SOUL 2

19 0 0
                                    

A/N 


Marhaba alqurra! Please read my other stories po and ang isa ko pang on-going story na "TROUBLE" THANK YOU! 




SOUL 2


[ ANIMA ]


"Anima iha, gumising ka na at baka malate ka"


Agad akong napabangon at napatingin sa orasan na nakasbit sa dingding ng kwarto ko, 5:30 am palang pala. Hay, ayan kasi umalis alis pa ako kagabi eh, hindi ako nakatulog ng maaga. Ang sakit tuloy ng ulo ko.


Nagtungo na ako sa banyo upang makaligo na at makapag-ayos. Pagkatapos eh nagbihis na ako at bumaba na.


"Goodmorning manang Josie" pagbati ko sa isang katulong dito sa bahay, nasa lima ang katulong namin dito sa bahay dahil medyo malaki itong bahay ni Tita Meiya, may pool pa nga eh. Dumiretso ako sa kusina upang magbreakfast tapos bumalik ako sa kwarto ko dahil nasa loob ng kwarto ko ang banyo ko, siyempre magtutoothbrush muna ako bago pumasok.


~*~*~*~*~*~*~*~~*~*~*~**~~*


Pagdating sa school nagulat ako dahil sa may hallway  may pinagkakaguluhan sila, tapos puro babae pa ang nandun. Siguro may new student, pero bakit naman tatanggap pa ang school ng new student eh ang tagal na simula nang magsimula ang klase. October na kaya.


Di ko nalang pinansin iyon at naglakad nalang papunta sa classroom ko.


"Anima!"


Napalingon ako dahil may tumawag sakin at nakita ko si Soul na nakangiti  habang kumakaway pa. So siya pala yung pinagkakaguluhan?


Lumapit siya sakin at ginulo ang buhok ko kaya agad kong pinalo ang kamay niya.


"Aray! Masakit ka pala mamalo" natatawang sambit niya habang hinihimas ang kamay na pinalo ko, mukhang napalakas ang palo ko kasi ang pula ng kamay niya ,ang puti pa naman niya.


"Hindi tayo close tapos guguluhin mo buhok ko? Fc mo naman" mataray kong ani sabay talikod sakanya at lakad papalayo.


"Nagsusungit ka na naman" sabi niya at hinabol ako kaya ngayon kasabay ko siya, narinig kong nagbubulungan yung mga nagkakagulo sakanya kanina na ang gwapo daw niya tapos hindi man lang daw nila nalaman ang pangalan niya. Gwapo nga, makulit naman.


Hindi ko nalang siya pinansin hanggang sa makarating na ako sa room ko, umupo  ako sa pinakalikod kung saan ang seat ko at siya naman ay sinundan na naman ako tapos umupo sa tabi ko kaya kumunot ang noo ko.


"Hoy, bakit ka andito?" –ako


Nakita kong nakatingin sakanya yung iba kong kaklase lalo na yung mga babae tapos mga kinikilig pa ang mga loka-loka.


SOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon