● Kabanata XVIX

5 0 0
                                    

Kabanata XVIX.

Mothers Day.

Tanghali na akong magising ngayong araw dahil na din sa pagod na dinanas ko kahapon. Kahit napagod ako hindi ko naman masisi ang mga anak ko dahil yung araw na yun ay isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko at alam kung hindi lang 'to ang isa sa mga araw na masaya kung hindi sa mga susunod pa.

Makailang beses din kaming naglibot dahil sa gusto ng dalawa. Hindi naman kami maka hindi dahil minsan lang kung makaenjoy kaya nilusbuslubos na namin kahit sa maiksing panahon lang.

Isang oras lang din ang ginugul namin sa pagkain ng pananghalian dahil sa pagmamadali nilang makaalis para makalibot kami uli. Napuno na nga ang camera ko sa larawang kinunan namin buong hapon. Ipiprint ko ito at ilalagay sa album pero bibili pa ako muna nun.

Isang malaking bahagi din para sa amin nila ateng at mamang ang makapamasyal kahapon lalong lalo na para sa amin ni Maggie para pampatagal ng stress. Supposedly this week namin mamimeet yung clients namin pero kinasel nila kaya next week na namin sila maimeet.

Biglang namuhay ang kaba na pilit kung binubura sa makalipas na araw. Mistulang kabayo kung magrigudon ito sa pagdagundong. Ilang taon na din pala ang nakakalipas.

Limang taon na uhaw sa pag ibig niya. Pagmamahal niyang kasing tampang ng kape pero ako na isang duwag at nagpakatanga ipinagsawalang bahala iyon. Sa mga panahong minsan kami ay naging masaya ay nag mistulang kulay burok ang aking mga pisngi sa mga alaalang pinagsaluhan. Kahit na pilit kung limutin ang mga nagdaan hindi ko kaya. Hindi ko kaya na ibasura na lang ang kasiyahan na namumutawi sa aking kaloob looban.


Ilang araw ko na rin hinahanda yung sarili kung saka sakali man na siya nga talaga si Bryce Sandoval ang lalaking minahal ko ng lubos. Pero habang nalalapit ang pagkikita namin ay mas lalong bumababa ang kumpyansa ko sa aking sarili. Ang paghahanda na ginagawa ko ay parang isang yelo na unti unting natutunaw pag naiinitan, ganito ang nararamdaman ko. Kung siya nga naman talaga ang lalaking may pangalang Bryce Sandoval na nakakuha ng pinagkasunduang desinsyo ay wala na akong magagawa. Being professional is one way to face him. So be it.


"Mommy pwede ba kaming pumasok?" Nakasilip sa pintuan si Matthew habang nagsasalita. Hindi na gaanong maputla ang kanyang labi at kumukulay pink na ito. Bumabalik na din ang kulay niya.

"Yes baby. Bakit naman hindi?" Nagtataka akong tumingin sa kanila ni Calisa dahil kung minsan hindi na sila kumakatok o humihingi ng pahintulot upang pumasok sa aking silid.

Simula ng madischarge si Matthew at nandito na sila sa apartment ko tumutuloy ay magkasama kami sa iisang kwarto dahil na din sa gusto kung ma solo ang dalawa kung anak. Anu kayang pumasok sa isip nila kung bakit nila naisipang magtanong.

Bumalik ang mga mata ko sa kanila ng biglang silang sumigaw na nagpatalon sa akin.

"Surprise mommy!! Happy Mother's Day mommy. We love you!" Yinakap ko sila ng mahigpit at bumulong ng isang thank you at I love you.

Wala talaga akong kaidiideya na isosurprise nila ako sa araw na ito. Nakaligtaan ko din na ngayon pala ang araw ng mga ina. Nawala sa isip ko dahil na din sa sobrang pagkabusy.

Humiwalay ako sa yakap nila at isa isang tinanggap ang letter na binigay nila. Tumingin ako kay Kiel na may hawak hawak na cake.

"Happy mother's Day ate." Inilatag niya sa working station ko ang cake at bumalik sa akin para ikiss ako sa noo at ibigay ang isang bouquet ng bulaklak. I mouthed thank you for him and I hig also him. Ang sweet talaga ng kapatid ko at sobrang nagpapasalamat ako doon.

Back For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon