● Kabanata XVI

8 0 0
                                    

XVI.

Be Strong

Present Day

"End of story." Pagtatapos ko ng istorya ko. Tumingin sila sa akin ng hindi ka panipaniwala.

"OH MY GOSH ATENGG!! Ang sweet ni Bryce." Duet nila. Tinakpak ko ang aking tenga dahil sa lakas ng boses nila.

"Hinaan niyo nga yung pagbubunganga niyo." Saway ko sa kanila.

"So bakit kayo pinaghiwalay?" Tanong ni Maggie.

Ayaw ko sanang sabihin dahil na din sa nasasaktan ako pero wala to sa naranasan ko ng wala siya. Naghihintay sila sa sabihin ko kaya sasabihin ko sa kanila. Alam kung mapagkakatiwalaan ko sila.

"Because of my parents. Tinago namin yung relasyon namin kasi ayaw nila mama at papa. Nagtanan kaming dalawa pero ng sa mga sumunod na araw natuntun din kami nila papa. Pinaghiwalay nila kami pero pinaglaban ko yung nararamdaman ko sa kanya pero hindi sapat yon. Hindi ko na siya nakita mula noon." May luhang nagbabadyang mahulog sa mata ko pero maagap ko iyong inalis. Ayaw kung makita nila akong mahina.

"So-sorry ateng." ani ni Maggie.

"Okay lang Mags. Tapos na yun."

"Bakit ayaw nila sa kanya ateng? Nagmula ba siya sa masamang pamilya?" bumaling ako kay mamang.

"Nope. Hindi siya nanggaling sa masamang pamilya. Katunayan ay ang babait ng pamilya nila." Sagot ko.

May itatanong pa sana si mamang ng may tumawag sa akin. Tiningnan ko ang nakarehistrong pangalan sa aking telepono at nakita kung isa sa mga kapatid ko iyon, si Kiel. Bigla naman ako initake ng kaba dahil dis oras nang gabi ay tumatawag pa siya.

Kinuha ko ang telepono ko at inislide.

"Hello ma." Tanong ko. Kinakabahan talaga ako dahil sa mga posibleng dalang balita ni Kiel.

"Ate."

"Anong nangyayari diyan Kiel? bakit?" Nagpapanik na talaga ako. Nakita ko sila Mags at mamang na tumingin sa akin.

"Ate, si Matthew inaatake naman. Andito kami ngayon sa ospital." Sabi ni Kiel. Naririnig ko sa background ang iyak.

"Mom-mommy si Bryle." Humihikbi sa kabilang linya.

"Kiel! Anong nangyayari?" Umiyak na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pumunta si Mags sa akin at pinapatahan ako. Hindi ko pa masabi sa kanila dahil sa kaba ko.

"Please sabihin mo sa akin." Hikbi kung pagsusumamo.

"Ate. Hindi ko din alam. Matutulog na sana kami ng biglang umiyak si Calisa. Pumunta kami sa kwarto nila at binuhat ko siya papuntang ospital."

"Shit!" napamura ako ng todo dahil wala ako doon sa tabi nila.

"Kiel pwede ibigay kay Calisa yung phone. Gusto ko makausap yung anak ko." Narinig ko yung hikbi ng anak ko kaya mas lalo akong umiyak.

"Mommy! Mommy!" Napahawak na lamang ako sa aking bibig dahil wala ako sa oras na kailangan nila ng isang ina. Anong klase akong magulang?

"Baby everythings gonna be all right. Hush! Please baby, kuya will be okay. Hush baby!" pag-aalo ko sa kanya. Kahit ako sinasabi kung okay lang yung anak ko.

"Baby ibalik k okay kuya mo Kiel yung phone."

"Ate."

"Nasaan sila mama? Andiyan ba sila? Pwede makausap?

"Hello anak. Anak itatransfer diyan si Matthew sabi ng doctor sa St. Lukes. Inaasikaso na naming yung pagtatransfer diyan." Sabi ni mama.

Alam kung mahal na mahal ni mama ang mga apo niya kahit na nagkasala ako sa kanila. Nagpapasalamat ako doon.

Back For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon