● Kabanata IX

11 0 0
                                    

This chapter is a flashback chapter. Yung mga naka italicized na words ay past o nakaraan ng nangyari.

Mga 3 to 5 chapters po yung flashbacks. Sana pagtiyagaan niyo gaya ng pagtiya-tiyaga kung isulat ito.

Maraming Salamat 😀
-

Kabanata IX.

Gustong gusto.

Andito kami ngayong tatlo sa may sala. Atat na atat sila malaman kung bakit DAW hindi ako nagkakaboyfriend or nakikipag flirt gaya nila. Ayaw ko na kasing masaktan at ayaw ko na ring saktan yung papa ko. Tama na yung isang pagkakamali. Kontento na ako sa piling ng mga mahal ko sa buhay.

"Spill it Kate. Bilis!" Atat na atat ni Mags na sabi.

"Gusto kung walang magtatanong at wag magsasalita pag nag kukwento ako in short huwag epal. Okay ba?"

"Okayyyy."

"So here it goes."

Flashback way back 2010.

Ordinaryong babae lamang ako. Nangangarap na makatapos at mabigyan ng isang magandang buhay ang pamilya ko. Third year high school student ako sa paaralan ko ngayon.

First day nang school at makikita ko ulit ang mga kaklase ko. Namiss ko sila sa totoo lang. Sino naman hindi mamimiss sa kanila? Dalawang buwan lang naman ang summer vacation kaya miss na miss ko na ang mga kaklase ko.

Pagkapasok ko sa gate ng school ay ngumiti ako kaagad sa guard namin, si Mang Boy.

"Magandang umaga po mang boy." Ngiti ko sa kanya.

Tinanguan lamang ako. Snobero kasi talaga yung guard namin kaya okay lang kahit tango lang mas masakit ang hindi ka man lang pinansin. Sayang effort sa pagbati!

Hinda na ako nagpatumpik tumpik at tumakbo ako papuntang quadrangle ng school. Hapong hapo ako dahil sa pagkakatakbo ko.

Maraming bumabati sa aking lower years at ngingitian ko lang sila as a sign of recognition.

Malapit na ang flag ceremony pero yung mga kaklase ko ay wala pa din. First day of school pero late sila. Wala pa ring pinagbago. Tsk!

Kahit na bagot na bagot ay hinintay ko sila. Habang nauubos ang minuto para mag-umpisa ang flag ceremony ay nagsisidatingan na sila.

"Mika, Irish, Wela namiss ko kayoooo!" Sigaw ko sa kanila.

Sa sobrang lakas kung sumigaw ay tinakpan nila yung mga tenga nila. Sus! Di na sila nasanay . Haha!

"Kung makatakip ng tenga akala mo namang ang lakas ng boses ko eh hindi naman. Haha" patawa tawa ko sa kanila.

"Hindi daw malakas, eh pinagtitinginan ka na nga kanina ng mga lower years at mga teachers eh." segunda ni Mika.

Napakamot na lang ako ng batok at ngumiti na nahihiya sa kanila.

"Ganun ba? Hayaan mo sila. Haha" sagot ko.

Pinatahimik na kami kasi mag-uumpisa na ang flag ceremony. Nakakamiss yung mga bestfriends ko. Hmm.

Dumaan ang ilang araw, linggo at buwan sa akin. Minsan nakakatamad pumasok minsan naman gagawa ng kalokohan. Nag cut kaming apat dahil tinatamad kami pumasok. Gusto kung samantalahin ang pagiging bata ko.

Isang araw habang papunta ako sa isa kung klase mayroong nakaagaw ng atensyon ko.

Chinito, makinis na mukha, maputi at balingkinitan ang katawan. Sino nga ba to? Nag isip ako kung sino ang pangalan niya.

Back For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon