● Kabanata I

45 1 0
                                    

Kabanata I.

Inom.

Pagsisisi. Ito yung naramdaman ko nang minsang pinakawalan kita. Pinakawalan na sa akalang babalik ka pa, na pwede pa. Mga panahong sinayang ko. Mga panahong litong lito ako. Mga panahong mas nagpadala ako sa takot. Takot na pareho lang kayong mga lalaki, na nasasaktan lang kaming babae. Na pampalipas oras lang kami na hindi niyo kami kayang seryusohin.

Takot na darating yung araw na magsasawa kayo at maghahanap ng iba. Takot kasi ayaw kung maging kagaya ako sa mga kaibigan ko na umiiyak ng dahil ginago sila ng taong mahal nila.Oo naduwag at duwag ako hanggang ngayon. Na sana pinaglaban kita na sana pinaglaban ko kung may anong meron tayo.

Sana pinili na lang kita pero nagpakaduwag ako. Hindi ko sinasadya, gusto kita pero hindi ko masabi. Gustong gusto kita pero sinayang ko lang yung pag-ibig na inalay mo.

Sorry.

Mga salitang gusto kung sabihin sayo pero hindi ko magawa. Sorry kasi sinayang ko ang pagkakataon na masaya tayo ngayon. Sorry kasi nagpakaduwag ako. Sorry kasi pinili kung huwag kang piliin. Sana mapatawad mo ako sa pagkakamali ko. Sana mayroon pang tayo? Mayroon pa ba? May pagmamahal pa bang natitira? Kasi ako ni isang segundo ng buhay ko hindi ko nalimutang mahal kita. Na kahit may gustong palitan ka sa buhay ko hindi ko kaya kasi ikaw lang ang nag-iisang laman nito.

Sana ganoon din ako sayo.

Bumalik ako sa ulirat ng biglang sumigaw ang chief engineer namin.

"Junior Engineers ano pang tinutunga-tunganga nyo diyan?! Back to work! Faster!" Sigaw ng Chief Engineer ng firm na pinapasukan ko.

Hindi ko ding na malayang umiiyak na pala ako. Haha! Bakit ka umiiyak Kate? Ikaw yung nagtaboy, tapos iiyak-iyak ka?

Maraming alaalang rumargasa sa aking isip. Mga alaalang pilit na bumabalik sa nakalipas na limang taon. Mga alaalang pinagsaluhan naming dalawa. May pinagsaluhan nga ba? Kontra nang aking isip.

Nakakamiss ang mga panahong mga iyon. Minsan tinatanong ko yung sarili ko na masaya kaya siya? Nakalimutan na niya kaya ako? Siguro nakalimutan na niya ako at masaya na siya sa piling ng iba. Sino nga ba naman ako? Ako lang naman ang nagpakaduwag na huwag piliin siya.

Haaay. Huwag ko na nga munang isipin yan nalulungkot tuloy ako. Haha... Sabay tawa ng peke at pinahid ang mga butil ng luha sa aking mukha.

Pinilig ko ang ulo ko para maalis yung thoughts ko sa kanya.

Nakamove-on na ako.

Pero sino bang tanga ang maloloko? Kundi ang sarili ko lamang. Yung ibang tao maloloko ko na nakamove on na ako sa kanya pero sa yung sarili ko hindi.

Mahal pa talaga kita Bryce Sandoval. Mahal ka pa rin hanggang ngayon ni Katelyn Perez.

"Miss Perez, I said back to work. Ano pang tinutunganga mo diyan?" asik niya sa akin.

"Y-yes sir at sorry po." Paghingi ko nang paumanhin sa kanya at bumalik na ako sa aking pagtatrabaho.

Pagkaalis ni sir ay pumunta agad sa desk ko si Maggie. Beastfriend ko. Bestfriend pala.

"Ang sungit talaga ng boss natin ano Kate." Sabi ni Maggie na kapwa kung Junior Engineer.

"Hah? Ah eh oo Mags." Wala sa huwisyo kung sabi.

"Back to work na lang tayo at pagnakita tayo uli ni sir Vargas, naku naku tiyak puputak na naman yung matandang yun. Haha matanda na kasi." Bungisngis niya.

"Haha. Sinabi mo pa." Nahalata siguro ni Maggie yung pagka walang gana ko kaya bumalik na lang siya sa desk niya at nagpapasalamat ako doon.

*
Bumalik ako sa pagpaplano ng isa sa mga blueprint na kakailanganin next week. Isa ako sa sampung napili na magdisenyo at ang laking break nito sa aking karera.

Back For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon