SOUL 8
[ ANIMA ]
Ang tagal naman ni Soul. Tiningnan ko kung anong oras na, malapit na magsimula ang klase pero wala parin siya. Asan ka na ba Soul?
Nakapangulmbaba lang ako dito sa table ko at ilang beses ng napapabuntong hininga ng malalim, palaging maaga si Soul pero bakit ngayon ang tagal niya pa dumating? Teka, bakit ko ba hinahanap ang kaluluwa na iyon?
"A penny for your thoughts?"
May lalaking umupo sa seat ni Soul kaya pinanlinsikan ko agad ng mata yung lalaki.
"I'm Drake, and you are?"
"pissed"
Isinubsob ko nalang ang mukha ko sa table nang maramdaman kong hindi parin umaalis yung Drake sa seat ni Soul kaya sinulyapan ko siya, ngayon ko lang nakita ang mukha niya, is he a new student? Seryoso? Ang tagal na simula ng magsimula ang klase pero bakit may new student pa?
"Goodmorning class"
Walang gana akong tumayo at nakisabay sa pagbati ng mga kaklase ko kay Sir Fritz.
"Oh look, another new student, introduce yourself" nakangiting sabi ni Sir Fritz, ang aming mapeh teacher. Tumayo naman yung Drake at nagpakilala.
"I'm Drake Fuentes" pagpapakilala niya sabay ngiti na siyang ikinakilig ng mga babae kong kaklase.
Infairness, may itsura nga naman itong si Drake, bad boy look.
"Goodmorning sir sorry I'm late" hinihingal na bati ng kakapasok lang na si Soul. Gulo-gulo pa ang buhok niya at hindi pa maayos ang collar ng polo niya.
"It's okay Soul, take your seat" nakangiting ani Sir at sinenyasan na si Soul na umupo. Tumalikod na samin si Sir at nagsulat sa board, si Soul naman nakangiting papalapit sa pwesto namin pero agad din iyong napalitan ng simangot dahil nakita niyang may naka-upo sa pwesto niya.
"Excuse me pero that's my seat" maangas na sabi ni Soul kay Drake.
"Pwede bang dito muna ako? May vacant seat pa naman sa likod oh" nakangiting wika ni Drake sabay turo dun sa seat sa likod ko.
Wala ng nagawa si Soul, padabog siyang umupo sa seat sa likod ko at nakasimangot na kinuha ang notebook niya sa bag niya at nagsimula ng kumopya ng mga sinusulat ni Sir Fritz sa board.
Tinaasan ako ng kilay ni Soul nang mapansin niya na nakatingin ako sakanya, tingnan mo 'to parag bading. Iniusog ko ang upuan ko ng kaunti pabackwards at naglean sakanya. Nagulat siya pero hindi ko nalang pinansin iyon at inayos ang collar niya sabay balik sa pwesto ko at kumopya nadin.
"Boyfriend mo?" bulong ni Drake sakin. Chismoso naman nito. Umiling lang ako bilang sagot. I'm not sure pero nakita ko siyang .... Ngumiti? I don't care.
~*~**~*~**~*~*~*~*~
Half day lang kami ngayon, anong dahilan? Malay ko. Inayos ko na ang mga gamit ko at palabas na sana ng room kung hindi lang humarang sa daan ko si Drake.
"I still don't know your name" nakangiting aniya
"And I still don't care" bored kong sabi at akmang ihahakbang na ang paa ko palabas pero
"Bakit ba ang sungit mo?" tanong niya ng hindi parin inaalis ang ngiti sakanya labi.
"Bakit ba ang kulit mo?" balik na tanong ko sakanya. He chuckled. Ibinulsa niya ang dalawang kamay niya at sumandal sa pintuan.
"Samahan mo ako"
Hindi pa ako nakakasagot ng hindi nang bigla nalang nia akong hinatak. Sinubukan kong magpumiglas pero masyado siyang malakas.
"Ano ba! Let go of me!" sigaw ko. Nginisian niya lang ako at hinatak parin hanggang sa makarating kami sa parking lot ng school. May kotse pala siya tss, so what kung may kotse siya? I rather commute than be with this stranger!
Sapilitan niya akong ipinapasok sa front seat at agad na kinabit ang seatbelt tapos sumakay nadin siya.
"This is kidnapping! Let me out!" inis kong sigaw, tatanggalin ko sana ang seatbelt ko pero napigilan niya agad ang kamay ko
"please"
I sighed, fine. Ngayon lang. He smiled and started the engine. Saan naman kami pupunta? Ugh. Hindi ko pala nakausap si Soul kanina dahil panay ang sulpot ng Drake na ito. Tuwing pupuntahan ko si Soul bigla nalang lilitaw ang nakakairita niyang mukha, nakakabanas!
Sa isip ko ilang beses ko ng napatay tong Drake na 'to. Mukha pa namang badtrip si Soul kanina, ano kayang nangyari dun?
BINABASA MO ANG
SOUL
FantasyHe's a lost soul, lost in a dark world, lost along the way. He's finding the light until he found her, the one who lighted up his dark world, the one who can bring him back to life.