● Kabanata IV

22 1 0
                                    

Kabanata IV.

Good Job

Hindi ako magkanda-ugaga sa labas ng firm ni Sir V kasi malelate na ako.

Lakad takbo ang ginagawa ko sa ground floor ng law firm ni sir para lang hindi ako malate.

May mga nagrarally kasi sa EDSA kanina kaya ang bagal ng usad ng jeep. Hindi ko naman sila masisi. Alam ko namang may mga hinaing silang gustong ipaglaban kaya pinabayaan ko na lang kahit na napeperwisyo na kaming may trabaho.

Sumakay na ako sa elevator at pinindot ang numerong lima.

Ting!

Ang hudyat na andito na ako sa ikalimang palapag nang gusaling pinagtatrabahuhan ko.

Tiningnan ko ang relo ko na nakapulupot sa aking maliit na mga braso.

8:59 na. Isang minuto na lang at late na ako.

Binilisan ko ang takbo papunta sa scanning machine na naimbento ni sir V.

Isa siyang machine na kung saan ay isa-swipe mo ang iyong I.D ay automatikong na ka log-in kana sa kompyuter. Ginawa kasi ito ni sir V para iwas abala at madali lang gamitin. At kung naka log-in kana ay kumukulay itong green.

Berde na ang ibig sabihin ay hindi ka pa late. Kung kulay pula naman ay kabaliktaran naman at yun ay late ka.

Iniswipe ko agad ang I.D ko sa machine na iyon at kumulay iyon na green.

"YES!" Sigaw ko dahil hindi pa ako late.

Narinig ko ang mahinang tawa galing sa mga katrabaho ko. Nakakahiya ka Katelyn Perez! Untag ko sa aking sarili.

Alam kung pulang-pula ako ngayon hindi dahil sa galit kundi sa matinding pagkapahiya.

Hindi ko alam na nakatingin pala ang iba ko pang katrabaho sa akin kaya umakyat talaga yung dugo ko sa aking mga pisngi.

"Haha! Pasalamat ka Kate at wala pa dito si Sir V tiyak papagalitan ka dun." Pailing-iling na sabi ni Nathan. Engineer. Magdadalawang taon na sa firm ni sir V.

Isa kasi sa ayaw ni sir ang late.

Awkward akong ngumiti sa kanya dahil sa pagkapahiya ko. "Hehe! Mabuti kung ganoon. Sige punta na ako sa desk ko." Paalam ko sa kanya.

"Sige." Sabay ngiti sa akin.

Agad akong nagtungo sa working station ko at isa isa kung inilagay ang mga gamit ko.

Kinuha ko ang pahabang bilog na sisidlan. May mga laman itong designs na gawa ko buong weekend.

Ipapakita ko kasi kay sir V kung okay na ba sa kanya ang designs at irereport ko sa kanya kung magkano ba lahat ang materyales na gagamitin for the projects. Sa friday pa sana ang deadline nito pero tinapos ko na. Para kung may kulang o may mali pa pu pwede ko pang masulosyunan.

Kinakabahan ako sa totoo lang. First time kung magpresent sa harap mismo ni sir V. Isang taon na ako at kalahati sa firm ni sir. Kadalasan kasi sila Engr. Nathan at Engr. Miguel yung palaging nagpepresent ng mga gawa ng bawat Engineers. Malaking bagay na ito para sa akin.

Nagulat nga ako noon ng ako ay isa sa mga natawag at napiling gumawa ng mga designs para sa kliyente ng firm na ito. Kaya tinanggap ko ito agad. Kahit na noong nakaraang linggo lang sinabi ni sir ito ay sinimulan ko kaagad ang paggawa.

Sampo kaming Junior Engineers ang mga napili para ipresent sa bosses ang nasabing disenyo. Binigyan kami ng limang plates na parepareho at kung sino ang may maganda representasyon at gawa ay siyang kukunin at siya ang hahawak sa nasabing proyekto. Ii-evaluate yung mga designs sa friday.

Back For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon