● Kabanata XX

19 0 0
                                    

Kabanata XX.

Finally.




Pinakawalan ko ang isang malalim na buntong hininga ng makapasok kami. Andito kami ngayon sa lobby ng kompanyang opisina sa top floor na pinag mamayarian ng bagong balik na si Mr. Bryce Sandoval. Tagatak ang pawis na naiiproduce ko sa bawat pag patak ng oras---- nakakapanhina ng tuhod. Kahit na binibiro ako ni Drake ay hindi iyon na katulong para maibsan kahit kunti ang kaba ko.


Ngayong araw na ito ay makikita ko na ulit ang ama ng mga anak ko---- at ang taong minahal ko.



Kinagabihan ay hindi ako makatulog ng maayos dahil sa napipintong pagkikita naming ngayon. Nang magising ako kanina ay dalawang kilong eyebags ang nadagdag sa una kung pinuhunan. Tinukso pa ako kanina ni Kiel na "walking zombie" daw ako. Binatukan ko nga kaya yun nag alburoto. Galitin niya lang ang taong lasing, wag lang sa taong bagong gising.





"Kate tulala ka diyan." Winagayway niya pa ang kanyang kamay sa tapat ng aking mukha. Pinitik ko ang noo niya dahil doon.




"May iniisip lang." Totoo naman talaga na may iniisip ako, kung papano ang una kung sentence mamaya.




Habang wala pa ang CEO ay inireview ko ang presentasyon ko para mamaya. Pagkatapos kung ma review ay tiningnan ko ang kontrata kung nadala ko ba o wala. Sa kabutihang palad ay nadala ko ito.




Pinuntahan kami ng kanyang sekretarya na sobrang seksi at pinapasok kami sa isang silid. Malawak ito at napakalinis. May roon ring isang mahabang mesa at may napakalibot na mga upuan na komportable. Mayroong ding malaking LED na siyang gagamitin namin para mamaya. Sa dulo ng mesa ay may isang upuan na uupuan ng CEO. Ang sobrang yaman niya.




Naamaze pa din ako ng biglang magsalita ang kanyang sekretarya.





"Excuse me, you can now used the room for you to prepare your presentation for Mr. Sandoval. And oh he'll be there in 20 minutes." Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya sa room na iniukopado namin ni Drake.





Huminga ako ng malalim at kinuha sa aking balikat ang laptop na naglalaman ng aming presentasyon. Si Drake naman ay inuumpisahan na ang pagpapagana ng projector. Iniopen ko ang aking laptop at hinintay na umilaw ito. Hindi naman ako gaanong naghintay.





Pagkabukas ng pagkabukas ko ng laptop ko ay bumungad agad ang picture naming tatlo. Kahit ayaw kung palitan ay pinalitan ko ito para hindi niya iyon makita.





Inaamin ko noong una ay gusto kung bumalik siya sa akin----- para sa anak niya pero ng makita ko ang headlines at tanong ng mga reporters sa kanya pagbabalik kahapon ay pinanghinaan na ako ng loob. Anong laban ko doon sa babaeng nagngangalang Amanda Wilson na yun. Isa siya sa mga may matanyag na pangalan sa larangan ng showbiz at modeling. Ang ama niya ang isa sa mga kompanyang pinagkukuhanan namin ng mga mataas na kwalidad na mga materyales. Malaking pangalan ang apelyidong Wilson at napakahirap nilang banggain. Dahil na din sa kuryusidad ko ay kinilala ko ang babaeng na lilink sa kanya. Inistalk ko siya kahit saang sites na may related sa kanya.






Ayon sa nakalap ko ay isa siya sa mga brand ambassador ng Unicef para sa mga batang inaabuso at minamaltrato. Isa din siya sa mga respetadong tao sa mundo ng modelling. Noong bata pa siya ay mahilig itong sumali sa mga aktibidadis ng kanyang school at sa bawat pakikilahok niya ay may iniuuwi siyang mga medalya.



Lingid sa kaalaman ng karamihan ay isa din siyang successful neurologist nasa amerika pa nakapagtapos. Maraming nag aalok na magagandang kompanya sa kanya sa America pero tinangihan niya lamang ito. Gusto niyang maging modelo at tutukan ang relasyon nila ni Bryce sabi niya sa isa sa mga naging interviews niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Back For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon