SOUL 10

11 0 0
                                    


SOUL 10


[ ANIMA ]


"Goodmorning!" masayang bati sakin ni Soul


"Anong good sa morning kung mukha mo ang makikita ko?" nakasimangot kong ani. Tumabi siya agad sakin at parang ang saya-saya pa niya.


"Ehem pwesto ko yan"


Napatingin kami ni Soul sa nakatayong Drake na hinihintay si Soul umalis sa upuan.


"Ako talaga ang nauna dito, umepal ka lang kahapon" kibit balikat na sagot ni Soul at humarap sakin, kinurot ko naman agad ang ilong niya.


Drake sighed in defeat at umupo sa likod ko kaya lumingon ako sakanya and mouthed 'sorry', nginitian niya lang ako at may kinuhang libro sa bag niya at nagsimulang magbasa.


May naramdaman nalang ako na pares ng kamay na nakahawak sa magkabilang pisngi ko at iniharap ito kay Soul. Agad kong tinanggal ang kamay niya "ano ba! Ang lamig mo!" bulyaw ko dito ngunit tinawanan niya lamang ako.


~*~*~*~*~*~*~*~*~


"Boo!"


"Grabe nagulat ako" bored kong sabi sa nang gulat sakin pero hindi talaga ako nagulat


"Wala ka na ba ibang expression kundi ang bored face at poker face lang?" nakangiwe nitong tanong


"Wala na" tipid kong sagot at pinagmasdan nalang ang mga iba pang estudyante na nasa paligid ko, andito ako ngayon sa school grounds nakatambay, lunch time ngayon at dito ko naisipang tumambay dahil tuwing lunch hindi ako kumakain, kakatamad eh, mas trip kong magpahangin dito sa school grounds kesa kumain sa cafeteria.


"Aha! Alam ko na kung paano ka tatawa" isang nakakalokong ngiti ang kumurba sa kanyang labi bago ginawa ang kanyang binabalak


"Hahaha! Ano ba soul! Hahaha! Ta-tama na! Hahahaha"


Nagpagulong-gulong na ako dito sa lapag, buti nalang damo 'to kundi baka ang dungis ko na.


"Eh di napangiti at napatawa rin kita!" taas noong sabi ni Soul na talagang ipinagmamalaki niyang napangiti niya ako at napatawa.


"Madaya ka!" muling bumalik ang poker face ko kaya napangiwe si Soul.


"Palagi na nga kitang kikilitiin para palagi kong makikita ang ngiti mo at palagi kong maririnig ang tawa mo" nakangiwe habang kinakamot pa niya ang batok niyang sabi.


"Korny mo!"


"Pogi naman" nag pogi sign pa siya kaya napailing nalang ako. Hangin.

SOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon