● Kabanata V

9 0 0
                                    

Kabanata V.

Papa

Kinabukasan maaga akong pumasok sa trabaho. Excited na may halong kaba yung nararamdaman ko ngayon.

Sa araw na to malalaman namin kung sinu-sino bang mga disenyo ang makukuha.

Iilan pa lamang ang nadatnan ko sa loob.

"Magandang umaga po." Sabay ngiti ko sa kanila.

"Maganda ka pa sa umaga Kate." Biro ng isa kung kaempleyado.

"Binibiro nyo naman po ako eh! Baka maniwala po ako diyan." Banat ko pa.

"Kate, sana makuha yung dinisenyo mo." Engr. Villega.

"Sana nga po Engr."

Pumunta ako sa desk ko para ilagay ang mga gamit ko. Habang inaayos ko ay tumawag si Mama.

"Hello ma." Sagot ko sa kabilang linya.

"Hello Kate."

"Napatawag ho kayo ma? May nangyari po bang masama? Okay lang ba kayo ni papa? Okay lang po ba sila?"

Bigla akong kinabahan nang hindi pa sumasagot si mama sa kabilang linya. Ayaw ko maging nega pero baka ngang may nangyaring masama sa kanila ni papa.

Nagkastroke kasi siya noong nakaraang taon. Sana hindi maulit! Pangalawang beses na.

"Hah? Anu ulit yun Kate? Hindi ko marinig kasi mahina signal re ni."

"May nangyari ba hong masama kay papa ma? Okay lang po ba sila diyan?Napatawag ko kasi kayo." Pagpapanic ko.

Kahit na may alitan ako kay papa noong umalis ako sa puder nila ay ayaw ko siyang mawala. Kahit na ako yung dahilan kung bakit siya na stroke nakaraang apat na taon.

"Ah! Wala naman anak.  Nangangamusta lang. Kamusta kana riyan?"

Napabuga na lamang ako ng hangin nang mapagtanto kung walang masamang nangyari.

"Okay na po ako dito ma. Huwag po kayong mag-alala. Iniinom ba ni papa yung mga gamot niya? Iniinom po ba ni Matthew yung mga gamot niya? Sila Kiel po?" Tanong ko pa.

"Mabuti kung ganoon. Hah? Oo iniinom niya. Kahit na nagtatampo yun sayo, ayaw niya namang mag-alala ka. Hindi ka ba nahihirapan di ra?"

Nagkatampuhan kami ni papa ng minsang sinabi ko sa kanya naluluwas ako ng Maynila. Ayaw na ayaw niyang lumuwas ako kasi okay naman yung trabaho ko doon. Pero pinlit ko kaya sguro hindi kinaya ng puso niya kaya na stroke siya.

Para naman sa kanila ang ginagawa ko ngayon. Kahit na may kaya ang pamilya namin sa Iloilo ay gusto ko pa ring may mapatunayan sa kanila. Na kaya kung tumayo sa sarili kung mga paa. Maraming kailangang gamot sila Matt at papa.

"Hindi naman po ma. Sa makalawa po ako magpapadala ng pera ma. Ititext ko na lang po pag napadala ko na."

"Salamat Kate. Pero anak malaki naman ang kita ng factory kaya umuwi kana di ne sa Iloilo. Hindi naman kailangan ng pera anak, para sa iyo yung pera. Iyo na yan." Nagmamakaawang tinig niya.

Ayaw ko. Para sa kanila ito. Ayaw ko mang makitang nahihirapan si mama pero kailangan kung sundin kung anu ang gusto ko. Nakakasakal na kasi ang pagiging istrikto nila. Para sa kanila yung paghihirap ko.

Hindi man ako nagrereklamo pero yun talaga ang nararamdaman ko. Hindi ko lang masabi kasi ayaw kung maging dahilan ulit na mastroke si papa. Ayaw ko nang mangyari yun.

"Ma, alam mo namang mahal ko yung trabaho ko at masaya ako dito. Ma pabigyan niyo naman po ako, kahit ito man lang. Tanggapin niyo na ma. Alam ko namang malaki yung kinikita ng factory pero tanggapin niyo na please. Marami pong gastusin po diyan sa bahay. Sa tuition ng mga kapatid ko, kela Mat." Pagmamakaawa ko din sa kanya.

Back For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon