● Kabanata X

17 0 0
                                    

Kabanata X.

Proud.

Pagkatapos kung i-confess sa mga kaibigan ko yung pagkakaroon ko ng pakakagusto kay Bryce ay palagi na lang nila ako tinutukso pag nagkakasalubong kami.

Kesyo dalaga na daw ako. Kesyo pumapag-ibig na ako at marami pang iba. Kasalan ko bang no boyfriend since birth ako at ngayon lang nag ka crush?! Hindi naman ah!

Ito yung mahirap na part eh! Kahit gaano mo itago, mabubunyag at mabubunyag pa din yung sikreto mo. Kasalanan ko naman.

Sana hindi ko na lang sinabi. Sana hindi ko na lang inamin pero may magandang side naman kasi may masasabihan na akong mga kaganapan sa buhay ko.

Ayaw ko na mang mag sinungaling sa kanila pero ay bahala na nga.

Noong araw na inamin ko na may gusto ako kay Bryce ay nakakagaan ng feeling. Yung feeling na yung bigat sa nararamdamn mo ay na lift up ganoon.

Bawat araw ang nagdaan ay nadagdagan yung pagkagusto ko sa kanya.

"Ayun yung crush mo Kate oh!" Sabay turo ni Mika kay Bryce.

Hay nako! Nakikita ko naman eh. Bakit kailangang pang ituro?

"Nakikita ko Miks. Wag mu nang ituro kasi baka mahalata niyang pinag-uusapan natin siya." Kumpronta ko.

"Eh siya naman talaga yung pinag-uusapan natin eh. Haha! Namumula ka na nga eh. Tumingin lang dito eh!" Tukso niya pa.

Kaloka! Bakit kailangang sabihin na namumula ako? At bakit malakas pa?

"Hussh! Manahimik ka nga Miks. Pag-ito na laman niya, nako nako magtago kana dahil hahuntingin talaga kita."

"Hahaha! Ito naman hindi na mabiro."

Nang matapos na ang vacant namin ay pumasok na kami sa susunod na klase. Hindi magkatabi ngayon yung rooms namin. Hindi ko siya makikita.

*
Graduation na ng mga seniors namin kaya kami ay may moving up ngayon.

Hinanap ko sa programme yung pangalan niya at hindi na ako na shocked kasi andun yung pangalan niya. He's on the top.

Hindi na ako nagulat kasi matalino siya kaya yakang yaka niya lang makapasok sa honor roll.

Ang unreachable niya. Matalino siya, average lang ako. Talentado siya ako? Wala. Haaay! Parang ayaw talaga ni destiny sa amin.

Nakahalumbaba ako ng makita ko siya na may kasamang iba. Nadurog yung puso ko dahil sa aking nakikita.

Ang sakit pero wala akong karapatan. Tsk! Umiwas ako ng tingin para hindi lalong sumakit yung puso ko.

Lintek naman kasi. Bakit pa ako nagkagusto sa isang tao na hindi niya akong kayang magustuhan?

Anong bang mali sa akin? Inaamin kung simple lang akong babae. Walang kolorete sa mukha, hindi maarte at medyo kagandahan. Pero bakit bokya?

Hindi na ako aasa pa sa kanya. Minsan umaasa tayo kasi akala natin gusto din tayo ng taong gusto natin.

Habang nasa kalagitnaan na nang graduation ay hindi ko namalayang na sa tabi ko na pala siya.

Na freeze ang buong katawan ko. Siraulong palaka naman oo. Hagardo versoza yung mukha ko at oily pa. Pero wala akong pakealam. Mag momove on na nga ako e.

Wala naman akong pag-asa sa kanya kaya wala akong pake kung taong dugyot na yung mukha ko.

Wag kang mapapaepekto Katelyn. Tandaan mo yan! Mapaghahalataan kang may gusto sa kanya. Kasi meron naman.

Back For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon