ko.


Nagkabit balikat nalang ako bilang sagot at itinuon na ulit ang atensyon ko sa laptop ko. Tumayo ng kama ko si Soul at lumibot sa kwarto ko, napahinto siya sa isang painting, yung wall kasi sa left side ko ay puro painting ng kung ano-ano.


Huminto siya dun sa tapat ng painting ng isang babae at may shadow na katabi yung babae pero lalaki yung form ng shadow.


"Saan galing ito?" turo niya sa painting


"I painted it, tuwing bored ako I paint"


Tumango siya at maya-maya ay tumabi na siya sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin at ginulo naman niya buhok ko.


"Stop doing that" saway ko sakanya ngunit kinurot naman niya ang ilong ko. Seriously? Damn.


Nagsalang nalang ako ng movie, Alvin and the chipmunks: The Road Chip. Ang ganda ng movie na iyon at ang saya paulit-ulitin. Ipinuwesto ko iyon sa gitna namin ni Soul. Mukhang na-amaze siya sa mga chipmunks kasi ang lawak ng ngiti niya.


Umusog pa siya papalapit sakin kaya naamoy ko ang pabango niya, medyo nafeel ko din ang aura niya, it's so light yet it's cold. Bakit ba ang lamig ng lalaking ito? Literally malamig.


"Hindi ka ba hinahanap sainyo at nambulabog ka pa talaga dito?" –ako


"Sila mama wala naman dun sa pinagtutuluyan ko eh, si tito Ark nasa ibang bansa may inaasikasong business dun" –Soul


Tutok siya sa movie kaya di na ulit ako dumaldal at nanuod nalang din. Mga 4:30 na nung natapos namin yung movie at kanina pa siya tawa ng tawa.


"Sige na matulog ka na ulit Anima" nakangiti niyang ani at pinat ang ulo ko.


"Ewan ko sayo bwisit"


Tinawanan niya lang ako at umalis nadin siya sa kwarto ko, sa bintana ko siya dumaan kaya paglabas niya ay nilock ko ng mabuti ang bintana at yung pinto sa may terrace baka mamaya mambulabog na naman siya eh. 

SOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon