Chapter 35. 'Leap of Blood'

38.5K 975 5
                                    

Nakalipas na naman ang isang linggo at naging abala na din ako sa shop ko. Nakakatuwa at madami na ding nakakakilala sa 'Break a Café' shop. Inextend ko na din ang lugar dito para mas maraming customers ang maacomodate nito. Nagdagdag na din ako ng mga panibagong cakes and doughnuts bilang bagong putahe na matitikman ng mga customers. Sa kagustuhan kong sariling gawa ang lahat ng cakes at doughnuts dito, naghire na din ako ng mga taga bake ko. Nagplano din kasi kami ni Tinay na iiadvertise ito para mas lalong makilal.

"Congratulations Madam!" natutuwang sabi ni Tinay sa akin sabay lapag ng mocha latte sa mesa ko.


"Thank you Tinay!" masaya ko ding tugon sa kaniya.


"Ay naku, huwag mo masyado iistress iyang sarili mo Shangell, nakikita mo ba ok na naman ang takbo ng shop mo!" komento ni Tinay habang busy ako sa pagaasikaso ng mga purchase orders.


"Ayos lang naman Tinay, ilang taon din ako nawala noh, sympre gusto ko din hands on ako dito!"

Ng biglang sumulpot sa pinto si Bryce at si yaya Gina.


"Mommy!" tumtakbong sigaw ni Bryce.


"Pasensiya ka na po ate, ayaw po kasi papigil ni Bryce, gusto niya daw po dumeretso dito at makita kayo!" paliwanag ng yaya.


"Okay lang Gina!" sabi ko naman sa kaniya. "Baby boy bakit mo naman pinapagod si yaya Gina mo, di ba sabi ko sayo you should go home straight, pauwi na din naman ako!" habang pinaupo ko si Bryce sa lap ko.


"Mommy I feel alone at home, you are always busy na kasi!" pagsisimangot nito. May pagka matigas din ang ulo ng batang ito paminsan minsan, iyong pag gusto niya gagawin talaga niya. May pinagmanahan din pala ng ugali ang batang to. At bigla kong naalala si Brant. Tsk!


"Bryce halika I have cake for you magugustuhan mo!" paanyaya naman ni Tinay sa anak ko. Yes she knew that I have a son already, hindi niya lang tinanong kung sino ang ama. Ewan ko kung nahahalata niyang magkamuka sila ni Brant at hindi lang sinsabi sa akin.


"Yehey!" sigaw nito at mabilis na bumababa sa lap ko.


"Bryce magiingat ka, diyos kong bata ka baka madapa ka!" habang hinhabol ni Gina ang anak niya.

Nasa bakanteng table si Bryce at si yaya Gina niya habang kumakain ng ice cream at cake.


"Yaya I want to pee!" sabi ng bata s akaniya.


"Okay, tara!" sagot naman ng yaya.


"I can do it alone yaya, you don't need to come!" naiinis na sabi ni Bryce.

Natawa naman si yaya at pinayagan ang bata magisa na pumunta sa cr. Sinamhan lang niya ito hanggang sa labas. Nagtaka naman si Gina at 20 minutes na nakakalipas di pa din lumalabas ang bata. Ng mapansin niyang tumatakbo na pala si Bryce palayo sa kaniya.

„Hehehe!" pilyong ngiti ni Bryce ng malusutan niya si yaya Gina niya.

Tumatakbo siya ng biglang may nabangga si Bryce na mama. Bahagyang napaupo ang bata sa lakas ng impact ng pagkabangga niya.

Completely Smitten (Brant Cordova) Ep-1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon