Chapter 1. 'The Encounter'

102K 1.6K 29
                                    

Hay naku ang traffic.... 'Peste!' naiinip at  isang oras ng nasa kahabaan ng edsa. 


Ngayon ang interview niya bilang Accountant sa isang tanyag na kompanya sa Pilipinas sa Makati, ang "Cordova Corporation".

Wala siyang masyadong kaibigan sa Manila dahil una probinsyana siya, she's living away from her family in Leyte at pangalawa nagabroad siya kaagad. Sa pitong taon na pakikipagsapalaran niya abroad, nagawa niyang magpatayo ng business na Coffe Shop, pinangalanan niya itong "Break A' Cafe". Dalawang taon na din nagooperate ang business niya sa Manila. Si Tinay, isang mapagkakatiwalaang kaibigan ang tumayong manager ng coffe shop niya. Tulad niya, bread winner din si Tinay, kaya madali niyang nakagaanan ng loob sa nakalipas na panahon. Sa tulong ng business niya, nakapagpundar na din siya ng apartment niya.


Unfortunately, nagtanggalan ang kilalang kompanya na pinapasukan niya sa Nigeria dahil sa magulong eleksiyon. Isa siya sa mga natanggal.  Living in Philippines for 1 year after abroad is not enough for her para matustusan niya ang negosyo niya. Akala niya ok na lahat, di kalaunan humina ang kita ng business niya dahil na din sa mga kakompetensiya sa lugar nila. Aside from the fact na she still have to support her family sa probinsya, itong coffee shop nalang din ang tumutulong sa kaniya para magkaincome. The worst is bigla itong nalugi, nagsialisan na din ang ibang staff niya dahilan sa gipit na din siya paswelduhin sila. It really is breaking her heart na makitang nalugi ang negosyo niya after so many damn years na naginvest siya sa pagpatayo dito. And her apartment, naicollateral na niya ito para sa pangdagdag sa gastos sa coffe shop niya. She has decided na maghanap ng trabaho sa pilipinas. She might not earn much as much as what she's earning abroad pero makakatulong ito para maiahon niya ang business niya sa pagkakalugi neto.


At 31, she's still single. Hindi niya alam kung pinaglalaruan siya ni kupido pero walang nagtatagal sa relasyon niya. Her last realstionship lasted only for 3 months but she's not naive to sex world. Hindi naman daw sya  man hater ngayon. She firmly believes na nasa sulok lang si Mr. Right "NOT" searching for her. Aray! Pero naniniwala talaga siya na "guys do the searching and girls do the waiting" so yes, waste your time waiting. Aniya.













Back to Cordova Company, Shangell is wearing black slacks, white turtled neck, topped with blue blazer para kahit papano formal ang attire niya. Layed back tied long hair without makeup and with thick glasses on. Walang deperensya ang mata niya, it's just that she feels like wearing glasses sometimes and for reading purposes since mahilig siya magbasa. Nasanay nalang din siya.

Sa wakas nakarating din siya sa Cordova Corporation 11 minutes bago mag alas nuwebe ng umaga.

"This is it"  Sigh. Kinakabahan siya papasok sa building. She admit, hate niya ang interviews, she always have this feeling na baka magkamali siya sa mga sagot niya.


At Corodva's Corporation  reception area.

"Good  morning, my name is Shangell Reyes, I have an appointment with Mrs. De la Vega at 9 AM'

Isang babae ang nasa reception, maganda ito, wearing mini skirt corporate attire,at may name tag na Roselle Gibs.  Medyo luwa ang dibdib at may pagkamataray. The lady looked at me from head to toe. And smiled sarcastically.

Anong problema ng babaeng to? Sarap tirisin. Talking to my mind.


"Oh ok, please have a seat Ms. Reyes." Sabay irap at kapagkunway  may tinawagan sa telepono. Kapansin pansin ang mga empleyadang babae na nakaskirt din at halos magkakapareho ang uniform. 


Makalipas ang isang minuto. "Ms. Reyes, you may please proceed to Mr. Cordova's office, 24th floor, first door to your left." Sabay turo sa gitnang elevator.  Nagthank you naman ako, at walang tugon ang hitad na receptionist sa sinabi ko.

Completely Smitten (Brant Cordova) Ep-1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon