Chapter 39. 'Double B'

40.6K 1K 5
                                    

Kinabukasan.

Kinakabahan naman si Shangell habang pauwi na sila ni Brant sa apartment niya. Natigilan siya ng nasa harap na sila ng pintuan niya. 'Its about time na malaman niya!'


"Hey, is something wrong?" takang tanong ni Brant sa akin.


"Uhm no Brant! Pasok na tayo!" aya ko sa kaniya.

Sabay naman kaming pumasok sa loob at nadatnan ko si Gina na naghuhugas sa kusina.


"Gina!" sabay hawak ko sa balikat niya.


"Ay kabayo!" gulat na napalingon si Gina bigla. "Maam? Diyos ko maam, kahapon pa po kayo hinahanap ni Bryce!" anito. "Nasa kwarto po siya!"

Oo nga pala. Dalawang araw din siya nawala dahil hindi niya din alam kung saan siya dinala ni Brant. And to fill up the chances they both missed for 5 years, they made love a couple of times in that two days. Ang mahalaga naman ngayon maayos na sila ni Brant at kailangan malaman na nito ang totoo.


"Sige Gina maiwan ka na muna namin dito!" sabay talikod sa kaniya.


"Sir? Di ba ikaw yung mama na nabangga ni Bryce sa cafe noong isang araw? Ano po ginagawa niya dito maam?" usisang tanong nito habang nakatingin kay Brant.


"Hi Gina, ako nga pala ang boyfriend ng maam Shangell mo!" nakangiti nitong sagot sa yaya.


"Hala, ang saya naman po, bagay na bagay po kayo ni maam, saka kamukha niyo po talaga si Bryce!" sunod sunod na tugon nito.


"Bryce?" takang tanong ni Brant na nakatingin ngayon kay Shangell.


"Ah Gina, akyat na muna kami!" at hinila ko si Brant paakyat patungo sa kwarto ni Bryce.

'This is it!' I hope everything will turn out fine!

Tulog si Bryce ng maabutan namin ni Brant. 'My poor baby!' Umupo ako sa gilid niya habang hinahaplos ang kaniyang buhok.


"B-Brant! This is Bryce your son!" pagbubunyag ko sa kaniya.

Tigagal namang nakanganga lang si Brant sa naibunyag ni Shangell. Hindi siya makapaniwala.


"My s-son?" gulat na tanong niya. "H-how?"

Humugot naman ng malalim na hininga si Shangell at pinaliwanag ang lahat ng nangyari limang taon na ang nakakaraan. Kwenento din niya kung paano siya nakipagpalaran sa Nigeria magisa at kung paano niya binuhay si Bryce magisa. Buti nalang sa gitna ng laban niya sa buhay sa ibang bansa, hindi siya iniwan ni Kiel.

Matagal bago nagsink in sa utak ni Brant ang sinabi niyang iyon sa kaniya. All this time, ang lukso ng dugong nananalatay sa kaniya ng mahawakan niya ang bata ay totoo pala...dahil siya ang ama ni Bryce.

Bigla namang napaluha si Brant at lumapit sa kinahihigaan ni Bryce. Hinaplos haplos niya ang mukha nito habang naluluha. Hindi niya masisi si Shangell sa pagtatago nito sa anak niya, he hurt her the most for sending her away kaya siguro hindi nito sinabi sa kaniya ang tungkol kay Bryce. At ngayon...here he is with the two most beautiful people God gave him kahit sobra sobra niyang nasaktan ang dalaga noon. HIndi niya maipaliwanag ang kasiyahang nararamdaman ngayon. Siya na ata ang pinakamsayang lalaki sa buong mundo dahil nakabuo pala siya ng pamilya sa babaeng pinakamamahal niya buong buhay niya.

Completely Smitten (Brant Cordova) Ep-1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon