● Kabanata XIV

17 0 0
                                    

Kabanata XIV.

Gowns.

Pagkatapos kung sabihin ang yes sa buong madla ay yinakap niya ako.
Yinakap ko din siya pabalik.

Simula ng harana session na ginawa niya noong nakaraang linggo ay naging magka textmate na ulit kami. Magkasamang umuuwi. Iisang way lang naman yung daan at magkasamang kumain ng lunch. Nagtatampo na nga yung mga kaibigan ko kasi wala na daw akong time sa kanila. Sus! Wag kayong maniwala dun, kasi palagi naman kaming magkasama sa loob ng classroom.

Wala na talaga akong mahihingi pa kasi yung hinahangad ko ay na sa akin na. Akin na siya at ako ay sa kanya. Pero wala pang commitment. Sinabi niyang gusto niya ako pero wala pa kaming lebel.

Walang mapaglagayan yung mga ngiti ko at parang na sa cloud nine na ako, natutulog feeling. Paulit ulit nagrereplay sa utak ko yung nangyari at masasabi kung mahal na mahal ko na siya. Walang duda!

Ninanamnam ko ang mga sandaling masaya ako nang bigla akong natisod sa batuhan.

"Aray." Tiningnan ko ang tuhod ko baka may sugat. Pagkatingin ko dito ay masugat nga. Tanga mo talaga Kate. Hayts!

Sinubukan kung tumayo pero sumasakit yung tuhod ko. Tumingin ako sa paligud kung may kakilala ba akong makakatulung sa akin. Pinalibot ko ang mata ko para humanap ng tao na makapagpapatayo sa akin. Mabuti na lang talaga at may nakita akong anak-anakan ko sa first year.

"Psst!" Tawag ko kay Gelu. Nanay niya raw ako kasi nga kaclose ko siya. Umuoo na lang ako sa kalokohan niya kasi hindi din naman ako makakahindi sa kanya.

Tinawag ko ulit siya at mabuti na lang ay tumingin siya sa akin. Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin.

"Nak pwede mo ba akong tulungan?" Nahihiya kung sabi sa kanya.

"Okay nanay." Masaya niyang sabi. Inilahad niya ang kanyang kanang kamay at kumapit ako doon para sa pangsuporta. Umakbay ako sa kanyang balikat. Hindi ako nagpapabigat kasi maliit lang yung anak-anakan ko kaya nakakahiya pag sumandal ako ng todo. Sinabi ko din sa kanya na sa may bench malapit sa Narra niya ako dalhin.

Naiilang ako sa sobrang tahimik kaya tinanong ko siya.

"Nak wala ka na bang klase?"

"Ah meron pa po. Vacant ko po ngayon eh. Bakit po 'nay?"

"Ah. Anung subject ba yan?" Tanong ko ulit kasi malayo layo pa yung lalakarin namin.

"Math po. Kilala niyo po ba si Maam Tingo? Yun po kasi yung teacher namin eh." Kamot kamot niya ng kanyang ulo.

"Hah? Oo. Magaling magturo si maam. Mataas yung marka ko sakanya." Ngiti kung tipid sa kanya.

"Oo nga po eh. Ay 'nay andito na po tayo." Sabay paupo niya sa akin sa isang bench. "Okay na po ba kayo dito? May kailangan pa po kasi akung puntahan eh. Sasabihan ko lang po si tatay." Ngumiti siya na siyang nagtataka ako.

"Oo. Salamat nak a. Sorry din sa istorbo. Ingat ka." Sabi ko sakanya. "Teka, tatay? Sino?"

"Si tatay Bryce po." Ngiti ngiti niya. Napatahimik naman ako sa sinabi niya. Nagpaalam uli siya sa akin ng di ko namamalayan.

Pagkatapos niyang umuoo sa akin ay umalis agad siya. Kinuha ko ang bag ko na nakapatong sa lamesa at hinalukat ko ito.

"Asan na ba yun?" Mahina kung tanong sa aking sarili.

Hanap ng hanap ako ng band-aid sa aking wallet, bulsa ng bag at kung saan saan pa ng may naglagay na pala nito sa akin.

"Bye-bye boo boo." Sabay kiss ng band-aid sa aking sugat. Tumingala siya sa akin na may mga ngiti sa kanyang labi.

"P-paano?" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng magsalita siya.

"Pinuntahan ako ni Gelu at sinabing may sugat ka daw sa tuhod kaya bumili ako ng band-aid." Ngumiti siya ulit na nagpagunaw ng mundo ko.

"Sige. Mauna na ako, may klase pa eh." Saby turo sa kanyang mga kaibigan sa kanyang likod. Nahiya naman kasi ako kasi inuna niya pa talaga ako. "Binilhan lang talaga kita ng bandaid para diyan sa sugat mo." Ngiti niya uli.

Umalis na siya ng hindi man lang ako nakapagreact. Ngumiti na lamang ako ng pagkatamis tamis dahil sa ginawa niya. Ang swerte swerte ko talaga sa kanya.

Nawala ako sa pag-iimagin ng biglang magtext si Wela.

From: Bff Wela

Bes. Fitting mamaya ah. Pagkatapos ng klase. Baka mawala ka na naman mamaya eh.

Natutup ko na lamang ang aking noo ng maalala ko kung bakit kami mag fi-fitting. Oo nga pala, nakalimutan ko na 3 days from now ay prom na namin.

Last prom na namin to kaya pinaghandaan talaga namin itong apat. Pupunta kami mamaya sa shop nila tita ni Irish para mag fit ng mga gowns.

Excited ako na kinakabahan kasi first time kung may ka date na pupunta sa prom. Noong nakaraan kasi ako lang sa apat kaming magkaibigan na walang kasakasamang date. Okay lang sa akin noon kasi wala pa naman akong interes kasi wala pa doon si Bryce pero ngayon meron na ako at si Bryce pa. Hihi.





*
Labasan na at andito kami ngayon sa little baguio ng school dahil may kukunin pa daw na files si Wela at Mika sa Org nila.

Hindi naman kami gaanong naghintay ni Irish sa dalawa kaya nakaalis din kami ng maaga.

Pagkadating namin doon ay ang raming costumers na nanay na pinafollow up yung mga gowns na pinagawa din nila sa tita ni Ish. Hindi magkadaugaga ang mga trabahador ni tita dahil sa dami ng nagpapatahi.

Kilala kasi si tita dito sa bayan namin. Kaya maraming gustong magpatahi sa kanya kasi ang pulido niya kung makapagawa.

"Tita." Sigaw ni Ish sa kay Tita Mercy at yinakap ito. Ngumiti naman kaming tatlo sa kanya.

"Tapos na po ba?"

"Oo. Kanina ko lang natapos Isha." Ngiti ni tita. Kinabahan nga kami kanina habang papunta dito baka kasi hindi pa natatapos dahil andami ngang nagpapagawa dito para din sa prom.

"Thank you tita." We said in unison. "The best ka talaga." Sabi ko pa sabay thumbs up.

Tinuro sa amin ni tita kung saan ang fitting room. Pagkapasok ko doon ay sinukat ko agad ang gown.

Tiningnan ko ang repleksyon ko salamin. Napa O na lamang ang bibig ko kasi ang ganda. Ang ganda ng pagkatabas at pagkalagay ng mga palamuti.

Ang kulay na napili ko ay red. Isa siyang long gown. Turle neck ito at hanggang kamay ko ito kung baga parang long sleeves siya. Kulay red siya sa taas at pababa siya ay nagiging color brown to white siya. Basta ang hirap iexplain. Ang ganda ganda talaga. May mga diyamante siya na makikita sa lahat ng gown. Hanggang tuhod ang open sa unahang bahagi. Panigurado pagnadaanan ng ilaw o liwanag to para tagala itong tutoong diyamante.

Pagkatapos kung isukat ang damit ay lumabas agad ako at nakita ko yung mga bff's ko na may mga ngiti sa mukha.

"Sayo Kate. Okay na ba? Wala na bang iaadjust?" Tanong ni tita.

Yinakap ko na lamang siya at kiniss sa pisngi. Parang nanay na namin kasi siya kaya okay lang humalik at yumakap sa kanya.

"Opo tita. Ang ganda po ng pagkakagawa niyo. Da best talaga." Puri ko sa kanya.

"Etong bata talagang ito. Okay lang yun at wag na kayong magbayad. Regalo ko na sa inyo yan."

"Totoo po tita? Thank you." Yinakap namin siyang apat at kiniss.

Back For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon