SOUL 7
[ ANIMA ]
It's been a week simula nung sinabi ni Soul na gusto niya ako, walang nagbago sa pakikitungo niya sakin, naging madalas narin ang paglabas namin. Maraming nagkacrush sakanya lalo dahil one time, Sunday nun pero pinapasok kami dahil may mga sinabi samin about sa gagawin sa dadating na Halloween. Malapit na kasing mag November. So yun nga, pag pasok ko sa classroom, siyempre antok na antok pa ako kasi Sunday tapos may pasok, dumiretso ako sa seat ko, nandun na si Soul pero dedma lang dahil wala ako sa sarili.
Ipinagpatong ko ang braso ko sa mesa at dun isinubsob ang mukha ko para maka-iglip lang sandali, medyo malamig nun dahil umuulan pa. Nagulat ako dahil may nagpatong ng jacket sakin para mabawasan ang lamig na nararamdaman tapos may humahaplos haplos ng buhok ko kaya mas lalo akong inantok, sinabayan pa niya ng pagkanta ng "Sunday Morning" ni Adam Levigne. Napaka ganda ng boses niya hanggang sa hindi ko namalayan nakatulog na pala ako ng diretso dahil pag gising ko nagsisi-uwian na ang mga kaklase ko at kinikilig-kilig pa sila sabay tukso sakin, saka ko lang nalaman na si Soul pala ang nagpatong ng jacket niya sakin at siya rin ang kumanta at naghaplos ng buhok ko, inexcuse niya pala ako kay maam na may sakit ako kaya hinayaan lang ni maam na tulog ako habang may ina-announce siya. Si Soul narin ang nagsabi sakin ng mga inannounce ni maam na hindi ko narinig dahil nga tulog ako.
Magkakaroon pala kami ng costume party sa dadating na Halloween. Excited ang lahat pero ako wala akong balak pumunta, nakakatamad.
"Psst psst"
Inilibot ko ang tingin ko para hanapin kung nasaan yung sumusutsot. Nandito ako sa kwarto ko, wala akong kasama dahil wala naman akong ganung kaibigan, pero bakit may narinig akong sumusutsot?
"Anima" rinig ko pang tawag ng kung sino sa pangalan ko. May kumakatok sa bintana ko kaya lumapit ako dun at hinawi ang kurtina na nagtatakip dito.
Nakagiti at kumakaway na Soul ang bumungad sakin. Binuksan ko naman yung bintana kaya nakapasok na siya.
"Kelan pa naging pintuan ang bintana?" irita kong tanong sakanya.
"Eh pag dun ako dumaan itataboy mo lang ako" nakangiwing sagot niya. Sabagay, may point siya, palagi ko nga siyang tinataboy papalayo. Naiinis ako sa presence niya eh.
Tinanggal niya muna ang sapatos niya bago patalon na umupo sa kama ko at hiniga ang kalahating katawan doon. Feel niya kwarto niya 'to. Iniwan ko muna siya doon dahil magpapahanda ako ng miryenda kay manang Josie, palaging gutom si Soul eh, malay ko ba dun! May bulate ata sa tiyan.
"Manang Josie, pagawa naman po kaming miryenda" magalang kong utos kay Manang, kumunot naman ang noo niya
"Kami?"
Ay! Oo nga pala! Hindi alam ni Manang na nasa kwarto ko si Soul
"Si Soul po kasi andiyan, dumaan sa bintana"
BINABASA MO ANG
SOUL
FantasyHe's a lost soul, lost in a dark world, lost along the way. He's finding the light until he found her, the one who lighted up his dark world, the one who can bring him back to life.